GomBurZa, ipapalabas sa PCNE 10

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,778 total reads

Inihayag ni Jesuit Communications (JesCom) Executive Director at GomBurZa Executive Producer Fr. Nono Alfonso, SJ ang posibleng pagpapalabas ng historical film na GomBurZa sa nakatakdang ika-sampung serye ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE).

Ayon sa Pari, akma ang mensahe ng pelikula sa tema ng PCNE X ngayong taon na ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35.

Pagbabahagi ni Fr. Alfonso, bilang isa sa executive board ng PCNE kabilang sa natalakay ang posibilidad ng pagsasagawa ng film showing para sa mga delegado.

Paliwanag ng Pari, kabilang sa ipinaglaban ng tatlong pari ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan na napapanahon pa ring usapin sa kasalukuyang panahon.

“Actually nag-request na kasi bahagi din ako ng executive board ng PCNE, nag-request na sila na kung pwedeng isang gabi merong film showing, sabi ko why not diba. Yung tema po ng PCNE sa January 19 to 21 ay Synodality at ito yung ipinaglaban kung tutuusin nung tatlong pari, ang baba ng tingin sa kanila nung mga Kastilang Pari, ng mga Espanyol na Pari ang baba ng tingin sa kanila pero ipinaglaban nila na equal dignity.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Alfonso.

Kaugnay nga nito una na ring pinalawig ang pagpapalabas sa mga pelikulang kabilang sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 hanggang sa ika-14 ng Enero, 2024.

Ang ‘GomBurZa’ ay isang daglat o pinagsama-samang mga bahagi ng apelido ng tatlong martir na paring Pilipino na binitay ng mga Kastila sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero taong 1872 dahil sa mga paratang ng pagpapatalsik sa pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.

Ang historical film na GomBurZa ay gawa ng Jesuit Communications (JesCom) at MQuest Ventures sa pakikipagtulungan ng CMB Film Services.

Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Pepe Diokno, tampok sina Dante Rivero bilang Padre Mariano Gomes, Cedrick Juan bilang Padre Jose Burgos, at Enchong Dee bilang Padre Jacinto Zamora; magkakaroon naman ng espesyal na pagganap sa pelikula si Piolo Pascual bilang Padre Pedro Pelaez na siyang nagsilbing guro ni Padre Jose Burgos.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,859 total reads

 11,859 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 68,175 total reads

 68,175 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 153,541 total reads

 153,541 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 200,277 total reads

 200,277 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 248,149 total reads

 248,149 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 348,734 total reads

 348,734 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top