Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

SHARE THE TRUTH

 8,340 total views

Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis nito ang gawain ng tao subalit maari rin itong maging banta sa lipunan kung walang pamantayan ang paggamit.

“Sa panahon natin ngayon, ang Artificial Intelligence ay hindi likas na masama subalit kapag walang pamantayan sa paggamit ito ay marami ding mga bagay na hindi maganda ang maaring maidudulot sa atin at sa lipunan,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na dapat mag-iingat ang mamamayan sa pag-aakalang laging tunay at wasto ang nilalaman ng mga impormasyong nakikita at nababasa online lalo’t hindi tiyak na mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng datos dahil ginagamit din ang A.I para sa pansariling kapakinabangan.

Babala ni Bishop Maralit sa mamamayan na dapat hindi umasa sa paggamit ng A.I dahil may mas kakayahang pa ring mag-isip ang tao.

“Tunay na mahalaga sa atin ang buong proseso sa paghahanap ng katotohanan at pagdedesisyon, kasama na rin ang mga ambag ng ating karanasan at ugnayan kaya hindi dapat tayo madala sa tuksong umasa na lamang sa A.I,” ani ng obispo.

Nakababahala rin ayon sa obispo ang kakayahang mamanipula ng A.I ang pagkakilanlan ng isang tao tulad ng pagkopya sa itsura at boses sa pamamagitan ng deep fake na maaring paniniwalaan ng sinumang makakapanuod online.

Bukod pa rito ang banta ng ‘job displacement’ dahil napapalitan ng A.I ang kakayahan ng tao sa paglikha o pagtatrabaho na ayon sa pag-aaral ng global financial institution Goldman Sachs maaring papalitan ng A.I ang halos 300-milyong full time jobs sa 2030.

“Paka-ingat tayo sa maaaring idulot na panganib nito sa mga ugnayang pantao na napakahalaga sa paglago at pagbubuo ng ating pagkatao kung saan ang emosyon at mga malalim na pakikipagugnayan sa kapwa ay kailangan at napakahalaga,” ayon pa kay Bishop Maralit.

Sa mensahe ng Papa Francisco sa 58th World Day of Social Communications na ipagdiwang sa May 12, binigyang diin nito na kailanman ay hindi napapalitan ng A.I ang karunungan ng tao.

Tema sa mensahe ng santo papa ngayong taon ang ‘Artificial Intelligence and the Wisdom of the Heart: Towards a Fully Human Communication.’

Batid ng simbahan ang mabubuting dulot ng pag-usbong ng teknolohiya tulad ng A.I subalit paalala nito sa mamamayan ang ibayong pag-iingat sa paggamit nito dahil maaring magdulot ito ng panganib at kapahamakan ng sinuman.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,803 total views

 42,803 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,284 total views

 80,284 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,279 total views

 112,279 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,018 total views

 157,018 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,964 total views

 179,964 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,216 total views

 7,216 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,814 total views

 17,814 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top