Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabong ng mga lokal na pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 102,646 total views

Mga Kapanalig, inihalintulad ng mamamahayag na si Anna Cristina Tuazon ang mga barangay ng “Embo” sa sanggol na pinag-aagawan ng dalawang ina sa kuwento ni Haring Solomon. 

Gaya ng mababasa natin sa 1 Mga Hari 3:16-28, nagbanta si Haring Solomon na hahatiin ang sanggol gamit ang espada. Tumutol ang tunay na ina at pumayag na lang na ibigay ang sanggol sa isang ina. “Ibigay na po ninyo sa kanya ang bata, huwag lamang ninyong patayin,” apila niya. Sumang-ayon naman ang huwad na ina sa plano ng hari. Sagot niya, “Sige, hatiin ninyo ang bata upang walang makinabang kahit sino sa amin!” Sa ganoong paraan, nalaman ni Haring Solomon kung sino ang tunay na ina—ang babaeng uunahain ang kapakanan at buhay ng kanyang anak. 

Ang mga barangay ng Embo na kinabibilangan ng Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, at Rizal ay dating sakop ng Makati. Ngunit idineklara ng Korte Suprema na bahagi ng Taguig ang mga ito. Gayunpaman, hindi malinaw sa desisyon ng hukuman kung saan mapupunta ang mga pasilidad katulad ng mga paaralan at health centers na ipinatayo at pinondohan ng Makati. 

Umpisa pa noong nakaraang taon, wala nang habas ang patutsadahan at pagtatalo ng dalawang siyudad sa mga pampublikong pasilidad at sa paghahatid ng serbisyo sa mga taga-Embo. Sa pagpasok ng 2024, dalawandaan libong residente ng mga barangay ng Embo ang nawalan ng access sa mga serbisyong medikal mula sa Makati. Isinara ng Makati ang mga health centers at lying-in clinics dahil pasó na raw ang license to operate ng mga ito. Paliwanag ng LGU ng Taguig, hindi raw kailangan ng lisensya ng health centers. Sinalungat ito ng LGU ng Makati. Sa katunayan, pinaalalahanan pa raw ng Department of Health ang LGU ng Taguig na i-renew ang lisensya ng mga health centers. Natanggal din ang mga taga-Embo sa yellow card health-care program ng Makati kung saan binibigyan ng libreng gamot at serbisyong medikal sa Ospital ng Makati ang mga residente. 

Una nang naging isyu ang paghahatid ng serbisyong edukasyon sa mga taga-Embo. Dahil sa hindi malinaw ang nakasasakop sa mga paaralan, naglabas ang Department of Education ng kautusang nagsasabing ang kagawaran muna ang direktang mamamahala sa mga apektadong paaralan habang wala pang maayos na transition plan. 

Ang pagkakaantala sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga taga-Embo ay usapin ng buhay at kamatayan. Kapakanan at kalusugan ng libu-libong apektadong residente ang naiipit sa nagsasabong na mga lokal na pamahalaan. Taliwas ito sa mga turo ng Simbahang sinasabing dapat na prayoridad ng pamamahala ang pagtataguyod sa dignidad at kabutihan ng tao. Ibig sabihin, ang sentro ng pamamahala ay ang paglilingkod sa taumbayan, hindi ang pag-aangkin sa kapangyarihan o paggigiit na iisa lamang ang tama at dapat masunod. Ang mamamayan ang laging talo sa maruming pulitika at magulong pamamahala. 

Mga Kapanalig, ang iringan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Taguig at Makati ay isang patotoong kailangan natin ng mga institusyon at lider na uunahin ang kapakanan ng taumbayan kaysa ang kapangyarihang nakatuon sa makikitid na interes. Hamon ang pagkamit ng ganitong mga institusyon at mga lider sa taumbayang dapat na nagsasalita at pinapanagot ang mga nasa gobyerno sa tuwing nakaliligtaan nila ang layunin ng kanilang pamamahala. Sa huli, hindi natin kailangan ng mga huwad na lider at pamahalaang pipiliin ang ating kapinsalaan o maging ang ating kamatayan, masiguro lamang na hindi sila malalamangan sa pulitika. Ang kailangan natin ay mga pinunong uunahin ang kabutihan ng kanilang mga dapat na pinaglilingkuran. 

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 12,601 total views

 12,601 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 35,433 total views

 35,433 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 59,833 total views

 59,833 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 78,839 total views

 78,839 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 98,582 total views

 98,582 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 12,603 total views

 12,603 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 35,435 total views

 35,435 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 59,835 total views

 59,835 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 78,841 total views

 78,841 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 98,584 total views

 98,584 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 133,421 total views

 133,421 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 150,253 total views

 150,253 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 160,110 total views

 160,110 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 187,925 total views

 187,925 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 192,941 total views

 192,941 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »
Scroll to Top