Pagpasa ng Kongreso sa Senior Citizen Employment bill, pinuri ng labor group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,783 total reads

Nagalak ang Federation of Free Workers sa pagpapasa sa kongreso ng House Bill 10985 o ang Senior Citizens Employment Bill.

Ayon kay Atty Sonny Matula, napapanahon ang pagsasabatas ng panukala dahil narin bukod sa nararanasan ng senior citizen workers ang diskriminasyon sa trabaho .

Kapag ganap na batas ay bibigyan nito ng pagkakataon na magkaroon o manatili sa trabaho ang maraming senior citizens.

“This would be a landmark legislation if passed into law that addresses the need for inclusivity, dignity, and equal opportunities for the elderly in the workforce, while incentivizing private companies to hire senior workers,
Under the proposed law, senior citizens may take on roles such as clerical or secretarial work, consultancy, janitorial services, event organizing, teaching, kitchen help, sales assistance, BPO jobs, and other employment or volunteer opportunities,” ayon sa mensahe ni Matula na ipinadala sa Radio Veritas.

Tiyak rin ang FFW na magbebenipisyo ang mga kompanya dahil aabot sa hanggang 25% ang karagdang tax deductions ang maaring makaltas sa buwis ng mga kompanyang tumatanggap ng senior citizens bilang mga manggagawa.

Gayunpaman, apela ni Matula ang kagyat na pagbibigay ng atensyon laban sa diskriminasyon sa mga Senior Citizen Workers.

Tinukoy ni Matula kung saan ipinaglaban ng FFW ang dalawang senior citizen na tinanggal sa kanilang trabaho bilang call center agents dahil sa edad.

“While commending the approval of House Bill 10985, the FFW reiterates its proposal to include penalties for discrimination, non-compliance, or unjust termination of senior workers due to old age in the bill. Discrimination of any form is a violation of labor rights and undermines the principles of inclusivity and equality in the workplace,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Matula.

Sa datos ng FFW, sa 113-milyon na populasyon ng Pilipinas, 13-milyon ang mga Senior Citizens.

2019 ng iparating ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa buong mundo ang kahalagahan ng mga katuruan o kasanayaan na maaring ibahagi ng mga matatanda sa lugar ng paggawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 77,080 total reads

 77,080 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 124,766 total reads

 124,766 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 172,637 total reads

 172,637 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 276,584 total reads

 276,584 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 359,087 total reads

 359,087 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top