Martes, Mayo 26, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,388 total views

Paggunita kay San Felipe Neri, pari

1 Pedro 1, 10-16
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Marcos 10, 28-31

Memorial of St. Philip Neri, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
1 Pedro 1, 10-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, tungkol sa kaligtasang ito, masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang humula sa kaloob na itong nakalaan sa inyo. Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Kristo na sumasakanila nang paunang ipahayag sa kanila ang hirap na titiisin ni Kristo at ang parangal na tatamuhin niya. Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila’y sa kapakinabangan ninyo – at hindi sa kanila. Ang mga katotohanang ito’y narinig ninyo ngayon sa mga tagapangaral ng Mabuting Balita ng Diyos. Nagsalita sila sa inyo sa kapangyarihan ng Espiritu Santong sinugo sa kanila buhat sa langit. Ang mga katotohanang ito’y pinanabikang maunawaan ng mga anghel sa langit.

Kaya nga ihanda ninyo ang inyong mga isipan. Magpakatatag kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Hesukristo. Bilang mga anak, sundin ninyo ang Diyos at huwag ang masasamang hilig tulad ng ginagawa ninyo noong kayo’y wala pang tunay na pagkaunawa. Yamang ang Diyos na humirang sa inyo ay banal, dapat kayong magpakabanal anuman ang inyong ginagawa, ayon sa nasusulat: “Magpakabanal kayo, sapagkat ako’y banal.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
Ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 28-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Mulat sa panganib ng ating pagtitiwala sa mga layaw ng mundong ito, itinataas natin ang ating mga puso sa maalab na pananalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ikaw ang lahat-lahat sa amin.

Ang Simbahan sa buong sandaigdigan nawa’y maging matibay at tunay na tanda ng daan tungo sa walang katapusang kaligayahan at buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y matutong magtiwala sa mga espiritwal na pinahahalagahan na siyang nagpapayaman ng buo nating katauhan at hindi sa mga materyal na kayamanan na nagbibigay ng kawalang kasiyahan sa ating mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y hindi natin isara sa mga nangangailangan, at sa halip maging mulat tayo sa pakiisa sa mga gawain ni Kristo na nagpapagaling at nakapagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawa’y madama nila ang kalinga ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-ibig ng kanilang mga kapitbahay at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nating mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y humimlay sa makalangit na kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tingnan mo nang may habag ang mga nangangailangan. Liwanagan mo ng iyong katotohanan ang aming buhay at bigyan kami ng biyaya na mamuhay ayon sa mataas na pagpapahalaga sa amin ng iyong Anak na si Jesu-Kristo, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 56,320 total views

 56,320 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 65,684 total views

 65,684 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 92,140 total views

 92,140 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 140,514 total views

 140,514 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 141,711 total views

 141,711 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hunyo 5, 2026

 4,147 total views

 4,147 total views Paggunita kay San Bonifacio, Obispo at Martir 2 Timoteo 3, 10-17 Salmo 118, 157. 160. 161. 165. 166. 168 Ang sa utos mo’y

Read More »

Huwebes, Hunyo 4, 2026

 5,112 total views

 5,112 total views Huwebes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Timoteo 2, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 at 14 Poon, ang iyong

Read More »

Miyerkules, Hunyo 3, 2026

 6,801 total views

 6,801 total views Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir 2 Timoteo 1, 1-3. 6-12 Salmo 122, 1-2a. 2bkd Ang mata ko’y nakatuon

Read More »

Martes, Hunyo 2, 2026

 4,493 total views

 4,493 total views Martes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir 2 Pedro 3, 12-15a.

Read More »

Lunes, Hunyo 1, 2026

 6,153 total views

 6,153 total views Paggunita kay San Justino, martir 2 Pedro 1, 2-7 Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16 D’yos kong tapat at totoo, ikaw lang ang pag-asa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top