Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martes, Pebrero 11, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,302 total views

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes

Isaias 66, 10-14k
Judith 13, 18bkde. 19

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Juan 2, 1-11

Memorial of Our Lady of Lourdes (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 66, 10-14k

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Magalak ang lahat,
magalak kayo dahil sa Jerusalem,
ang lahat sa inyo na may pagmamahal,
wagas ang pagtingin;
Kayo’y makigalak at makipagsaya,
lahat kayong tumangis para sa kanya.
Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya
tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina.

Sabi pa ng Panginoon:
“Padadalhan kita ng walang katapusang pag-unlad.
Ang kayamanan ng ibang bansa
ay dadaloy sa iyong tila agos ng ilog.
Ang makakatulad mo’y sanggol na buong pagmamahal
na inaaruga ng kanyang ina.
Aaliwin kita sa Jerusalem,
tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.
Ika’y magagalak pag nakita mo ang lahat ng ito.
Ikaw ay lalakas at lulusog.
Sa gayun, malalaman mong
Akong Panginoon ang kumakalinga
sa mga tumatalima sa akin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Judith 13, 18bkde. 19

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Anak, sumasainyo ang pagpapala ng Diyos na Kataas-taasan.
Higit kang pinagpala kaysa lahat ng babae sa lupa.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos na lumalang sa langit at lupa.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Ang pananalig sa Diyos na nag-udyok sa iyo
ay hindi na mapaparam sa isip ng mga tao
habang ginugunita nila ang kapangyarihan ng Diyos.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

ALELUYA
Lucas 1, 45

Aleluya! Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
sa pananalig mong tapat
sa D’yos na Tagapagligtas
upang sa’yo ay mahayag
ang pag-ibig niyang tapat.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 2, 1-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at ang kanyang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Hesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.” Sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon ko.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”

Doo’y may anim na tapayan, ang bawat isa’y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galon. Nakalaan ang mga ito para sa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio. Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila hanggang sa labi. Pagkatapos, sinabi niya, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. Tinikman naman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig, kaya’t tinawag niya ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, “Ang una pong inihahain ay ang masarap na alak. Kapag marami nang nainom ang tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit ipinagpahuli ninyo ang masarap na alak.”

Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea, ay siyang unang kababalaghang ginawa ni Hesus. Sa pamamagitan nito’y inihayag niya ang kanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya ang mga alagad.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Pebrero 11
Birhen ng Lourdes

Diyos ng hiwaga, nasa tabi ka namin at nalalaman mo kung ano ang bumabagabag sa amin. Kaisa ni Maria, ang Ina ng iyong Anak at amin ding Ina, tumatawag kami sa iyo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, umaasa kami sa Iyo.

Ang Santo Papa, mga obispo, mga pari, at mga relihiyoso nawa’y maging tapat sa kanilang pangako sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalataya nawa’y palakasin ang kanilang pagtitiwala at pananalig sa iyong tulong at maging handa nawa silang sundin ang iyong kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinahihirapan ng mga natatagong sakit nawa’y magpasan ng kanilang krus nang buong tapang lalo na kung walang nakahandang dagling panlunas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang namayapa naming mga kaanak at mga kaibigan nawa’y tumanggap ng kanilang gantimpalang Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, tulungan mo kami upang kami ay maging handang ipagkatiwala ang aming mga sarili sa iyo katulad ng ginawa ni Maria. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.


Martes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 1, 20 – 2, 4a
Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Marcos 7, 1-13

Tuesday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 1, 20 – 2, 4a

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid. Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, at lahat ng uri ng ibon. Minasdan niya ang kanyang ginawa, at siya’y nasiyahan. Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: “Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at punuin ang karagatan; magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig.” Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga iyon ang ikalimang araw.

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa – maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.” At gayun nga ang nangyari. Nilikha nga niya ang lahat ng ito, at siya’y lubos na nasiyahan nang mamasdan ang mga ito.

Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos, “Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga – ito ang ikaanim na araw.

Gayun nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya’y nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat. Ganito ang pagkalikha sa lupa at sa langit.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Ang likha mong langit, kung aking pagmasdan,
pati mga tala, bituin at buwan;
ano nga ang tao upang ‘yong alalahanin?
Ay ano nga siya na sukat mong kalingain?

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Nilikha mo siya, na halos kapantay
ng iyong luningning at kadakilaan!
Pinamahala mo sa buong daigdig,
sa lahat ng bagay malaki’t maliit.

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Mga baka’t tupa, hayop na mabangis
at lahat ng ibong nasa himpapawid,
at maging sa isda, sa ‘lalim ng tubig.

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

ALELUYA
Salmo 118, 36. 29b

Aleluya! Aleluya!
Sa salita mo akitin
ang puso ko at loobin
nang ikaw ay aking sundin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 7, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may mga Pariseo at ilang eskribang galing sa Jerusalem na lumapit kay Hesus. Nakita nila na ang ilan sa mga alagad ni Hesus ay kumain nang hindi muna naghuhugas ng kamay sa paraang naaayon sa turong minana nila.

Ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga’t hindi nakapaghuhugas ng kamay ayon sa mga turong minana nila sa kanilang mga ninuno. Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan. At marami pang ibang minanang turo ang kanilang sinusunod, tulad ng tanging paraan ng paghuhugas ng mga inuman, ng mga saro, ng mga sisidlang tanso, at mga higaan.

Kaya’t tinanong si Hesus ng mga Pariseo at mga eskriba, “Bakit hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumain sila nang hindi man lamang naghugas ng kamay ayon sa paraang iniutos!” Sinagot sila ni Hesus, “Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo. Mapagpaimbabaw nga kayo, gaya ng kanyang isinulat:

‘Paggalang na handog sa ‘kin ng bayan ko’y paimbabaw lamang,
sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal.
Pagpuri’t pagsambang ginagawa nila’y walang kabuluhan,
ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.’
Niwawalang-kabuluhan nga ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo’y ang turo ng tao.”

Sinabi pa ni Hesus, “Kay husay ng paraan ninyo sa pagpapawalang-bisa sa utos ng Diyos masunod lamang ninyo ang mga turong minana ninyo! Tulad nito: iniutos ni Moises, ‘Igalang mo ang iyong ama’t ina’; at ‘Ang magsalita ng masama sa kanyang ama o ina ay dapat mamatay.’ Ngunit itinuturo ninyo, ‘Kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina: Ang anumang maitutulong ko sa inyo ay Korban’, alalaong baga’y inihahain ko ito sa Diyos – hindi na ninyo siya pinahihintulutang tumulong sa kanyang ama o ina. Sa ganitong paara’y niwawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga turong minana ninyo. At marami pang bagay na tulad nito ang ginagawa ninyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Walang saysay ang ating pagsamba kung hindi ito nanggagaling sa pusong tunay. Manalangin tayo ngayon sa Diyos Ama upang gawin niyang malinis at tapat ang ating mga puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, buksan Mo ang aming mga puso sa iyong puso.

Ang mga namumuno ng ating Simbahan nawa’y laging gabayan ng liwanag ng Ebanghelyo at huwag nawa nilang hanapin ang seguridad sa mga makamundong istruktura, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad nawa’y huwag nating isara ang ating mga mata sa tunay na pangangailangan ng mga mahihirap na ating kasa-kasama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng Kristiyano nawa’y mapagtanto na makikita sa ating pakikitungo sa ating mga kapwa ang tunay na pagsasabuhay ng kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mapalakas sa kanilang kahinaan at mapalaya sa kanilang mga karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kapatid nating pumanaw na ay magkamit nawa ng kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, likhain mo sa amin ang tapat na puso upang amin ding mahalin at igalang ang aming kapwa na iyong pinahahalagahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,018 total views

 18,018 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 28,996 total views

 28,996 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,447 total views

 62,447 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,768 total views

 82,768 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,187 total views

 94,187 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Marso 30, 2025

 127 total views

 127 total views Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Josue 5, 9a. 10-12 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Read More »

Sabado, Marso 29, 2025

 588 total views

 588 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 6, 1-6 Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab Katapatan ang naisin kalakip ng paghahain.

Read More »

Biyernes, Marso 28, 2025

 884 total views

 884 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 14, 2-10 Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tinig ko’y iyong

Read More »

Huwebes, Marso 27, 2025

 1,568 total views

 1,568 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang

Read More »

Miyerkules, Marso 26, 2025

 2,144 total views

 2,144 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong

Read More »

Martes, Marso 25, 2025

 2,609 total views

 2,609 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong

Read More »

Lunes, Marso 24, 2025

 1,094 total views

 1,094 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan

Read More »

Linggo, Marso 23, 2025

 3,703 total views

 3,703 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Exodo 3, 1-8a. 13-15 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8

Read More »

Sabado, Marso 22, 2025

 3,837 total views

 3,837 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 21, 2025

 4,053 total views

 4,053 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 20, 2025

 4,054 total views

 4,054 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 19, 2025

 3,886 total views

 3,886 total views Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen 2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Salmo 88, 2-3. 4-5. 27

Read More »

Martes, Marso 18, 2025

 3,238 total views

 3,238 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

Lunes, Marso 17, 2025

 3,119 total views

 3,119 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad

Read More »

Linggo, Marso 16, 2025

 3,072 total views

 3,072 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Genesis 15, 5-12. 17-18 Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Read More »
Scroll to Top