Atapang atao pero atakbo?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 530,350 total views

Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa. 

Mahigit isang buwan nang missing-in-action ang tapat at masunuring tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Noong Sabado, inaasahan siyang dumalo sa bicameral conference committee bilang kinatawan ng Senado, pero no-show siya sa importanteng meeting na iyon. 

Hindi nagpaparamdam si Senador Bato mula nang kumalat ang ‘di kumpirmadong balita na naglabas na ang International Criminal Court (o ICC) ng warrant of arrest para sa kanya. Kasama kasi siya ni dating Pangulong Digong sa pagbubuo at pagsasakatuparan ng madugong giyera kontra droga. Siya ang pinuno ng Philippine National Police (o PNP) noong lantarang isantabi ng administrasyon ang proseso ng batas para pagpapatayin ang mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Sa tala ng PNP, nasa anim na libo ang namatay sa mga operasyon ng pulis. Sa monitoring ng mga human rights groups, hanggang tatlumpung libong kababayan natin ang biktima ng extrajudicial killings. Ganoon po karami!

Isang buwan nang absent si Senador Bato sa Senado mula noong Nobyembre 11. Ayon sa Department of the Interior and Local Government (o DILG), may mga natanggap silang tip na nakita ang mambabatas sa anim na iba’t ibang lugar sa nakalipas na tatlong linggo. Nagtatago ba ang senador? Hindi ito masabi ng DILG; hindi pa naman daw siya maituturing na pugante. Hindi rin naman daw kikilos ang PNP para hulihin siya; wala raw magagamit na batayan ang mga pulis.

Hindi naman kailangang mag-alala ng senador ukol sa kanyang suweldo. Wala naman daw “no work, no pay” policy ang Senado, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto. Patuloy na tatanggap ng suweldo si Senador Bato dahil nailaan na raw ito para sa kanya. Ang isang senador ay nasa ilalim ng Salary Grade 31 na tumatanggap ng tumataginting na ₱293,191 hanggang ₱334,059 kada buwan. Sana all may sahod kahit hindi nagtatrabaho!

Kapag pinupuna ang dating administrasyon tungkol sa giyera kontra droga, mabilis sumagot ang mga tagasuporta nito ng: “Bakit matatakot kung wala namang ginagawang mali?” Ibalik natin ang tanong na ito kay Senador Bato at tagasuporta niya at ng pamilya Duterte: “Bakit magtatago kung wala namang kasalanan?”

Ipininta ang sanggang-dikit na sina Pangulong Duterte at Senador Bato bilang matatapang na lider—may kamay na bakal, walang kinatatakutan, handang humarap sa anumang laban. Pero nasaan na ang katapangang ito ngayong pinananagot na sa batas silang mga nasa likod ng libu-libong kaso ng pagpatay?

Sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pamumuno (o leadership) ay isang bokasyon para paglingkuran ang Diyos at ang taumbayan. Ang kapangyarihang tangan nila ay hindi dapat ginagamit para sa sariling interes kundi para sa kapakanan ng lahat o ang common good. Iniluluklok sila sa posisyon sa gobyerno para tiyaking umiiral ang katarungan.

Dapat maalala ni Senador Bato ang bokasyong pinasok niya. Bilang tagagawa ng batas ng bayan, may pananagutan siya sa ating lahat. Ang hindi niya pagsipot sa bicameral conference committee noong Sabado ay mabigat na pagtalikod sa kanyang sinumpaang tungkulin. Itinalaga siyang tagapagsuri sa inihahaing budget ng kasalukuyang administrasyon para sa susunod na taon, pero hindi niya ito ginampanan. Ang hindi niya pagpasok sa Senado nang walang sapat na dahilan ay pambabastos sa mga mamamayang nagpapasuweldo sa kanya. 

Mga Kapanalig, sabi nga ni Hesus sa Mateo 20:27, “kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo.” Ang mga nauuna sa ating lipunan, gaya ng mga senador, ay dapat paglingkuran ang taumbayan. Kaya magpakita ka na sana, Senador Bato! Naghihintay ang mga nagpapasahod sa iyo.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 106,885 total views

 106,885 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 130,044 total views

 130,044 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 151,318 total views

 151,318 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 312,719 total views

 312,719 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

International Wellness Day

 106,886 total views

 106,886 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 130,045 total views

 130,045 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 151,319 total views

 151,319 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »
Scroll to Top