Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 80,191 total reads

Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas 12 ng hatinggabi.

Sa kaniyang homiliya, hinikayat ng pinuno ng simbahan ng Maynila ang lahat ng mga deboto na ipagdiwang ang marubdob, taimtim at pagmamahal sa Panginoon.

Tema ngayong taon ng traslacion ang ‘Ibig kong Makita si Hesus’ na ayon kay Cardinal Advincula ay siya ring hangarin ng bawat mananampalataya.

“Ang tunay na deboto ay modelo. Makikita sa buhay niya ang mismong buhay ni Hesus. Ang deboto ay modelo ng pananalig sa Ama, at pagmamalasakit sa kapwa. Sa bahay man o sa trabaho, sa simbahan man o sa kalsada, dala dala ng deboto sa puso niya ang pagkikita ni Hesus. Nasa kalooban ng deboto ang masisintang pagtitinginan nila ni Hesus kaya’t lagi niyang ipapakita si Hesus.” bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.

Kaya’t hamon sa bawat isa ang pagninilay ang tatlong aral, ang makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus sa lahat ng yugto ng ating buhay.

Sa kaunaunahang pagkakataon sa pagdiriwang ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno-isa sa pinakatanyag ng pagdiriwang sa Pilipinas ay ipinrusisyon ang andas ng poon na nakalagay sa loob ng glass case.

Dakong alas-4 ng madaling araw nang magsimula ang pag-usad ng andas kasama ang daang libong deboto hanggang sa pag-uwi ng Poong Hesus Nazareno sa kaniyang dambana sa Quiapo Church.

Ayon kay Fr. Jun Sescon-rector ng Quiapo Church o ang Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene, ang kondisyon o ang kalagayan ng orihinal na imahe ng poon ang dahilan kaya’t nagpasya ang simbahan na ilagay sa laminated tampered glass upang mapangalagaan ang imahe. Gayundin ang pagbabawal sa mga deboto na sumampa sa andas.

Simula 1990’s, ginagamit na sa prusisyon ang orihinal na imahe o katawan ng Poong Nazareno kasama ang replica ng ulo at mga kamay.

Ang orihinal na ulo ng imahe na nagtataglay na ng pinsala ay matatagpuan sa altar ng Quiapo at ang kamay naman ay itinago na simula ng ito ay masira.

Plano ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo at pagsang-ayon na rin ng Hijos del Nazareno na tipunin ang lahat ng orihinal na bahagi ng Poon at ang Replica image na lamang ang gagamitin sa taunang prusisyon.

Sa kasaysayan ang imahe ng Nazareno ay dinala sa Pilipinas ng Order of Augustinian Recollects taong 1606.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,875 total reads

 11,875 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 68,191 total reads

 68,191 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 153,557 total reads

 153,557 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 200,293 total reads

 200,293 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 248,165 total reads

 248,165 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 348,749 total reads

 348,749 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top