HUWEBES, AGOSTO 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 623 total reads

Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Josue 3, 7-10a. 11. 13-17
Salmo 113 A, 1-2. 3-4. 5-6

Aleluya.

Mateo 18, 21 – 19, 1

Thursday of the Nineteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Josue 3, 7-10a. 11. 13-17

Pagbasa mula sa aklat ni Josue

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Josue: “Sa araw na ito’y padadakilain kita sa paningin ng buong Israel. Sa ganito makikilala nilang ako’y sumasaiyo, tulad ng ginawa ko kay Moises. Sabihin mo sa mga saserdoteng Levita na magdadala ng Kaban ng Tipan na magtuloy na sila sa Ilog Jordan, ngunit hihinto pagtuntong ninyo sa tubig.”

At tinawag ni Josue ang mga tao: “Halikayo at pakinggan ninyo ang ipinasasabi ng Panginoon, ang inyong Diyos.” At sinabi niya sa mga tao: “Dito ninyo malalaman na sumasainyo ang Diyos na buhay. Pagdating ninyo roon, lilipulin niya ang mga Cananeo. Ang Kaban ng Tipan ng Panginoon, ang Panginoon ng sangkalupaan ay mauunang itatawid ng Ilog Jordan. Kapag ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan ay tumuntong sa tubig, titigil ng pag-agos ang Ilog Jordan. Ang tubig ay matitipon sa isang lugar sa hulo.”

Sa pangunguna ng mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, umalis ng kampamento ang bayang Israel upang tumawid sa ilog. Malaki ang tubig ng Jordan sa panahon ng tag-ani. Nang sumapit sa Ilog Jordan ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, tumigil ang agos sa hulo, at ang tubig ay natipon sa tapat ng bayan ng Adam, lungsod na nasa tabi ng Sartan. Samantala, ang agos na pababa sa Dagat na Patay, sa Araba, ay nagpatuloy hanggang sa natuyo ang ilog at nakatawid ang buong Israel. Malapit sa Jerico ang kanilang tinawiran. Nanatili sa gitna ng natuyong ilog ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, samantalang tumatawid sa ibayo ang buong bayan; tuyo ang nilalakaran nila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 A, 1-2. 3-4. 5-6

Aleluya.

Ang bayang Israel
sa bansang Egipto’y doon inilabas,
nang ang lahing ito
sa bansang dayuhan ay pawang lumikas;
magmula na noon
ang lupaing Juda’y naging dakong banal,
at yaong Israel
ginawa ng Diyos na sariling bayan.

Aleluya.

Ang Dagat ng Tambo,
nang ito’y makita, ay tumakas na rin,
Magkabilang panig
ng Ilog ng Jordan, noon ay humimpil.
Maging mga bundok,
katulad ng tupa, ay pawang nanginig,
pati mga burol,
nanginig na parang tupang maliliit.

Aleluya.

Ano ang nangyari,
at ikaw, O dagat, wala nang dayuhan?
Ikaw naman, Jordan,
bakit ang tubig mo’y hindi na dumaloy?
Kayong mga bundok,
nanginginig kayong tupa ang kapara,
at ang mga burol,
natakot na parang maliit na tupa?

Aleluya.

ALELUYA
Salmo 118, 135

Aleluya! Aleluya!
Poon, iyong pasikatin
kagandahan ng loobin
ng kabutihan mo sa ‘min.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 21 – 19, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, “Panginoon, makailan pong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw — napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.”

Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga bagay na ito, siya’y umalis sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo sa Diyos upang makapagdulot ng pakikipagkasundo sa daigdig ang kanyang bayan na nakadama ng kanyang pagpapatawad.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging hari, padaluyin mo ang iyong pagpapatawad sa amin.

Ang Bayan ng Diyos na pinalaya ng Dugo ni Kristo nawa’y hindi magkahiwa-hiwalay at mamuhay sila sa pagkakaunawaan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may dinaramdam o sama ng loob bunga ng mga kalupitan at pagkakamaling ginawa sa kanila nawa’y huwag magkimkim ng hinanakit sa kanilang puso bagkus maging bukas sa kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapang magpatawad nawa’y mapagtanto at maunawaan ang mayamang habag ng Diyos sa bawat isa at matutong makapagpatawad mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nakadarama ng malalim na sugat ng pisikal at espiritwal na pagkakamali nawa’y makatagpo ng kagalingan sa pagpapatawad ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na namayapa nawa’y patawarin sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, masdan mo nang may habag ang aming mga pagkakamali, iadya mo kami sa katigasan ng puso at tulungan mo kaming maging handang makapagpatawad sa mga tinamo naming mga pasakit, upang mabuklod na muli ang nagkakahiwa-hiwalay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

GENEROSITY is GRATITUDE

 2,089 total reads

Gospel Reading for November 23, 2026 – Luke 21: 1-4

GENEROSITY is GRATITUDE

When Jesus looked up he saw some wealthy people putting their offerings into the treasury and he noticed a poor widow putting in two small coins. He said, “I tell you truly, this poor widow put in more than all the rest; for those others have all made offerings from their surplus wealth, but she, from her poverty, has offered her whole livelihood.”

————

The amount we drop into the collection box is not what gives it value. The value of what we give depends on how much we needed it for our personal use or what we had to give up in order to give it. Therefore, GENEROSITY does not depend on how much is given but on how much we give up to give it.

The best motivation for GENEROSITY is GRATITUDE. If we make it a habit to count our blessings or notice the good things that come our way in life, it will be easier for us to be generous. Being blessed should inspire us to bless others, too.

Lord Jesus, may we live each day always recognizing all the good things we receive from God, and may these inspire us to share what we receive with others, too. Amen.

Less than “a penny for your thoughts”

 2,448 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Thirty-Fourth Week in Ordinary Time, Year II, 23 November 2026
Revelation 14:1-5     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 21:1-4
Photo by author, mountain view from Kalinto Resort, Botolan, Zambales, 13 November 2026.
Thank you,
dear Jesus,
in giving some thoughts
for those two small coins
dropped by a poor widow
into the temple treasury,
an amount even less than
the proverbial "penny for your thoughts."
Nothing truly escapes
your notice, Jesus,
not because you are 
exacting but more of being
so appreciative of our efforts,
of what is in our hearts;
the widow in her heart already
had you and her two small coins
simply followed it to the 
temple treasury.
Teach me to first empty
my heart so that I may learn to
give it all to you,
O Lord.
Amen. 
Photo by author, Kalinto Resort, Botolan, Zambales, 13 November 2026.

Hindi krimen ang magprotesta

 22,723 total reads

Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba pang bansa. Oportunidad ito para pag-usapan ang mahahalagang bagay katulad ng ekonomiya at kapayapaan. 

Pero nabahiran ito ng karahasan laban sa mga Pilipino mismo.

Hindi baba sa 300 katao ang dinakip sa Metro Manila at karatig na lugar sa pagbubukas ng summit noong Nobyembre 15. Karamihan sa kanila ay nakilahok sa mga kilos-protesta laban sa Pax Silica, isang inisyatibong isinusulong ng Amerika para palakasin ang supply chain o ang network na sisigurong may mga materyales, manggagawa, impormasyon, at iba pa para itaguyod ang artifical intelligence (o AI). Hindi pa malinaw ang magiging proyekto sa Pilipinas sa ilalim ng inisyatibong ito, pero matunog ang pagtatayo ng isang AI hub sa Tarlac na maaaring makaapekto sa supply ng tubig at kuryente, makasira ng kalikasan, at magpalayas sa mga katutubo. Dumalo si US President Donald Trump sa ASEAN Summit, pero walang isinapublikong pag-uusap kaugnay ng Pax Silica. 

Bitbit din ng mga raliyista ang mga panawagang wakasan ang kahirapan sa bansa at papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Maliban sa mga nagpoprotesta, mayroon din mga mamamahayag na dinakip ang kapulisan. Makikita sa mga litrato at videos ang pagigiit ng ilang mamahayag na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho. Gayunpaman, sapilitan silang hinuli at idinetine kasama ng mga raliyista. May mga report ng marahas na pagtrato sa mga raliyista at pagbabawal diumano ng awtoridad na makausap nila ang kanilang mga abogado. 

Ayon sa PNP, ang lahat ng dinakip ay lumabag sa Public Assembly Act of 1985. Ilan daw sa kanila ay walang permit, nasa labas ng mga lugar kung saan pinapayagan ang mga kilos-protesta, o sadyang nanggulo. Itinanggi rin ng kapulisan na hinarang nila ang abogado ng mga hinuli. Anila, may mga security protocols na dapat sundin, at pinapasok din naman ang mga abogado pagkatapos ng ilang beripikasyon. 

Kinundena ng mga human rights groups ang mga pagdakip. Para kay National Union of People’s Lawyers President Ephraim Cortez, ang pagpoprotesta laban sa kahirapan, katiwalian, at mga proyektong maaaring magpahirap sa taumbayan ay hindi krimen. Iginiit niyang ginagarantiya ng Saligang Batas ang malayang pagpapahayag at mapayapang pagtitipon. 

Nagsalita rin si Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, kaugnay ng isyu. Bagamat maituturing na magandang balita ang pagpapalaya sa halos dalawandaang inaresto, kasama ang mga menor de edad, kailangan pa rin daw managot ng awtoridad sa mga reklamo kaugnay ng pagtrato nila sa mga raliyista. Hindi rin daw dapat kalimutan ang mga raliyistang nananatiling nakapiit. Nanawagan ang obispo na imbestigahan ang mga ito. Dagdag pa niya, kapag dumadaing ang mahihirap sa kanilang mga suliranin, hindi dapat sila sinasalubong ng karahasan. Sa halip, dapat silang pakinggan, seryosohin, at igalang. 

Kinikilala ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang karapatang tumutol. ‘Ika nga ni Santo Tomas Aquinas, “Man is bound to obey… in so far as this is required by the order of justice.” Dapat tayong sumunod basta naayon ito sa katarungan. Kinakailangan din ang ating pakikilahok para “dumaloy ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang ‘di natutuyong batis,” ayon nga sa Amos 5:24. Ang pananahimik ay pagsang-ayon sa mga makasalanang istrukturang taliwas sa kabutihang panlahat. 

Mga Kapanalig, hindi krimen ang mapayapang pagpoprotesta at pagpapahayag ng pagtutol sa mga patakaran at desisyon ng pamahalaan na may nakikitang negatibong epekto sa mga komunidad, mga sektor, at maging sa kalikasan. Sa katunayan, ang pagtalikod dito sa gitna ng kawalang-katarungan ay kabiguang gampanan ang isang Kristiyanong tungkulin. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 22,724 total reads

 22,724 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 145,114 total reads

 145,114 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 195,478 total reads

 195,478 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 322,536 total reads

 322,536 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,973 total reads

 406,973 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 35,511 total reads

 35,511 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 38,033 total reads

 38,033 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 40,117 total reads

 40,117 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 38,636 total reads

 38,636 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 39,736 total reads

 39,736 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top