Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, MAYO 8, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,953 total views

Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 14, 5-18
Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Juan 14, 21-26

Monday of the Fifth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 5-18

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, kumilos agad ang mga Hentil at ang mga Judio, kasama ng kanilang mga pinuno, laban sa mga apostol; binalak nilang lapastanganin at batuhin sila. Subalit nang malaman ito ng mga apostol sila’y tumakas patungo sa Listra at Derbe, mga lungsod ng Licaonia, at sa lupaing nasa palibot. At doon nila ipinangaral ang Mabuting Balita.

Sa Listra, may isang lalaking di makalakad, sapagkat siya’y lumpo mula sa pagkabata. Nakaupo siya’t nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo’y may pananampalataya upang mapagaling, tinitigan niya ito, at malakas na sinabi, “Tumayo ka nang tuwid!” At lumukso ang lalaki at nagpalakad-lakad. Nang makita ng taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Nanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!” Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at Hermes naman si Pablo, sapagkat siya ang tagapagsalita. Nasa pagpasok ng lungsod ang templo ni Zeus. Nang marinig ng saserdote nito ang nangyari, nagdala siya sa pintong lungsod ng mga torong may kuwintas na bulaklak upang ihandog niya at ng taong bayan sa mga apostol. Nang malaman ito nina Bernabe at Pablo, hinapak nila ang kanilang mga damit at patakbong pumagitna sa mga tao. Sumigaw sila, “Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan. Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinangaral namin sa inyo ang Mabuting Balita upang talikdan ninyo ang mga bagay na ito na walang kabuluhan, at manumbalik kayo sa tunay na Diyos na siyang gumawa ng langit, ng lupa, at ng lahat ng naroroon. Nang nakalipas na mga panahon, hinayaan niyang sundin ng lahat ng bansa ang kani-kanilang kagustuhan. Gayunma’y nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa inyo: binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at pinuspos ng kagalakan ang inyong mga puso.” Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin sila ng pagpigil sa mga tao sa paghahandog sa kanila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

o kaya: Aleluya.

Tanging sa ‘yo lamang, Poon, ang dakilang karangalan,
hindi namin maaangkin, pagkat ito’y iyo lamang;
dahilan sa ika’y tapat at wagas ang pagmamahal.
Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa:
“Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Ang Diyos nami’y nasa langit, naroon ang Diyos namin,
at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
Ginawa sa ginto’t pilak ang kanilang mga diyos,
sa kanila’y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos,
pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob.
Panginoon ang may-ari ng buong sangkalangitan,
samantalang ang daigdig ay sa tao ibinigay.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

ALELUYA
Juan 14, 26

Aleluya! Aleluya!
Espiritu’y magtuturo
ng aral at pagkukuro
ni Hesus na ating Guro.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 21-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.” Tinanong siya ni Judas, hindi ang Iscariote, “Panginoon,” bakit po sa amin lamang kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa sanlibutan?” Sumagot si Hesus, “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga Salita. Hindi akin ang salitang narinig ninyo, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito samantalang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Buong pagtitiwalang itaas natin ang ating mga puso sa Diyos Ama na gumagabay sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y isabuhay ang diwa ng Ebanghelyo at isagawa ang kalooban ng Diyos sa kanyang paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magsikap na itaguyod ang katarungan at karangalan ng tao lalo na ng mga mahihina at mahihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang pamayanan, nawa’y itaguyod at tulungan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig at kabutihang ipinakita sa atin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa kanilang katawan, pag-iisip, at kaluluwa nawa’y makatagpo ng ganap na paggaling, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makapasok sa lugar na inihanda ni Kristo para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang makapangyarihan, dinggin mo ang aming mga panalangin at buksan ang aming mga puso upang tanggapin at ibigin ang aming mga kapatid na nangangailangan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moro-Moro Lamang

 76,637 total views

 76,637 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 92,036 total views

 92,036 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 104,491 total views

 104,491 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 115,105 total views

 115,105 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 125,755 total views

 125,755 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 24,164 total views

 24,164 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 24,395 total views

 24,395 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 24,876 total views

 24,876 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 16,897 total views

 16,897 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 17,006 total views

 17,006 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top