Pamunuan ng Quiapo church, nagpapasalamat sa mapayapang Nazareno 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,379 total views

Nagpapasalamat ang pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church sa pagiging mapayapa at matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni Nazareno 2024 spokesperson, Quiapo Church parochial vicar Fr. Hans Magdurulang na maituturing na mapayapa ang kapistahan ng Poong Jesus Nazareno makalipas ang tatlong taong pagpapaliban dulot ng pandemya dahil na rin sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya lalo na ng mga deboto at mananampalataya.

“Ang pamunuan po ng simbahan ay nagpapasalamat po sa ating iba’t ibang mga ahensyang patuloy na sumusubaybay, gumagabay, at kasama namin hanggang matapos ang ating pagdiriwang ng kapistahan na ito. Masasabi ho natin na ‘yung ating mga ilang buwang pinagplanuhan at pinaghandaan ay tunay naman pong naisasakatuparan na. Maliban lang sa ilang mga bagay po na may ilang pagbabagong naganap, may bagong nangyari… But generally, tayo po ay nagpapasalamat din sa Diyos na umulan man kaninang umaga pero maghapon namang maganda ang panahon,” ayon kay Fr. Magdurulang.

Kabilang sa pinaghandaan ng Quiapo Church sa muling pagbabalik ng tradisyunal na traslacion ay ang andas na mayroong glass case upang maprotektahan ang Poong Nazareno at mas makita ng mga deboto.

Aminado si Fr. Magdurulang na sa kabila ng mga naging paalaala ng Quiapo Church ay hindi pa rin naiwasan ang pagtutulakan at pagsampa ng mga deboto upang makalapit sa poon.

“Ang pinakamahalaga po ay masasabi nating hindi nagkulang ang simbahan pagdating sa pagpapaalala. Ilang buwan na ho maging sa ating mga misa, sa mga formation po namin dito sa ating mga Hijos at Balangay ay nandun ang paulit-ulit at patuloy na pagpapaalala. Kaya kahit na mayroon tayong mga paulit-ulit at patuloy na pagpapaalala, pagdating po ng aktuwal na pangyayari ay masasabi natin na hindi na ho natin talagang makokontrol din at mabibigyan ng perpektong paliwanag at utos ang mga marubdob na damdamin ng mga deboto,” saad ni Fr. Magdurulang.

Samantala, naitala ng Department of Health ang 453-kataong nasugatan sa Traslacion, habang siyam naman ang dinala sa ospital kung saan kabilang ang isang suspected case ng atake sa puso.
Habang ibinahagi naman ng Philippine National Police na walang naitalang crime-related incidents sa kasagsagan ng Traslacion dahil na rin sa higit na bilang ng mga pulisyang itinalaga sa mga dinaanan ng prusisyon.
Tinatayang nasa higit anim na milyong mananampalataya ang nakibahagi sa pagdiriwang ng Nazareno 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,861 total views

 26,861 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,212 total views

 55,212 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 122,942 total views

 122,942 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,093 total views

 146,093 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,312 total views

 214,312 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top