Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, DISYEMBRE 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,376 total views

Ika-21 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

Awit 2, 8-14
o kaya Sofonias 3, 14-18a
Salmo 32, 2-3. 11-12. 20-21

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Lucas 1, 39-45

21st of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
Awit 2, 8-14

Pagbasa mula sa aklat ng Awit ni Solomon

Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,
mga gulod, tinatahak upang ako’y makaniig.
Itong aking mangingibig ay katulad niyong usa,
mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla.
Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya,
sumisilip sa bintana para ako ay makita.
Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang tinuran:
“Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.
Lumipas na ang taglamig sa buong lupain
at ang tag-ulan ay natapos na rin.
Bulaklak sa kaparangan tingna’t namumukadkad na,
ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya,
sa bukid, ang mga ibo’y humuhuni, kumakanta.
Yaong mga bungang igos ay hinog nang para-para,
at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na.
Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.
Ika’y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan,
halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan,
at nang aking ding marinig ang tinig mong ginintuan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Sofonias 3, 14-18a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Sofonias

Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion;
sumigaw ka, Israel!
Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem!
Ang mga nagpaparusa sa iyo ay inalis na ng Panginoon,
at itinapon niya ang inyong mga kaaway.
Nasa kalagitnaan mo ang Hari ng Israel, ang Panginoon;
wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem:
“Huwag kang matakot, Sion;
huwag manghina ang iyong loob.
Nasa piling mo ang Panginoong iyong Diyos,
parang bayaning nagtagumpay;
makikigalak siya sa iyong katuwaan,
babaguhin ka ng kanyang pag-ibig;
at siya’y masayang aawit sa laki ng kagalakan,
gaya ng nagdiriwang sa pista.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 2-3. 11-12. 20-21

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.
Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tutog ng alpang marilag!

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,
sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Emman’wel na hari namin
halina’t kami’y sagipin
at utos mo’y tutuparin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 1, 39-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Judea. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak niyang sinabi, “Bukod kang pinagpala sa babaing lahat at pinagpala naman ang iyong dinadalang anak! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Ikaanim na Araw

Kalakip ng ating pagninilay sa misteryo ng tuwa ng Pagdalaw, magtuon tayo ng pansin kina Mariang Kabanal-banalan at kay Elisabet, at kay Hesus na siyang sanhi ng kanilang kagalakan. Kaisa nila, manalangin tayo:

Panginoon, buksan Mo ang aming puso!

Para sa Inang Simbahan: Nawa’y higit niyang pahalagahan ang ginagampanan ng kababaihan sa pamayanang Kristiyano at tuwinang ipagtanggol ang kanilang karangalan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng maybahay: Nawa sila’y maging kasangkapan ng pagpapakabanal ng kani-kanilang asawa at tagapagtaguyod ng pagkakasundo’t kagalakan sa tahanan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng ina: Nawa’y palakihin nila ang kani-kanilang anak nang may takot at pagmamahal sa Diyos at maging inspirasyon sa kanila sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng babaeng nagtalaga ng kanilang sarili sa Panginoon: Nawa’y manatili silang tapat sa kanilang mga pangako at para sa mga sumasampalataya’y maging salamin ng kaningningan ng lubos na pagmamahal. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng batang babae: Nawa sila’y maging mapagmahal na anak, mapagpahalaga sa kanilang puri, at nakalaan sa kabutihan ng kapwa. Manalangin tayo!

Para sa mga may malubha at permanenteng kapansanan: maging tampulan nawa sila ng atension at kalinga ng lipunan. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, makapaghanda nawa kami para sa darating na Pasko, na tulad ng paghahanda ni Elisabet para sa pagsilang ni Juan, at ni Maria para sa pagsilang ni Hesus, na ating Panginoon at Tagapagligtas na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 84,085 total views

 84,085 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 102,419 total views

 102,419 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 120,194 total views

 120,194 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 195,574 total views

 195,574 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 219,323 total views

 219,323 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 54,904 total views

 54,904 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 55,135 total views

 55,135 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 55,651 total views

 55,651 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 40,191 total views

 40,191 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 40,300 total views

 40,300 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top