Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gobyernong nakikita si Hesus sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

 96,606 total views

Mga Kapanalig, sa ikalabindalawang kabanata sa Ebanghelyo ni San Juan, matutunghayan natin ang ilang Grieyong dumayo para sa Pista ng Paskwa upang hanapin si Hesus. Nilapitan nila si San Felipe at nakiusap, “Ginoo, ibig naming makita si Hesus.”

Ang mga salitang ito mula sa Juan 12:21 ang tema ng pagdiriwang ngayong taon—at ngayong araw mismo—ng Pista ng Traslacion ng Itim na Nazareno. Ayon kay Fr Hans Magdurulang, parochial vicar ng Simbahan ng Quiapo, binibigyang-diin ng temang ito ang kahalagahan ng ating pagtuon kay Hesus sa tulong ng taimtim na debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno. Pagkakataon ang kapistahan ng Traslacion upang ibaling natin ang ating atensyon sa tunay na pinagmumulan ng pag-asa at pagkakaisa sa ating buhay—si Hesus na ating Panginoon.

Totoong napakaraming hamon sa ating buhay na laging sumusubok sa ating pananampalataya sa Diyos. Marami sa ating ramdam pa rin ang hirap ng buhay pagkatapos ng pandemya. Hindi pa rin nawawala ang banta sa ating kalusugan at tunay nga namang napakabigat na pasanin sa sinumang pamilya ang magkaroon ng miyembrong nakaratay sa banig ng karamdaman. Sa tindi ng mga kinakaharap na problema sa araw-araw, marami rin sa atin ang pinanghihinaan na ng loob at nababalot ng dilim ang kaisipan. Sa mga pangyayaring ito sa ating buhay, tayong mga Katoliko ay laging pinaaalalahanang ibigin na makita si Hesus, at sa milyong-milyong deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno, nakikita nila ang kanilang pag-asa sa Diyos na buhat-buhat sa Kanyang balikat ang mabigat na krus. Ito nga marahil ang dahilan kung bakit milyun-milyong Katoliko ang dumadagsa sa Traslacion taun-taon. 

Ngunit bilang mga Katoliko, tayo rin ay inuudyukan ng ating pananampalatayang makita ang mukha ni Hesus—hindi lamang sa mga imahen o larawan—kundi sa ating kapwa, lalo na sa mga mahihina at dukha. Ito ang laging paalala ni Pope Francis. Sa isang panayam noong 2013, sinabi niya, “Each one of us is invited to recognize in the fragile human being the face of Jesus who, in his human flesh, experienced the indifference and loneliness to which we often condemn the poorest.”

Napapaligiran tayo ng mga kapatid nating nangangailangan sa buhay. Sa mga lansangan, lagi tayong may makikitang mga bata at matatandang walang masilungan. Sa mga pampublikong ospital, matatagpuan natin ang mga kapatid nating maysakit. Sa mga bilangguan, nagtitiis sa siksikang espasyo at kakaunting pagkain ang mga nakakulong. Sa mga liblib at malalayong lugar, napag-iiwanan ng mga serbisyo ang mga katutubo. Sa mga mahihirap na lugar, maraming hiráp makahanap ng hanapbuhay—kabilang ang mga tsuper ng jeepney na hindi nakasabay sa PUV modernization program

Nangangako ang gobyernong tutulong sila sa mahihirap. Ngayong 2024, may badyet daw itong halos kalahating bilyong piso para sa tinatawag na social amelioration program. Nasa 48 milyong Pilipino ang mabibigyan ng cash assistance na limanlibong piso. Pero one-time cash assistance lamang ito; ibig sabihin, isang beses lang makatatanggap ang mga benepisyaryo, walang nang kasunod pa. Malaking bagay ito sa mga makatatanggap pero bakit hindi tayo maghanap at magbigay ng pangmatagalang solusyon? 

Baka mas makatulong kung ang iaalok ng gobyerno ay permanenteng pabahay, libreng pagpapaospital para sa mahihirap, mas maayos na mga bilangguan, kuryente at kalye sa mga nasa malalayong lugar, at paglikha ng mas maraming trabahong angkop sa kakayahan ng mga tao. Baka lang naman. 

Mga Kapanalig, hindi lamang nakasalalay sa ating sariling pagkakawanggawa ang pag-aangat sa mga kapatid nating mahihina at dukha. Nariyan ang gobyerno upang mas marami ang maabutan ng tulong. Ngunit ang kailangan natin ay isang gobyernong nakikita rin ang Panginoon sa mahihirap, isang gobyernong nagsisilbing instrumento ng pagkalinga ng mga mamamayan sa kapwa nilang nangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,046 total views

 5,046 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,186 total views

 18,186 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,159 total views

 24,159 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,914 total views

 29,914 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,176 total views

 37,176 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,047 total views

 5,047 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 18,187 total views

 18,187 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,160 total views

 24,160 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 29,915 total views

 29,915 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,177 total views

 37,177 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,996 total views

 40,996 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,377 total views

 36,377 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,381 total views

 48,381 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,423 total views

 56,423 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,980 total views

 47,980 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,405 total views

 46,405 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,191 total views

 48,191 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,116 total views

 45,116 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,430 total views

 59,430 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,120 total views

 63,120 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top