Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,714 total reads

Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo na nakakaranas ng pang-uusig at pagdurusa.

Ito ang panawagan ni Bishop Santos, na siya ring Episcopal Coordinator for Asia ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM), kaugnay ng paggunita ng Red Wednesday sa November 27, 2024, na may temang “One in Suffering, One in Consolation”.

Ayon sa obispo, ito’y nagsisilbing paalala ng matatag na pananalig, katapangan, at sakripisyo ng mga Kristiyanong handing ipagtanggol ang pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok.

“Their pain resonates deeply within us, reminding us of the sacrifices they make and the strength they show in the face of adversity. It is a time to honor their resilience, to remember their struggles, and to stand in solidarity with them,” mensahe ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag ni Bishop Santos na ang Panginoong Hesukristo ang pinagmumulan ng kaaliwan, at ang Kanyang pag-ibig at pagpapala ang nagbibigay-lakas upang malampasan ang mga hamon ng buhay.

Aniya, sa pamamagitan ng panalangin, suporta, at pagdamay, ay maipadarama sa mga inuusig na sila’y bahagi ng pandaigdigang pamilyang Kristiyano.

“Let us renew our commitment to standing with our persecuted and suffering Christian brothers and sisters. Let us amplify their voices, advocate for their rights, and pray fervently for their protection and peace. Together, we can make a difference, bringing light to their darkest moments and hope to their hearts,” ayon kay Bishop Santos.

Taong 2016 nang simulan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) ang Red Wednesday campaign upang himukin ang mga Kristiyano na magkaisa sa panalangin, bigyang-pugay ang mga martir ng Simbahan, at suportahan ang mga Kristiyanong kasalukuyang inuusig.

Sa Pilipinas, pangungunahan ni ACN Philippines President, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang pagdiriwang sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa Pangasinan.

Magsisimula ito sa pagdarasal ng Santo Rosaryo ganap na alas-4 ng hapon, susundan ng Banal na Misa, pagsisindi ng mga kandila, at pagpapailaw ng pula sa harapan ng simbahan.

January 2020 nang pinagtibay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang taunang pakikiisa ng Pilipinas sa kampanya bilang pagpapakita ng malasakit sa mga inuusig na Kristiyano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,117 total reads

 212,117 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 246,790 total reads

 246,790 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 262,690 total reads

 262,690 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,180 total reads

 299,180 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,179 total reads

 305,179 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 93,050 total reads

 93,050 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top