Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Pebrero 12, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,340 total views

Miyerkules ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 2, 4b-9, 15-17
Salmo 103, 1-2a. 27-28. 29bk-30

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

Marcos 7, 14-23

Wednesday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 2, 4b-9, 15-17

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nang likhain ng Panginoon ang lupa at lahat ng bagay sa langit, wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat wala pang ulan noon at wala pa ring magsasaka. Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa lupa.

Nilikha ng Diyos ang tao mula sa alabok, hiningahan sa ilong, at nagkaroon ng buhay.

Naglagay ang Panginoon ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang. Pinasibol niya roon ang lahat ng uri ng kahoy na nakalulugod sa paningin at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan, naroon ang punong nagbibigay buhay, at ang punong nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama.

Inilagay ng Panginoon ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pangalagaan at pagyamanin. Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakanin ang bungang iyon; mamamatay ka kapag kumain ka niyon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 1-2a. 27-28. 29bk-30

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

Pinupuri ka Poong Diyos, nitong aking kaluluwa,
O Panginoong aking Diyos, kay dakila mong talaga!
Ang taglay mong kasuuta’y dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na maganda.

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

Lahat sila’y umaasa, sa iyo ay nag-aabang,
umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.
Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,
mayro’n silang kasiyahan pagkat bukas ang ‘yong palad.

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

Natatakot mangamatay kung kitlin mo ang hininga;
mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang katangiang buhay nila ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 7, 14-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, muling pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin! Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kanya. Ang may pandinig ay makinig.”

Iniwan ni Hesus ang mga tao; at nang makapasok na sa bahay, siya’y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga. “Kayo man ba’y wala ring pang-unawa?” tugon ni Hesus. “Hindi ba ninyo alam na hindi nakapagpaparumi sa tao ang kinakain niya, sapagkat hindi naman pumapasok iyon sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.” Sa pagsasabi nito’y para nang ipinahayag ni Hesus na maaaring kanin ang lahat ng pagkain. Nagpatuloy siya sa pagsasalita: “Ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos. Sapagkat sa loob – sa puso ng tao – nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, at gumawa ng lahat ng kabuktutan, tulad ng pagdaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, kapalaluan, at kahangalan. Ang lahat ng ito’y nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Para sa mga Kristiyano, wala nang iba pang batas maliban sa batas ng pag-ibig. Manalangin tayo para sa ating katapatan sa batas na ito at walang pag-aalinlangang pagsasabuhay ng ating relihiyon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, dalisayin Mo ang aming mga puso.

Ang ating Simbahan nawa’y laging mapanibago at dalisayin ng salita ng Ebanghelyo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magdulot ng pag-asa sa mga nanghihina ang kalooban sa pamamagitan ng ating pagmamahal kaysa pawang mga pampalubog na loob na salita lamang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y mapuno ng tapat na pagnanais na mabuhay para sa bawat isa upang sumamba tayong lahat sa espiritu at katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at naghihingalo nawa’y makatagpo ng kaginhawahan ng pag-ibig at habag ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong mahal sa buhay nawa’y makasama sa kalipunan ng tunay na pagsamba sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, gawin mong dalisay ang aming mga puso upang hindi kami mawalay sa aming mithiing mahalin ka nang higit sa lahat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 17,662 total views

 17,662 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 28,640 total views

 28,640 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,091 total views

 62,091 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,416 total views

 82,416 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 93,835 total views

 93,835 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Marso 30, 2025

 109 total views

 109 total views Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Josue 5, 9a. 10-12 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Read More »

Sabado, Marso 29, 2025

 570 total views

 570 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 6, 1-6 Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab Katapatan ang naisin kalakip ng paghahain.

Read More »

Biyernes, Marso 28, 2025

 866 total views

 866 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 14, 2-10 Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tinig ko’y iyong

Read More »

Huwebes, Marso 27, 2025

 1,550 total views

 1,550 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang

Read More »

Miyerkules, Marso 26, 2025

 2,126 total views

 2,126 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong

Read More »

Martes, Marso 25, 2025

 2,595 total views

 2,595 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong

Read More »

Lunes, Marso 24, 2025

 1,081 total views

 1,081 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan

Read More »

Linggo, Marso 23, 2025

 3,690 total views

 3,690 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Exodo 3, 1-8a. 13-15 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8

Read More »

Sabado, Marso 22, 2025

 3,824 total views

 3,824 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 21, 2025

 4,040 total views

 4,040 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 20, 2025

 4,041 total views

 4,041 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 19, 2025

 3,873 total views

 3,873 total views Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen 2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Salmo 88, 2-3. 4-5. 27

Read More »

Martes, Marso 18, 2025

 3,225 total views

 3,225 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

Lunes, Marso 17, 2025

 3,106 total views

 3,106 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad

Read More »

Linggo, Marso 16, 2025

 3,059 total views

 3,059 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Genesis 15, 5-12. 17-18 Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Read More »
Scroll to Top