HUWEBES, ENERO 11, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,555 total reads

Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Samuel 4, 1-11
Salmo 43, 10-11. 14-15. 24-25

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

Marcos 1, 40-45

Thursday of the First Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Samuel 4, 1-11

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Dumating ang araw na nagdigmaan ang mga Israelita at ang mga Filisteo. Sa Ebenezer nagkampo ang mga Israelita at sa Afec naman ang mga Filisteo. Sa kanilang paglalaban, natalo ang Israel at may apat-na-libo ang napatay sa kanila. Nang makaurong na sila sa kanilang kampo, nagtanungan ang matatanda ng Israel, “Bakit kaya pinabayaan ng Panginoon na matalo tayo ng mga Filisteo? Ang mabuti’y kunin natin sa Silo ang Kaban ng Tipan. Baka kung nasa atin iyon ay iligtas tayo ng Panginoon sa ating mga kaaway.” At kinuha nga nila sa Silo ang Kaban ng Tipan at sumama naman ang dalawang anak ni Eli, sina Ofni at Finees.

Ang mga Israelita’y napasigaw sa tuwa nang idating sa kanilang kampo ang Kaban ng Tipan; umalingawngaw sa palibot ang kanilang sigawan. Nang marinig ito ng mga Filisteo, itinanong nila, “Bakit kaya nagkakaingay ang mga Hebreo?”

Nang malaman nilang nasa kampo ng mga Israelita ang Kaban ng Tipan, nasindak sila. Inisip nilang may dumating na diyos sa kampo ng mga Israelita. Kaya nasabi nila, “Ano ngayon ang mangyayari sa atin? Ngayon pa lamang tayo makararanas ng matinding kasawian! Ano ngayon ang mangyayari sa atin? Sino ngayon ang makapagliligtas sa atin sa mga diyos nilang makapangyarihan? Ito ang mga diyos na nagpahirap sa mga Egipcio sa pamamagitan ng iba’t ibang salot. Mga kababayan, lakasan natin ang ating loob. Magpakalalaki tayo upang hindi tayo malupig at maalipin ng mga Hebreo, tulad ng pang-aalipin natin sa kanila. Lumaban tayo.”

Muling naglaban ang mga Filisteo at ang Israelita at nalupig na naman ang mga taga-Israel. Ang napatay sa kanila ay tatlumpunlibo at nagkanya-kanyang takas papauwi ang mga natira. Ang Kaban ng Diyos ay kinuha ng mga Filisteo at pinatay sina Ofni at Finees.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 43, 10-11. 14-15. 24-25

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

Ngayo’y iyong itinakwil, kaya kami ay nalupig,
hukbo nami’y binayaa’t hindi mo na tinangkilik;
binayaan mo nga kami kaya kami ay tumakas;
lahat naming naiwanan ay sinamsam nilang lahat.

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

‘Sa sinapit naming ito, mga Hentil ay nagtawa,
inuuyam kaming lagi, kami’y iniinis nila.
Pati bansang walang Diyos, sa gitna ng sanlibutan,
sa nangyari’y umiiling bilang tanda ng pag-uyam.

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

Kami’y huwag mong pagkublihan,
huwag magtago sa amin,
Ang pangamba nami’t hirap ay huwag mong lilimutin.

Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.

ALELUYA
Mateo 4, 23

Aleluya! Aleluya!
Ipinangaral ni Hesus
ang paghahari ng Diyos.
Sakit ay kanyang ginamot.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 40-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Naniniwala sa habag ng Panginoon, lumapit tayo nang may pananalig sa ating Amang nasa Langit na ang ating mga panalangin ay pakikinggan:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang mahabagin, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y hindi magkulang sa kanyang tungkulin na tanggapin ang mga napapabayaan at mga itinuturing na yagit ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating gobyerno nawa’y makapagbigay ng mahusay na programang pangkalusugan at paigtingin pa ang kanilang pagsusulong ng malusog na kapaligiran, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad tayo nawa’y tumulong nang may pag-ibig at malasakit sa mga binabalewala ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahihirap at mga maysakit nawa’y makatagpo ng atensyon at tulong-medikal mula sa mga may mabubuting kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao kay Kristo nawa’y mabuhay sa tunay na kalayaan at kaligayahan ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Maawaing Ama, palalimin mo ang aming diwa ng habag at pang-unawa sa mga nagdurusa. Itulad nawa namin ang aming buhay kay Jesus na humanap ng kalayaan, kagalingan, at kapayapaan para sa bawat tao. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

BLIND GUIDES

 7,198 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 7,904 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 70,917 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,918 total reads

 70,918 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 106,243 total reads

 106,243 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,543 total reads

 141,543 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,812 total reads

 367,812 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 257,277 total reads

 257,277 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 17, 2026

 1,815 total reads

 1,815 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 3,479 total reads

 3,479 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 5,233 total reads

 5,233 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 6,580 total reads

 6,580 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 7,145 total reads

 7,145 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top