Pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa lokal na ordinansa laban sa pagmimina, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,022 total reads

Sa gitna ng kontrobersyal na desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalang-bisa sa mga lokal na ordinansa laban sa pagmimina, nanawagan ang Apostolic Vicariate of Calapan ng higit na pagtutulungan sa pangangalaga ng kalikasan at karapatan ng mga katutubong pamayanan.

Ayon kay Calapan Social Action Director Fr. Edwin Edu Gariguez, nakababahala ang naging desisyon ng Korte dahil pinahihina nito ang mga lokal na inisyatiba na naglalayong pangalagaan ang mga likas-yaman laban sa mapaminsalang epekto ng pagmimina.

Bagama’t binawi ng Korte ang tinatawag na blanket prohibition, bukas pa rin ang pinto sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang mga makatuwirang hakbang sa ilalim ng Local Government Code — partikular sa mga seksyon 26 at 27 — upang pangalagaan ang kapaligiran at mga komunidad, lalo na ang mga katutubo.

Binigyang-diin ng pari na ang isyu ng pagmimina ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya kundi usapin din ng katarungan at karapatang pantao, lalo na para sa mga katutubong mamamayan na matagal nang nakikipaglaban upang mapanatili ang kanilang lupang ninuno, kabuhayan, at kultura.

Tinukoy ng pari ang mga lugar tulad ng Abra de Ilog, na tahanan ng mga katutubong grupo, at mga Man-and-Biosphere at tourist areas na lubhang sensitibo sa pagkasira ng kalikasan.

“Hindi pera ang lunas sa pagkasira ng kalikasan at kultura ng mga katutubo. Kapalit ng mina ay ang unti-unting pagkamatay ng kabuhayan, ng kaugalian, at ng kalikasang hindi na maibabalik pa,” ayon kay Fr. Gariguez sa panayam ng programang Barangay Simbayanan.

Dagdag pa ng pari, may umiiral nang pambansang batas na nagbabawal sa pagmimina sa Mindoro na isinulong hindi lamang ng mga lokal na lider kundi ng Simbahan at mamamayan mismo.

Itinuturing niya itong patunay ng matibay na pagkakaisa sa lalawigan para protektahan ang kapaligiran at karapatan ng mga katutubo.

Pinuna naman ni Fr. Gariguez ang sinasabing identity crisis ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na sa halip na pangalagaan ang kalikasan ay tila mas pinapaboran pa ang interes ng mga malalaking minahan.

Kasabay ng panawagan, muling isinusulong ni Fr. Gariguez ang Alternative Minerals Management Bill, isang panukalang batas na naglalayong magtakda ng mahigpit na regulasyon sa pagmimina, igalang ang karapatan ng mga katutubo, at tiyaking hindi napipinsala ang kalikasan.

Nanawagan din si Fr. GAriguez ng mas malawak na pagkilos, hindi lamang mula sa Simbahan kundi mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Humiling naman si Fr. Gariguez na panalangin para sa tagumpay ng mga makatarungan at makakalikasang hakbang, para sa kinabukasan ng Mindoro at ng mga anak nitong nakasalalay sa laban kontra pagmimina.

Marian Navales- Pulgo, Michael Encinas

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 28,252 total reads

 28,252 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 177,676 total reads

 177,676 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 212,351 total reads

 212,351 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 228,251 total reads

 228,251 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 264,737 total reads

 264,737 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 272,674 total reads

 272,674 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top