GomBurZa, ipapalabas sa PCNE 10

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,583 total views

Inihayag ni Jesuit Communications (JesCom) Executive Director at GomBurZa Executive Producer Fr. Nono Alfonso, SJ ang posibleng pagpapalabas ng historical film na GomBurZa sa nakatakdang ika-sampung serye ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE).

Ayon sa Pari, akma ang mensahe ng pelikula sa tema ng PCNE X ngayong taon na ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35.

Pagbabahagi ni Fr. Alfonso, bilang isa sa executive board ng PCNE kabilang sa natalakay ang posibilidad ng pagsasagawa ng film showing para sa mga delegado.

Paliwanag ng Pari, kabilang sa ipinaglaban ng tatlong pari ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan na napapanahon pa ring usapin sa kasalukuyang panahon.

“Actually nag-request na kasi bahagi din ako ng executive board ng PCNE, nag-request na sila na kung pwedeng isang gabi merong film showing, sabi ko why not diba. Yung tema po ng PCNE sa January 19 to 21 ay Synodality at ito yung ipinaglaban kung tutuusin nung tatlong pari, ang baba ng tingin sa kanila nung mga Kastilang Pari, ng mga Espanyol na Pari ang baba ng tingin sa kanila pero ipinaglaban nila na equal dignity.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Alfonso.

Kaugnay nga nito una na ring pinalawig ang pagpapalabas sa mga pelikulang kabilang sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 hanggang sa ika-14 ng Enero, 2024.

Ang ‘GomBurZa’ ay isang daglat o pinagsama-samang mga bahagi ng apelido ng tatlong martir na paring Pilipino na binitay ng mga Kastila sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero taong 1872 dahil sa mga paratang ng pagpapatalsik sa pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.

Ang historical film na GomBurZa ay gawa ng Jesuit Communications (JesCom) at MQuest Ventures sa pakikipagtulungan ng CMB Film Services.

Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Pepe Diokno, tampok sina Dante Rivero bilang Padre Mariano Gomes, Cedrick Juan bilang Padre Jose Burgos, at Enchong Dee bilang Padre Jacinto Zamora; magkakaroon naman ng espesyal na pagganap sa pelikula si Piolo Pascual bilang Padre Pedro Pelaez na siyang nagsilbing guro ni Padre Jose Burgos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 15,360 total views

 15,360 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 24,724 total views

 24,724 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 51,180 total views

 51,180 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 101,279 total views

 101,279 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 105,693 total views

 105,693 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top