70,851 total views

Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV.

Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs sa bansa. Sa harap ng matinding trapiko, nagsisilbing accessible at abot-kayang alternatibo ang LEVs sa hindi maaasahang pampublikong transportasyon, lalo na sa mga lungsod. Kung mapapansin natin, karaniwang gumagamit ng LEVs ay mga nanay, matatanda, may kapansanan, at mga magulang na naghahatid-sundo sa mga anak. Higit pa sa pagiging alternatibong mode of transport, ang LEVs ay nagbibigay-daan sa empowerment ng mga itinuturing na vulnerable at marginalized. Gamit ang mga LEVs, natutugunan nila ang kanilang mga pangangailangan, nakapaghahanapbuhay sila, at naa-access nila ang mga kailangan nilang serbisyo. Nakatutulong din ang LEVs sa pagkilos o mobility ng mga may kapansanan sa kalunsuran kung saan maraming bangketa ang hindi na nga naaayon ang disenyo sa kanilang pangangailangan, pinaparadahan o dinadaanan pa mismo ng mga kotse at motorsiklo. Ang LEVs ay nagsisilbing behikulo ng mga marginalized sectors sa pagkamit ng accessible, affordable, at inclusive mobility.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, hindi naman daw tuluyang ipinagbabawal ang paggamit ng LEVs. Aniya, nais lamang nilang i-regulate ang mga ito dahil sanhi raw ang mga ito ng traffic at road crash incidents o banggaan. Ngunit batay sa datos mismo ng MMDA, 2% lang ng mga banggaan sa Metro Manila noong 2022 ang kinasangkutan ng mga light vehicles. Mahigit 50% ay mga pribadong sasakyan ang sangkot habang mahigit 20% naman ay motorsiklo. 

Tama lang na may regulasyon sa paggamit ng iba’t ibang uri ng sasakyan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. Pero kung pagbabatayan ang nabanggit nating datos ng MMDA, hindi kaya mas dapat higpitan ang regulasyon sa mga tunay na sanhi ng banggaan at aksidente sa lansangan? Totoong mas malawak na ang bike lane network ngayon na maaaring daanan ng LEVs. Ngunit maliban sa kulang at putul-putol ang mga ito, talamak naman ang iligal na paggamit ng mga ito bilang fast lane at parking space ng mga de-motor na sasakyan. Inilalagay ng mga ito sa panganib ang mga lehitimong bike lane users. Pero sa inilabas na patakaran ng MMDA, mas nahihikayat ang mga taong gumamit na lamang ng pribadong sasakyan at motorsiklo. Mas dadami ang de-motor na sasakyan sa kalsada; mas titindi ang trapiko, polusyon, at init sa lansangan; at mas dadami ang carbon emissions na nagpapalala sa krisis sa klima.

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binanggit ni Pope Francis na ang mindset o pag-iisip na walang malasakit sa kapaligiran ay kapareho sa pag-iisip na walang pagsasaalang-alang sa maliliit at mahihina lipunan. Ito ang tila ipinakikita ng regulasyong ito ng MMDA. Sa pagbuo ng mga patakaran, kailangang pakinggan ang boses ng mga karaniwang mamamayan, kabilang ang mga walang sariling sasakyan at umaasa sa mga LEVs. Kung hindi, nagreresulta ito sa mga patakarang pabor sa interes ng mga mas makapangyarihan at dominante kaysa ng mga maliliit, isinasantabi, at binabalewala.

Kung matatandaan, Abril noong 2023 nang mag-study tour ang MMDA upang pag-aralan ang inclusive urban mobility sa Netherlands. Isang taon matapos isagawa ang study tour, bakit tila kabaliktaran ng mga natutunan nila roon ang ipinatutupad ng ahensya? Maliban sa pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, kailangang suportahan ng gobyerno ang integrated mobility sa sistema ng transportasyon. 

Mga Kapanalig, katulad ng wika sa Filipos 2:4-5, magkaroon sana tayo ng kaisipang nagmamalasakit at nagsasaalang-alang sa kapakanan ng mahihina sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 34,251 total views

 34,251 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 39,669 total views

 39,669 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 46,376 total views

 46,376 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 61,171 total views

 61,171 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 67,327 total views

 67,327 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 34,252 total views

 34,252 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 39,670 total views

 39,670 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 46,377 total views

 46,377 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 61,172 total views

 61,172 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 67,328 total views

 67,328 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,569 total views

 40,569 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,153 total views

 51,153 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,370 total views

 59,370 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,603 total views

 43,603 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,579 total views

 49,579 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,672 total views

 52,672 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,377 total views

 42,377 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,265 total views

 43,265 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,568 total views

 58,568 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,977 total views

 70,977 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top