Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, HULYO 27, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,336 total views

Sabado ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Jeremias 7, 1-11
Salmo 83, 3. 4. 5-6a at 8a. 11

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Mateo 13, 24-30

Saturday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Jeremias 7, 1-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Pinapunta ng Panginoon si Jeremias sa pintuan ng Templo, at ipinasabi ang ganito, “Makinig kayo, mga taga-Juda na nagkakatipon dito upang sumamba sa Panginoon. Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, ang Diyos ng Israel. Baguhin ninyo ang inyong pamumuhay at kayo’y papayagan niyang manatili rito. Huwag ninyong dayain ang inyong sarili sa paulit-ulit na pagsasabing: ‘Ito ang Templo ng Panginoon, ang Templo ng Panginoon!’ Hindi kayo maililigtas ng mga salitang iyan.

Magbagong-buhay na kayo. Maging makatarungan kayo sa isa’t isa. Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo. Tigilan na ninyo ang pagpatay sa mga walang kasalanan sa pook na ito, sapagkat ito’y banal. Talikdan na ninyo ang mga diyus-diyusan, pagkat ito ang magiging dahilan ng inyong kapahamakan. Kapag sinunod ninyo ito, mananatili kayo sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyong mga ninuno upang maging tirahan ninyo magpakailanman.

Bakit ninyo paniniwalaan ang mga salitang walang kabuluhan? Kayo’y nagnanakaw, pumapatay, nangangalunya, nanunumpa sa di katotohanan, naghahain kay Baal, at sumasamba sa mga diyus-diyusang hindi ninyo nakikilala. Ang kinamumuhian ko’y siya ninyong ginagawa; pagkatapos, pumaparito kayo sa aking Templo at sinasabi ninyo, ‘Ligtas kami rito!’ Bakit? Ang akin bang Templo’y taguan ng mga magnanakaw? Nakikita ko ang ginagawa ninyo. Akong Panginoon ang nagsasabi nito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 83, 3. 4. 5-6a at 8a. 11

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Nasasabik ang lingkod mong sa patyo mo ay pumasok.
Ang buo kong pagkatao’y umaawit na may lugod,
sa masayang pag-awit ko pinupuri’y buhay na Diyos.

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Panginoon, sa templo mo, mga maya’y nagpupugad,
maging ibong layang-laya sa templo mo’y nagagalak,
may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;
O Poon, hari namin at Diyos na walang kupas.

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan
at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan.
Ang sa iyo umaasa’y masasabing mapalad din,
habang lumalakad, lalo mo nga silang palakasin.

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Kahit isang araw lamang, gusto ko pang sa templo mo,
kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko.
Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo,
kaysa ako’y mapasama sa masasamang mga tao.

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

ALELUYA
Santiago 1, 21bk

Aleluya! Aleluya!
Sa kababaan ng loob
dinggin ang salita ng D’yos
upang kayo ay matubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 24-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, inilahad ni Hesus ang talinghagang ito sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niya. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong tipunin sa aking kamalig.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Bilang marurupok at mahihinang tao, iniluluhog natin sa ating Amang nasa Langit ang ating mga kahilingan. Dahil sa kanyang habag at pag-ibig, hinangad niya na maligtas tayo at makarating sa karunungan ng katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging Diyos, buhayin Mo kami sa iyong kabutihang-loob.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y laging gumawa para sa kabutihan ng mga kaluluwa lalo na ang mga mahihirap at mga hindi pinalad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinagkatiwalaang magdala ng katarungan nawa’y maging patas sa kanilang paghuhusga, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad nawa’y makilala natin ang kabutihan sa bawat isa kaysa magtuligsaan dahil sa kahinaan ng ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa katotohanan ng pag-ibig ng Diyos sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makinabang sa ani ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nawa ang kapangyarihan ng iyong pag-ibig ang siyang laging bumuhay sa amin. Huwag nawa kaming magambala ng mga alalahanin ng mundong ito at hindi madaig ng kasamaan sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 72,075 total views

 72,075 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 94,907 total views

 94,907 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 119,307 total views

 119,307 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 138,041 total views

 138,041 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 157,784 total views

 157,784 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 35,167 total views

 35,167 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 35,398 total views

 35,398 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 35,893 total views

 35,893 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 26,131 total views

 26,131 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 26,240 total views

 26,240 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top