Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Pebrero 13, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,879 total views

Huwebes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 2, 18-25
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Marcos 7, 24-30

Thursday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 2, 18-25

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Panginoon Diyos, “Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.” Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.

Kaya’t pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki,

“Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto;
Babae ang siyang itatawag sa kanya
Sapagkat sa lalaki nagmula siya.”

Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa.

Kapwa sila hubad, gayunma’y hindi sila nahihiya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

ALELUYA
Santiago 1, 21bk

Aleluya! Aleluya!
Sa kababaan ng loob
dinggin ang salita ng D’yos
upang kayo ay matubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 7, 24-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagtungo si Hesus sa lupain ng Tiro at tumuloy sa isang bahay doon. Ayaw sana niyang malaman ninuman na naroon siya, subalit hindi gayun ang nangyari. Ang pagdating niya’y nabalitaan ng isang inang may maliit na anak na babaing inaalihan ng masamang espiritu. Pumunta siya agad kay Hesus at nagpatirapa sa kanyang harapan. Ang babaing ito’y Hentil – tubo sa Sirofenica. Ipinamanhik niya kay Hesus na palayasin ang demonyo na nasa kanyang anak, ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang busugin muna ang mga anak. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa tuta.” “Tunay nga po, Panginoon,” tugon ng babae, “ngunit ang mga tuta mang nasa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong nalalaglag ng mga anak. Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.” Umuwi ang babae, at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ng demonyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Binuwag ni Jesu-Kristo ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at Hentil. Bilang isang sambayanan ng iisa, bago at walang hanggang Tipan, manalangin tayo sa Amang nagbubuklod sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng lahat ng bansa, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y maging daluyan ng awa, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad ng mananampalataya nawa’y hindi tayo magkahati-hati dahil lamang sa mga simple o walang kuwentang dahilan ng away at hindi pagkakaunawaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inang nagiging balisa at nag-aalala tungkol sa kalusugan ng kanilang mga anak nawa’y huwag makalimot na tumawag kay Jesus para sa tulong at ginhawang kinakailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y makatagpo ng kagihawahan sa Diyos ng pag-ibig at awa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na sa buhay na ito nawa’y magbunying walang hanggan sa tahanan ng Diyos Ama sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, aming kanlungan at lakas, nais mo na kami ay maging iisang sambayanan. Maging bukas nawa ang aming kalooban sa pangangailangan ng iba at huwag silang ihiwalay mula sa aming pagsasamahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 8,956 total views

 8,956 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 34,704 total views

 34,704 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 96,733 total views

 96,733 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 116,805 total views

 116,805 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 131,014 total views

 131,014 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 37,059 total views

 37,059 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 37,290 total views

 37,290 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 37,789 total views

 37,789 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 27,583 total views

 27,583 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 27,692 total views

 27,692 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top