Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Marso 2, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,351 total views

Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Sirak 27, 5-8
Salmo 91, 2-3. 13-14. 15-16

Totoong kalugud-lugod
ang magpasalamat sa D’yos.

1 Corinto 15, 54-58
Lucas 6, 39-45

Eighth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 27, 5-8 (gr. 4-7)

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Pag niliglig mo ang bistay, maiiwan ang magaspang;
pag ang tao’y nagsalita, kapintasa’y lumilitaw.
Ang gawa ng magpapalayok ay sa hurno nasusubok,
ang pagkatao ng sinuma’y makikita sa usapan.
Sa bunga ng punongkahoy nakikilala ang ginagawang pag-aalaga;
sa pangungusap ng isang tao, damdamin niya’y nahahalata.
Huwag mo munang pupurihin ang isang tao hanggang hindi nakapagsasalita,
sapagkat doon mo pa makikilala ang tunay niyang puso’t diwa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 91, 2-3. 13-14. 15-16

Totoong kalugud-lugod
ang magpasalamat sa D’yos.

Ang magpasalamat
sa Panginoong Diyos ay mabuting bagay,
umawit na lagi
purihin ang ngalang Kataas-taasan.
Pag-ibig n’yang wagas
ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway,
pagsapit ng gabi
ang katapatan n’ya’y ihayag din naman.

Totoong kalugud-lugod
ang magpasalamat sa D’yos.

Katulad ng palma,
ang taong matuwid tatatag ang buhay,
parang mga sedro.
Kahoy sa Libano, lalagong mainam.
Parang punongkahoy
na doon natanim sa tahanan ng Diyos,
sa banal na templo
ito ay lalago na nakalulugod.

Totoong kalugud-lugod
ang magpasalamat sa D’yos.

Tuloy ang pagbunga
kahit na ang punong ito ay tumanda,
luntia’t matatag,
at ang dahon nito ay laging sariwa.
Ito’y patotoo
na ang Panginoo’y tunay na matuwid,
Siya kong sanggalang,
matatag na batong walang bahid dungis.

Totoong kalugud-lugod
ang magpasalamat sa D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 15, 54-58

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kapag napalitan na ng walang pagkabulok ang nabubulok at napalitan na ng walang kamatayan ang namamatay, matutupad ang nasasaad sa Kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!”

“Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?
nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”

Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan. Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo!

Kaya nga, mga kapatid, magpakatatag kayo at huwag matitinag. Magpakasipag kayo sa gawain para sa Panginoon yamang alam ninyong di nasasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Filipos 2, 15d. 16a

Aleluya! Aleluya!
Sa daigdig ay laganap
liwanag na sumisikat,
Salitang buhay ng lahat.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 39-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad nang patalinghaga: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya’y magiging katulad ng kanyang guro.

“Ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayung hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo’y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.”

“Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahay sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Tayo ay nagpapasalamat sa Amang naghahangad ng kabanalan para sa Kanyang mga anak. Puno ng pagmamahal sa Kanya, dalhin natin ang ating mga pangangailangan at sambitin:

Amang nagpapabanal, dinggin Mo ang Iyong bayan!

Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang maging masigasig sila sa pagtahak sa landas ng pagtutuwid sa sarili at sa daan ng kabanalan, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa lahat ng mga kabataan ng ating bayan, nawa ay magtulungan sila sa pagtutuwid sa isa’t
isa nang matamo ang pangarap nilang kaganapan, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang mahanap nila ang tamang paraan sa pagtutuwid sa mga kamalian ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa mga taong nababaon sa kasalanan at kasamaan, upang maging bukas ang kanilang kalooban sa pagtutuwid sa kanila ng mga taong nagmamalasakit sa kanilang kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa ating lahat na nagkakatipon sa pagdiriwang na ito, upang maituwid natin ang ating mga sariling kamalian at magtulungan tayo sa pagtutuwid sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa lahat ng pamilyang hindi nagkakasundo : nawa’y makatagpo sila ng lunas sa kanilang mga sugat sa pamamagitan ng kapatawaran, pagtuklas sa yamang panloob na taglay ng bawa’t isa, sa kabila ng kanilang nagkakaibang pananaw, manalangin tayo!

Ama naming bukal ng kabanalan, isugo Mo sa amin ang Iyong Banal na Espiritu upang matukyan namin na ang matuwid na landas ay ang daan ng kaganapan sa buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Holiness Is Not Boring

 11,981 total views

 11,981 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 24,436 total views

 24,436 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 35,716 total views

 35,716 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 46,383 total views

 46,382 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 76,884 total views

 76,884 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 20,315 total views

 20,315 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 20,546 total views

 20,546 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 21,023 total views

 21,023 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 13,730 total views

 13,730 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 13,839 total views

 13,839 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top