Biyernes, Nobyembre 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 13,100 total reads

Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal

Pahayag 7, 2-4. 9-14
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

1 Juan 3, 1-3
Mateo 5, 1-12a

Solemnity of All Saints (White)

UNANG PAGBASA
Pahayag 7, 2-4. 9-14

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Ako’y si Juan, at nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Humiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan – sandaa’t apatnapu’t apat na libo buhat sa labindalawang lipi ng Israel.

Pagkatapos noo’y nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono ng Kordero nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sabay-sabay nilang sinabi, “Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!” Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatanda, at ng apat na nilalang na buhay. Sila’y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos. Ang wika nila “Amen! Sa ating Diyos ang kapurihan, kadakilaan, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan magpakailanman! Amen!”

Tinanong ako ng isa sa matanda, “Sino ang mga taong nakadamit na puti at saan sila nanggaling?” “Hindi ko po alam,” tugon ko. “Kayo ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo?
Sino’ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siya’t pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

IKALAWANG PAGBASA
1 Juan 3, 1-3

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal, isipin ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos at iyan ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan; hindi nila kinikilala ang Diyos. Mga minamahal, sa ngayon, tayo’y mga anak ng Diyos, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Gayunman, alam nating sa pagparitong muli ni Kristo, tayo’y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang likas na kalagayan. Kaya’t ang sinumang may pag-asa sa kanya ay nagpapakalinis, tulad ni Kristo – siya’y malinis.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:

“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.”
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.”
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”

“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 1
Lahat ng Mga Banal

Bilang Bayan ng Diyos dito sa lupa, pag-isahin natin ang ating mga panalangin at ang mga panalangin ng lahat ng mga banal sa Langit para sa mga pangangailangan ng mga lalaki at babae sa lahat ng dako.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga banal, dinggin mo kami, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y ihatid sa Kaharian ng Langit ang lahat ng kanyang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may mabubuting kalooban nawa’y makatanggap ng tunay na buhay at kapayapaang di-nagmamaliw sa pamamagitan ng mapantubos na Dugo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y pagkalooban ng Eukaristiya ng lakas upang makapamuhay nang matuwid dahil sa pag-asang makakapiling natin ang mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inuusig dahil sa pagiging matuwid nawa’y matatag na magpatuloy sa daan ng kabanalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y makasama ang mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng kabanalan at biyaya, iniaalay namin ang aming mga kahilingan kasama ng mga panalangin ng Mahal na Birheng Maria at ng lahat ng mga banal, taglay ang pagtitiwala sa iyong habag na nahayag sa kanilang mga dakilang buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

LUNDAG-LINYA

 3,104 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Setyembre 2026, Lucas 8:19–21

Naranasan na ba ninyo na nakapila kayo, tapos biglang may sumingit? Sa English, ang tawag diyan ay jumping the line. Lalo pang sasama ang loob ninyo kung ang sumingit ay iyong taong feeling entitled, dahil malakas daw siya sa taong pinipilahan. Walang pakundangan sa mga nagpasensya at nagtiyagang pumila.

Parang ganiyan ang sitwasyon sa ating Ebanghelyo ngayon. Dumating ang nanay at mga kapatid ni Hesus habang abala siya sa pagtuturo sa maraming tao. Hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. Kaya may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Gusto po nilang makipagkita sa inyo.”

Medyo kakaiba ang Ebanghelyong ito dahil parang hindi gaanong positibo ang paglalarawan sa pamilya ni Hesus.

Pero linawin muna natin: kapag sinabi ng Ebanghelyo na mga kapatid ni Hesus, hindi ito nangangahulugang may iba pang anak si Mama Mary. Ang salitang Griyego na adelphos ay maaaring tumukoy sa mas malawak na ugnayang pampamilya. Maaaring mga pinsan o iba pang malapit na kamag-anak. May tradisyon din na maaaring mga anak sila ni Jose sa una niyang asawa, kung siya ay nabiyudo bago naging asawa ni Maria. (May tradisyon pero walang matibay na batayan sa kasaysayan.)

Pero ang punto ng Ebanghelyo ay ito: dahil kamag-anak sila ni Hesus, parang inaasahan nilang bibigyan sila ng espesyal na pagtrato. Hindi lang sila sumisingit sa pila. Parang sinasabi pa nila, “Sabihin ninyo kay Hesus na lumabas siya at puntahan kami. Kamag-anak niya kami!”

Kaya maintindihan natin ang naging sagot ni Hesus: “Ang aking ina at mga kapatid ay yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito.”

Hindi naman niya itinatakwil ang kanyang ina at mga kamag-anak. Ang ipinakikilala niya ay isang bagong uri ng pagkakamag-anak, isang bagong pamilya na ang pundasyon ay hindi lamang dugo kundi ang pagiging magkakapatid bilang mga anak ng Diyos.

At dito, walang puwedeng mag-claim ng special privilege dahil lamang sa relasyon niya sa Panginoon.

Hindi sapat na sabihin nating, “Katoliko ako. Binyagan ako. Nagsisimba ako. Malapit ako sa mga pari at obispo.” Hindi rin sapat na sabihing, “Marami akong kilalang madre at pari. May kamag-anak pa nga akong obispo!”

Ang tanong ng Panginoon ay hindi kung gaano karami ang kakilala mo sa Simbahan, kundi kung gaano mo isinasabuhay ang kanyang salita.

Kaya ang tunay na pagiging kapamilya ni Hesus ay hindi lamang nakasalig sa binyag, kundi sa pakikinig at pagtupad sa salita ng Diyos.

At sino ang pinakamagandang halimbawa nito? Walang iba kundi ang kanyang sariling ina, si Maria. Siya ang unang nakinig, naniwala, at tumupad sa salita ng Diyos nang sabihin niya, “Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.”

Ito lang ang punto: sa pamilya ng Diyos, hindi kailangang sumingit sa pila. Walang palakasan. Walang special treatment. Bukas ang kanyang puso sa lahat ng handang makinig at tumupad sa kanyang salita.

At ang magandang balita: tayong lahat ay inaanyayahan niyang maging tunay na mga kapatid at kapamilya niya.

When is enough really enough?

 3,964 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Fifth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Padre Pio of Pietrelcina, 23 September 2026
Proverbs 30:5-9     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 9:1-6
Photo by Pixabay on Pexels.com
Your words today,
dear God our Father
are so comforting and 
reassuring of your loving
presence; however, 
you teach us also too
to completely trust you
so that we may be comforted
and reassured,
thereby learn
when enough is
really enough.

Two things I ask of you, deny them not to me before I die: Put falsehood and lying far from me, give me neither poverty nor riches; provide me only with the food I need; lest, being full, I deny you, saying, “Who is the Lord?” Or, being in want, I steal, and profane the name of my God (Proverbs 30:7-9).

Teach me to be content
with whatever there is for me,
not desiring more than I need
so that I remain open for you
and your work,
for you O Lord is more than enough; 
teach me to learn to stop
in pursuing whatever
I set my eyes or heart on when 
it is causing more harm than 
joy and wellness for it is only
in following you enough is enough; 
teach me, Lord, 
to be like St. Padre Pio
in leading a simple life, 
just praying, 
hoping and not worrying
for you O Lord is more than
enough.
Amen.

PAR EXCELLENCE

 3,492 total reads

Gospel Reading for September 23, 2026 – Luke 9: 1-6

PAR EXCELLENCE

Jesus summoned the Twelve and gave them power and authority over all demons and to cure diseases, and he sent them to proclaim the Kingdom of God and to heal the sick. He said to them, “Take nothing for the journey, neither walking stick, nor sack, nor food, nor money, and let no one take a second tunic. Whatever house you enter, stay there and leave from there. And as for those who do not welcome you, when you leave that town, shake the dust from your feet in testimony against them.”

Then they set out and went from village to village proclaiming the Good News and curing diseases everywhere.

————

Jesus was truly a teacher PAR EXCELLENCE. He did not just teach the disciples in theory; he sent them on practicum. But even more than that, he had already given them the gift and the authority to do what he himself was doing for the people.

For some teachers, theory may be enough. When the school year ends, the students can practice what they have learned. But what Jesus was doing was far more than teaching a lesson. He was entrusting the disciples with a mission. That is why he was so hands-on in preparing them.

Imagine if we were among the disciples of Jesus. How privileged they were to have the Son of God as their professor! Every “nook and cranny” was covered. He made sure they were fully prepared. He made sure that what the Father had planned for them would be accomplished.

As baptized Christians, we are all called to share our gifts in Christ’s salvific mission. It did not end with the apostles. It continues to this very day through us.

Lord Jesus, may the way we live our lives according to your teachings be our best teaching tool ever. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 32,407 total reads

 32,407 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 65,741 total reads

 65,741 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 97,886 total reads

 97,886 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 163,943 total reads

 163,943 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 181,106 total reads

 181,106 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Setyembre 26, 2026

 103 total reads

 103 total reads Sabado ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir o kaya Paggunita sa Mahal na

Read More »

Biyernes, Setyembre 25, 2026

 1,704 total reads

 1,704 total reads Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 3, 1-11 Salmo 143, 1a at 2abk. 3-4 Ang Poon ay papurihan, siya ang

Read More »

Huwebes, Setyembre 24, 2026

 3,412 total reads

 3,412 total reads Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 1, 2-11 Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 Poon, amin kang tahanan

Read More »

Miyerkules, Setyembre 23, 2026

 5,066 total reads

 5,066 total reads Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari Kawikaan 30, 5-9 Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay

Read More »

Martes, Setyembre 22, 2026

 6,084 total reads

 6,084 total reads Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44 Sa pagsunod sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top