Mamamayan, hinimok na makiisa sa Tala ng pag-asa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 97,103 total views

Inaanyayahan ng Clergy for Good Governance (CGG) ang mga Pilipino na makiisa sa Tala ng Pag-asa na inilunsad sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o Edsa Shrine.

Layon ng kampanya na ipalaganap ang adbokasiya at panawagan sa pamahalaan na isulong at bigyang-prayoridad ang mga panukalang batas para sa kapakanan ng mga bata at sambayanang Pilipino.

Ayon kay CGG convenor at running priest Father Robert Reyes, isinasagawa ang inisyatibo sa pagsasabit ng mga puting parol sa tahanan, lalo na sa mga simbahan, na lalagyan ng listahan ng mga tinaguriang priority bills na hinihiling ng publiko na agarang maisabatas.

Sa mga hindi kayang makabili ng parol, maaari ring gumupit ng mga puting tala gamit ang papel at idikit sa labas ng mga bahay bilang simbolo ng patuloy na pakikiisa sa gawain.

“Kaya may pag-asa ang Pilipinas. At huwag nating ibaba ang ating bantay, do not lower your guard, tuloy-tuloy lang ang ating pagsisikap at pamamahayag, pabaguhin natin ito sa pamamagitan ng ating pagkilos, pananalita, pagsasama-sama, pagbabantay, at pag-aambag ng ating kakayahan upang ang gobyernong ito ay maging tunay na gobyerno—hindi ng ilan, hindi ng mga dinastiya, kundi ng taong bayan.”pahayag ni Fr.Reyes

Nanawagan din si Father Reyes sa mamamayan na patuloy sa pagbabantay at paniningil sa pamahalaan.

Iginiit ng Pari na ang inisyatibo ay pagtindig laban sa katiwalian na hindi lamang usaping pampulitika kundi isang moral at espiritwal na pananagutan ng bawat Pilipino.

Sinabi ng Pari na bilang mga anak ng Diyos ay hindi dapat tanggapin ang mali at tiwali, lalo na ang pagnanakaw sa bayan.

Hinimok din ng pari ang publiko na huwag tumigil sa pagbabantay at manatiling matatag sa patuloy na pagsisikap at pamamahayag, dahil ang tunay na pagbabago ay makakamit sa pamamagitan ng pagkilos, malinaw na pananalita, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok upang ang pamahalaan ay maging tunay na tagapangasiwa ng taong bayan at hindi ng mga dinastiya o piling sektor.

“Ang Panginoon ng pag-asa, si Panginoong Hesukristo, ay isisilang na. Siya ang talang ating hinihintay. At habang ginagawa natin ito, binibigyan natin ng puwang ang Diyos—sa ating puso, sa ating buong pagkatao, at sa buong kapaligiran. Pupunuin natin ito ng tala ng pag-asa, ng diwa at espiritu ng ating Panginoong Hesukristo,” Hango ang Puting Tala ng Pag-asa sa White Ribbon Campaign ng CGG na inilunsad noong Trillion Peso March, na layong palawakin ang kamalayan ng mamamayan sa mga kinakailangang reporma na patuloy na ipinananawagan sa pamahalaan.

Ibinahagi rin ni Father Reyes na nagsilbing inspirasyon sa kanya si Sadako Sasaki, isang batang nakaligtas sa atomic bombing ng Hiroshima sa Japan noong 1945, na bago pumanaw dahil sa leukemia na dulot ng radiation mula sa pambobomba ay lumikha ng isang libong origami o paper artwork ng mga crane o tagak, na ngayon ay kinikilalang simbolo ng kapayapaan.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Father Reyes na ang Puting Tala ng Pag-asa ay sagisag ng paniniwalang hindi lulubog ang bansa sapagkat laging may pag-asa—isang paniniwalang nakaugat sa pananampalatayang Kristiyano at sa aral ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 104,884 total views

 104,884 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 128,043 total views

 128,043 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 149,317 total views

 149,317 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 310,943 total views

 310,943 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top