Radio Veritas anchor, nagpapasalamat sa tiwala ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,965 total reads

Ipinarating ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtitiwala kay Father Douglas Badong sa pagkakatalaga na bagong Kura Paroko ng Saint Joseph Parish, Gagalangin Tondo, Manila.
Tiwala si Cardinal Advincula na maging mabuting pastol si Father Badong upang maipagpatuloy ang wastong paggabay sa mga mananamapalataya ng parokya.
“Father Douglas, ang pagmamahal mo kay Hesus ang pagmumulan ng iyong lakas at sigla sa paglilingkod mo sa parokyang ito ng Gagalangin, nagsisimula ang lahat sa pagmamahal kay Hesus, sa pag-ibig kay Hesus bago pa man iatas kay Pedro na pakiinin ang kaniyang mga tupa, kalingain ang mga tupa, tinanong ni Hesus si Pedro, iniibig mo ba ako? do you love me? nagsisimula ang lahat sa pag-ibig kay Hesus,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula para kay Father Badong.
Nagpapasalamat din si Father Badong sa pagtitiwala ni Cardinal Advincula upang magsilbi sa lugar at muling mailapit ang mga mananampalataya sa Panginoon.
Ayon sa Pari, katulad ni San Jose Manggagawa ay tinatanggap niya ang bagong hamon upang magsilbing pastol ng mga mananampalataya sa Gagalangin Tondo.
Sinabi ng Pari na tinatanggap niya ang bagong misyon nang may pagpakumbaba sa puso na mayroong pinaigting at mas malalim na pananalig at pagpapasalamat sa bagong pagkakataon na magsilbing pastol ng parokya.
“Una salamat sa ating Cardinal na ipinagkatiwala niya itong paglilingkod, pagpapastol dito sa Parokya ni San Jose Gagalangin, at siyempre umaasa din tayo sa kaniyang suporta, panalangin para po magawa natin ang nararapat na may pagpapakumbaba ang pagiging pastol ng parokyang ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Badong.
Paanyaya naman ni Father Badong sa mga mananampalataya ang pakikiisa sa simbahan at pagtutulungan upang maisakatuparan ang mga plano ng Panginoon at sama-samang paglalakbay bilang nag-iisang simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 213,129 total reads

 213,129 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 247,802 total reads

 247,802 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 263,702 total reads

 263,702 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 300,192 total reads

 300,192 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 306,145 total reads

 306,145 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top