Libreng gamot para sa mental health

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512,422 total views

Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health

Inanunsyo noong Hunyo ng DOH na magbibigay ng libreng gamot para sa mga may mental health conditions ang ilang pampublikong ospital. Sinimulan ito dito sa Metro Manila. Bilang access sites ng gamot, inaasahang magiging daan ang mga pasilidad na ito para mas marami ang makaunawa tungkol sa mga isyung kaugnay ng kalusugang pangkaisipan. Tandaan natin: hindi lahat ng sakit ay nakikita ng ating mga mata.

Matagal nang usapin ang mental health sa ating bansa. Ayon sa report na pinamagatang Mental State of the World, bumaba ang tinatawag na mental health quotient (o MHQ) sa Pilipinas. Ang MHQ ay pinagsama-samang aspeto ng mental health function—mula sa ating mga emosyon hanggang sa pakikisalamuha natin sa iba. Kabilang din sa MHQ ang kakayahang lampasan ang mga hamon ng buhay at magpatuloy sa buhay anuman ang nangyayari. Ang MHQ ng Pilipinas noong 2024 ay nasa 68.76, mas mababa sa 78.44 noong 2023. Kung mas mataas ang MHQ, mas mabuti ang kalusugang pagkaisipan. Ang iskor natin ay pasok sa kategoryang “managing” o nakakayanan naman.

Pero may mga kapatid tayong maituturing na malubha ang mental health condition at, batay sa assessment ng isang eksperto gaya ng psychiatrist, gamot ang makatutulong sa kanila. Hindi natin iniaalis ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili (o self-care) at ang pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan, pero may mga pagkakataon kasing kailangan na ng gamutan. Ang nakalulungkot, hindi lahat ay may kakayanang bumili ng mga ito. Napakamahal ng mga gamot na ito sa ngayon, kaya malaking ginhawa kung maibibigay ito nang libre.

Nagsisikap din ang gobyerno na unti-unting burahin ang negatibong pagtingin o  stigmatization sa mental health. Ipino-promote nito ang pananaw na ang mga mental health conditions ay kayang lunasan, at ang mga indibidwal na nakararanas ng mga sintomas ay hindi masasamang tao kundi biktima ng karamdamang hindi nila pinili. Malaki nga ang papel ng gobyerno sa pagpapalaganap ng mas mapagkalingang pananaw sa mga taong may mental health conditions at mas seryosong pagtingin sa isang kalagayang pangkalusugan na hindi kaagad-agad na nakikita. 

Ang mga seryosong mental health conditions ay kasinghirap ng mga pisikal na sakit o karamdaman. Kung ang sakit na pisikal ay nagdudulot ng sakit at kahinaan sa sariling katawan, ang mga mental health conditions ay nagdudulot ng sakit hindi lamang sa sarili, kundi pati rin sa mga mahal natin sa buhay at mga nakapaligid sa atin. Parehas nakapanghihina. Parehas nakakawala ng loob. 

Kaya mahalagang pinagtutuunan din ng pansin at tulung-tulong na tugunan ang isyung pangkalusugan na ito. Tulad nga sa itinuturo sa Galacia 6:2, “Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Kristo.” Sa ating pagtutulungan, makapagliligtas tayo ng buhay ng mga kapatid nating nababalot ng matinding takot, labis na kalungkutan, hindi maawat na pagkabalisa, at iba pang mental health conditions. Sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ipinaaalala naman sa atin ng Simbahan na dapat nating damayan ang ating kapwa, lalo na sa panahon ng kanilang paghihirap at pagkakasakit. Kasama sa kanila ang mga dumaranas ng iba’t ibang mental health conditions.

Mga Kapanalig, alalahanin nating may mga kapatid tayong dahil sa kanilang mental health condition ay hindi makasasabay sa ating pagdiriwang ng itinuturing nating pinakamasayang araw ng taon—ang Pasko. Mabigat sa dibdib ang panahon ito para sa ilan sa kanila, at hindi natin sila dapat sisihin sa kanilang pinagdaraanan. Maipagpatuloy sana ng gobyerno ang pag-abot sa kanila sa pamamagitan ng abot-kayang gamutan. 

Sumainyo ang katotohanan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 8,601 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 8,707 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 70,315 total views

 70,315 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 140,092 total views

 140,092 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 171,374 total views

 171,374 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 203,389 total views

 203,389 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 352,064 total views

 352,064 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 70,316 total views

 70,316 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 140,093 total views

 140,093 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 171,375 total views

 171,375 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 203,390 total views

 203,390 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top