Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, ENERO 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 8,815 total views

Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos

Bilang 6, 22-27
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Galacia 4, 4-7
Lucas 2, 16-21

Solemnity of Mary, the Holy Mother of God (White)
World Day of Prayer for Peace

UNANG PAGBASA
Bilang 6, 22-27

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ito ang sasabihin nila sa pagbebendisyon nila sa mga Israelita:

Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon;
nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan;
lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.

Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbebendisyon sa mga Israelita at pagpapalain ko ang mga ito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

IKALAWANG PAGBASA
Galacia 4, 4-7

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid:
Noong dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayun, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.

Upang ipakilalang kayo’y mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya tayo ng Espiritu ng kanyang Anak nang tayo’y makatawag sa kanya ng “Ama! Ama ko!” Kaya’t hindi ka na alipin kundi anak. Sapagkat anak, ikaw ay tagapagmana ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Hebreo 1, 1-2

Aleluya! Aleluya!
N’ong dati’y mga propeta
ngayon nama’y Anak niya
ang sugo ng D’yos na Ama,
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 16-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon: Nagmamadali ang mga pastol na lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Enero 1

Sa unang araw na ito ng taon, ang ating mga puso ay puno ng pag-asa na matutupad ang lahat ng ating mga pangarap at ang lahat ng tao at mga pamilya ay magtatamo ng tunay at panghabang panahong kapayapaan. Pasalamatan natin ang Panginoon para sa natatanging handog na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng Kapayapaan, dinggin Mo ang aming panalangin.

Ang Santo Papa, mga obispo at mga pari nawa’y magsikap na maging mga tagapaghatid ng kapayapaan sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y magsikap para sa pang-matagalang kapayapaan na nakabatay sa pagkilala sa mga karapatan at karangalan ng lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya sa mundo nawa’y patuloy na lumago sa paggalang at pag-ibig sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang bawat isa sa atin nawa’y mapanatili ang Espiritu ng Diyos na nasa ating mga puso nang sa gayon, tayo ay maging tagapaghasik ng kapayapan sa ating paligid sa lahat ng panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat, sa buong isang taon, nawa’y lumapit kay Maria upang sa kanyang pag-akay ay higit tayong makalapit sa kanyang Anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon na aming Diyos, ikaw ang simula at wakas ng lahat ng mabuti at maganda. Loobin mong ang taong ito ay maging taon ng biyaya, kapayapaan, at kagalakan, para sa aming lahat. Panatilihin mong nagkakaisa ang aming pamilya at pamayanan. Gawin mong ganap ang nasimulan mo sa amin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 55,125 total views

 55,125 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 120,253 total views

 120,253 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 80,873 total views

 80,873 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 142,631 total views

 142,631 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 162,588 total views

 162,588 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 38,688 total views

 38,688 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 38,919 total views

 38,919 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 39,422 total views

 39,422 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 28,828 total views

 28,828 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 28,937 total views

 28,937 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top