Obispo ng Antipolo, nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng baha sa Texas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,403 total reads

Nag‑alay ng panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos para sa mga biktima ng matinding pagbaha sa Texas, Estados Unidos.

Ang pagbaha ay dulot ng matitinding pag-ulan na nagdulot ng pag-apaw ng Guadalupe River, na umabot ng higit sa 20 talampakan sa ilang bahagi ng Kerr County. Itinuturing ito bilang isa sa pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan ng rehiyon.

Sa ulat, higit sa 100 na ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang 96 sa Kerr County, karamihan ay mga batang nasa Camp Mystic; habang hindi bababa sa 170 katao pa ang nanatiling nanawala.

Sa harap ng trahedya, nanawagan si Bishop Santos ng pagkakaisa, pag-asa, at pananampalataya.

“O Lord of mercy and compassion, in this hour of grief and uncertainty, we lift up our voices to You as one body, united in compassion and faith,” bahagi ng kanyang panalangin.

Ipinagdasal din niya ang mabilis na paggaling ng mga sugatan at ang lakas ng loob ng mga pamilyang nawalan ng tahanan at mahal sa buhay. Pinasalamatan din ng obispo ang mga rescuer, volunteer, at ordinaryong mamamayan na tumulong sa mga biktima.

“Bless the first responders, the volunteers, and every soul moved to help—may their efforts be a reflection of Your love,” dagdag pa ng obispo.

Ayon kay Bishop Santos, sa kabila ng lungkot at pagkawala, mahalagang manatili ang pananampalataya at pag-asa.

“Let this be not only a time of mourning, but a moment of rebirth,” ayon pa kay Bishop Santos na siya ring parish priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo.

Hiniling din ng obispo na nawa maging lakas at sandigan ng bawat nasalanta ang presensya ng Diyos.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 27,332 total reads

 27,332 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 176,487 total reads

 176,487 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 211,163 total reads

 211,163 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 227,085 total reads

 227,085 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 263,571 total reads

 263,571 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 271,589 total reads

 271,589 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top