LUNES, MAYO 29, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,617 total reads

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

Genesis 3, 9-15. 20
o kaya Mga Gawa 1, 12-14
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Juan 19, 25-34

Memorial of the Blessed Virgin Mary, Mother of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 3, 9-15. 20

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkakain ni Adan sa bunga ng puno, tinawag siya ng Panginoon at tinanong,
“Saan ka naroon?”
“Natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat ako’y hubad,” tugon ng lalaki.
“Sinong may sabi sa iyong hubad ka?” tanong ng Diyos. “Bakit kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.
“Bakit mo naman ginawa iyon?” tanong ng Diyos sa babae.
“Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” tugon naman niya.
At sinabi ng Panginoon sa ahas:
“Sa iyong ginawa’y may parusang dapat,
na tanging ikaw lang yaong magdaranas;
ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad,
at alikabok ang pagkaing dapat.
Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban.
Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.”
Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Mga Gawa 1, 12-14

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Pagkaakyat ni Hesus sa langit, ang mga apostol ay nagbalik sa Jerusalem buhat sa Bundok ng mga Olibo, na halos isang kilometro ang layo. Ang mga ito’y sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago. Pagdating sa kanilang tinutuluyan sa lungsod, nagtuloy sila sa silid sa itaas. Lagi silang nagsasama-sama sa pananalangin, kasama ang mga babae at si Mariang ina ni Hesus, gayun din ang mga kapatid ni Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Sa Bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod,
ang lungsod na ito’y higit niyang mahal
sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Kaya’t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay,
O lungsod ng Diyos.
At tungkol sa Sion, yaong sasabihin’y,
“Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Ang Poon ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya, Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
dapat magpuri ang lahat
sa iyo at sa ‘yong Anak.
Aleluya, Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila raw ang araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

Manalangin tayo na matularan natin ang halimbawa ni Maria, nang may mababang-loob, puno ng pananampalataya, at laging handang tumupad sa kalooban ng Panginoon. Sa ating bawat panalangin, ang ating itutugon:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Bilang Bayan ng Diyos, tayo nawa’y sumulong sa ating paglalakbay sa pananampalataya sa ilalim ng paggabay at pagtuturo ng ating kaparian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pinuno ng ating pamahalaan nawa’y gumawa ng lahat ng paraan upang maitaguyod ang kapayapaan at pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pamilya at pamayanan nawa’y magpahayag ng pasasalamat para sa mga biyayang tinatanggap ng bawat isa at ng lahat. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Tulad ni Maria, tayo, nawa’y magsikap tayong mag-abot ng tulong sa ating kapwang labis na nangangailangan nito. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang ating mga yumaong mahal sa buhay nawa’y makaranas ng kaligayahan sa piling ng Panginoon sa kanyang Kaharian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Diyos na aming Ama, ipinadarama mo ang iyong pananatili sa aming piling sa kabutihang-loob ng aming mga kapatid. Patuloy nawa naming ipahayag ang iyong pag-ibig sa pamamagitan ng buhay na nauukol sa paglilingkod. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

BLIND GUIDES

 1,154 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 1,492 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 19,162 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 19,163 total reads

 19,163 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 58,123 total reads

 58,122 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 93,422 total reads

 93,422 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 319,691 total reads

 319,691 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 211,901 total reads

 211,901 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 1,139 total reads

 1,139 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 2,892 total reads

 2,892 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 4,814 total reads

 4,814 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 5,593 total reads

 5,593 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 7,112 total reads

 7,112 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top