Daily Reflection – August 13, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,055 total reads

Mga Kapanalig! Lagi natin tatandaan na Ang Diyos ay nandiyan sa tuwing tayo ay may problema. Siya ay lalapit sa atin, subalit huwag natin kalilimutan na tayo rin ay kailangang lumapit sa Kaniya.

GENEROSITY is GRATITUDE

 1,980 total reads

Gospel Reading for November 23, 2026 – Luke 21: 1-4

GENEROSITY is GRATITUDE

When Jesus looked up he saw some wealthy people putting their offerings into the treasury and he noticed a poor widow putting in two small coins. He said, “I tell you truly, this poor widow put in more than all the rest; for those others have all made offerings from their surplus wealth, but she, from her poverty, has offered her whole livelihood.”

————

The amount we drop into the collection box is not what gives it value. The value of what we give depends on how much we needed it for our personal use or what we had to give up in order to give it. Therefore, GENEROSITY does not depend on how much is given but on how much we give up to give it.

The best motivation for GENEROSITY is GRATITUDE. If we make it a habit to count our blessings or notice the good things that come our way in life, it will be easier for us to be generous. Being blessed should inspire us to bless others, too.

Lord Jesus, may we live each day always recognizing all the good things we receive from God, and may these inspire us to share what we receive with others, too. Amen.

Less than “a penny for your thoughts”

 2,344 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Thirty-Fourth Week in Ordinary Time, Year II, 23 November 2026
Revelation 14:1-5     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 21:1-4
Photo by author, mountain view from Kalinto Resort, Botolan, Zambales, 13 November 2026.
Thank you,
dear Jesus,
in giving some thoughts
for those two small coins
dropped by a poor widow
into the temple treasury,
an amount even less than
the proverbial "penny for your thoughts."
Nothing truly escapes
your notice, Jesus,
not because you are 
exacting but more of being
so appreciative of our efforts,
of what is in our hearts;
the widow in her heart already
had you and her two small coins
simply followed it to the 
temple treasury.
Teach me to first empty
my heart so that I may learn to
give it all to you,
O Lord.
Amen. 
Photo by author, Kalinto Resort, Botolan, Zambales, 13 November 2026.

Hindi krimen ang magprotesta

 21,735 total reads

Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba pang bansa. Oportunidad ito para pag-usapan ang mahahalagang bagay katulad ng ekonomiya at kapayapaan. 

Pero nabahiran ito ng karahasan laban sa mga Pilipino mismo.

Hindi baba sa 300 katao ang dinakip sa Metro Manila at karatig na lugar sa pagbubukas ng summit noong Nobyembre 15. Karamihan sa kanila ay nakilahok sa mga kilos-protesta laban sa Pax Silica, isang inisyatibong isinusulong ng Amerika para palakasin ang supply chain o ang network na sisigurong may mga materyales, manggagawa, impormasyon, at iba pa para itaguyod ang artifical intelligence (o AI). Hindi pa malinaw ang magiging proyekto sa Pilipinas sa ilalim ng inisyatibong ito, pero matunog ang pagtatayo ng isang AI hub sa Tarlac na maaaring makaapekto sa supply ng tubig at kuryente, makasira ng kalikasan, at magpalayas sa mga katutubo. Dumalo si US President Donald Trump sa ASEAN Summit, pero walang isinapublikong pag-uusap kaugnay ng Pax Silica. 

Bitbit din ng mga raliyista ang mga panawagang wakasan ang kahirapan sa bansa at papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Maliban sa mga nagpoprotesta, mayroon din mga mamamahayag na dinakip ang kapulisan. Makikita sa mga litrato at videos ang pagigiit ng ilang mamahayag na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho. Gayunpaman, sapilitan silang hinuli at idinetine kasama ng mga raliyista. May mga report ng marahas na pagtrato sa mga raliyista at pagbabawal diumano ng awtoridad na makausap nila ang kanilang mga abogado. 

Ayon sa PNP, ang lahat ng dinakip ay lumabag sa Public Assembly Act of 1985. Ilan daw sa kanila ay walang permit, nasa labas ng mga lugar kung saan pinapayagan ang mga kilos-protesta, o sadyang nanggulo. Itinanggi rin ng kapulisan na hinarang nila ang abogado ng mga hinuli. Anila, may mga security protocols na dapat sundin, at pinapasok din naman ang mga abogado pagkatapos ng ilang beripikasyon. 

Kinundena ng mga human rights groups ang mga pagdakip. Para kay National Union of People’s Lawyers President Ephraim Cortez, ang pagpoprotesta laban sa kahirapan, katiwalian, at mga proyektong maaaring magpahirap sa taumbayan ay hindi krimen. Iginiit niyang ginagarantiya ng Saligang Batas ang malayang pagpapahayag at mapayapang pagtitipon. 

Nagsalita rin si Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, kaugnay ng isyu. Bagamat maituturing na magandang balita ang pagpapalaya sa halos dalawandaang inaresto, kasama ang mga menor de edad, kailangan pa rin daw managot ng awtoridad sa mga reklamo kaugnay ng pagtrato nila sa mga raliyista. Hindi rin daw dapat kalimutan ang mga raliyistang nananatiling nakapiit. Nanawagan ang obispo na imbestigahan ang mga ito. Dagdag pa niya, kapag dumadaing ang mahihirap sa kanilang mga suliranin, hindi dapat sila sinasalubong ng karahasan. Sa halip, dapat silang pakinggan, seryosohin, at igalang. 

Kinikilala ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang karapatang tumutol. ‘Ika nga ni Santo Tomas Aquinas, “Man is bound to obey… in so far as this is required by the order of justice.” Dapat tayong sumunod basta naayon ito sa katarungan. Kinakailangan din ang ating pakikilahok para “dumaloy ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang ‘di natutuyong batis,” ayon nga sa Amos 5:24. Ang pananahimik ay pagsang-ayon sa mga makasalanang istrukturang taliwas sa kabutihang panlahat. 

Mga Kapanalig, hindi krimen ang mapayapang pagpoprotesta at pagpapahayag ng pagtutol sa mga patakaran at desisyon ng pamahalaan na may nakikitang negatibong epekto sa mga komunidad, mga sektor, at maging sa kalikasan. Sa katunayan, ang pagtalikod dito sa gitna ng kawalang-katarungan ay kabiguang gampanan ang isang Kristiyanong tungkulin. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 21,738 total reads

 21,738 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 144,170 total reads

 144,170 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 194,534 total reads

 194,534 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 321,592 total reads

 321,592 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,089 total reads

 406,089 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top