Pakikiisa sa mga mangingisda, panawagan ni Bishop Presto sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,591 total reads

Hinimok ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto ang mga Pilipino na magkaisa para sa ikakabuti ng kalagayan at kapakanan ng mga mangingisda sa Pilipinas.

Ito ang paanyaya at mensahe ng Obispo bilang paggunita ngayong November 21 ng National Fisheries Day na ipinagdiriwang sa buong mundo sa temang “Sustaining Fisheries, Sustaining Lives.”

Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga mangingisda ay higit na mapapalakas ang boses ng sektor upang maipanawagan sa pamahalaan at lipunan ang ikabubuti ng fishing sector.

“Atin pong samahan ang ating mga mangingisda sa pagdiriwang ng World Fisheries Day, ipagdasal natin na ang mangingisda, lalong lalo na ang mga small-scale fisherfolks na nawa ay mapaganda o maiangat ang kanilang working conditions,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.

Menssahe ng Obispo sa pamahalaan ang pakikinig sa mga mangingisda ng Pilipinas upang mapangunahan ang pagsasaayos ng kanilang kalagayan.

Habang ipinaparating din Bishop Presto sa mga Mangingisdang Pilipino na sa kabila ng mga suliranin ay huwag mawawalan ng pagasa dahil kasama nila ang simbahan at sambayanan.

“At gayun din na sana ang mga concerned government agencies ay sama samang kumilos upang mabawasan o tuluyan nang mawakasan ang ilang illegal at unregulated fishing practices, Para sa mga kapatid nating mangingisda ay patuloy pa rin ang inyong pagbubuklod at sama-samang maiparating ang inyong mga karaingan sa ating pamahalaan lalo’t higit sa mga usaping nagiging hadlang uoang lumago ang inyong kabuhayan,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.

Ayon sa mga datos ng Philippine Statistics Authority, ang mga magsasaka at mangingisda ang isa sa mga pinakamahihirap na sektor ng manggagawa sa Pilipinas.

Kinakaharap din ng mga Mangingisdang Pilipino ang mga suliranin na katulad ng overfishing, illegal fishing at hindi maayos na mga polisiya sa pangingisda kung kaya’t naantala ang dapat sana’y maayos at malaya nilang pangingisda sa mga karagatan at iba pang anyong-tubig ng Pilipinas.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 18,913 total reads

 18,913 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,494 total reads

 39,494 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 110,025 total reads

 110,025 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 195,393 total reads

 195,393 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 242,129 total reads

 242,129 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 290,001 total reads

 290,001 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 388,305 total reads

 388,305 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,495 total reads

 39,495 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top