Dam project sa Laguna, tinututulan ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,989 total reads

Tinututulan ng mga residente ng Pakil, Laguna ang pagtatayo ng ‘dam’ at pasilidad sa gagawing 1400-megawatt Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project para tugunan ang kakulangan sa supply ng kuryente sa Pilipinas.

Inihayag ni Danilo Francisco, chairman ng Committee on Justice and Peace and Integral Ecology of Laguna Economical Movement ng Diocese of San Pablo na ang proyekto ay magdudulot ng paghina o pagbabago sa kultura, pananampalataya, at kabuhayan ng mga taga-Pakil.

“Ang usaping ito sa Pakil ay hindi lamang usapin ng environment… Hindi lamang ito usapin ng bundok, kasi sa Pakil, ang bundok na iyon ay bundok ng mga deboto. Mayroon doong taunang tradisyon na kung saan ang mga deboto ay umaakyat sa bundok na may pasan-pasan na krus at itinitirik nila sa bundok, para ang mga deboto ay makasama ang kalikasan at makita ang mukha ng Diyos sa Kaniyang nilikha,” pahayag ni Francisco sa panayam sa programang Veritasan.

Pinuna rin ni Francisco ang mga kakulangan ng proyekto pagdating sa mga permit at sa naging proseso nito sa pagkonsulta sa mga residente.

Tinatayang abot sa tatlong daang ektarya ng lupain ang sasakupin ng itatayong Ahunan dam, kabilang ang kabundukan, kagubatan, at ang Laguna lake na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente.

Alam ni Francisco ang kakulangan sa supply ng enerhiya sa bansa kaya’t nakikiusap ito sa pamahalaan na lumikha ng mga proyektong hindi magdudulot ng labis na pinsala sa kalikasan at sa mga tao.

Noong nakalipas na Marso nang maglabas ng panawagan si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, sa Department of Energy, Ahunan Power Inc., at Department of Environment and Natural Resources, na muling pag-aralan ang proyekto at tiyakin ang tunay na konsultasyon sa mamamayan.

Michael Añonuevo with Intern- Michael Encinas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 32,728 total reads

 32,728 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 80,599 total reads

 80,599 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 184,547 total reads

 184,547 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 270,661 total reads

 270,661 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 339,160 total reads

 339,160 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 163,896 total reads

 163,896 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top