Sabado, Agosto 2, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,424 total reads

Sabado ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Eusebio ng Vercelli, obispo
o kaya Paggunita kay San Pedro Julian Eymard, pari
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Levitico 25, 1. 8-17
Salmo 67, 2-3. 5. 7-8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Mateo 14, 1-12

Saturday of the Seventeenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Eusebius of Vercelli, Bishop (White)
or Optional Memorial of St. Peter Julian Eymard, Priest (White)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Levitico 25, 1. 8-7

Pagbasa mula sa aklat ng Levitico

Sinabi ng Panginoon kay Moises nang sila’y nasa Bundok ng Sinai, “Bibilang kayo ng pitong Taon ng Pamamahinga, pitong tigpipito – apatnapu’t siyam na lahat. Pagkalipas nito, sa ikasampung araw ng ikapitong buwan – Araw ng Pagtubos – hihipan nang malakas ang mga trumpeta sa buong lupain. Sa ganitong paraan, itatangi ninyo ang ikalimampung taon; ipahahayag ninyong malaya ang lahat sa buong lupain. Ito’y taon ng inyong paglaya; ang alipin ay babalik sa kanyang sariling tahanan at ang lupaing naipagbili ay isasauli sa dating may-ari. Sa taong iyon, huwag kayong magtatanim sa inyong bukirin. Huwag din ninyong aanihin ang bunga ng mga halaman na kusang tumubo. Sapagkat ito’y taon ng pagdiriwang at itinalaga para sa akin. Ang inyong kakanin ay ang bunga na tuwirang pinitas sa bukid.

Sa taong iyon, bawat isa sa inyo’y babalik sa kanyang ari-arian. Kung magbibili kayo o bibili sa inyong kapwa, huwag kayong mandadaya. Magbabayad kayo ayon sa dami ng taon mula sa huling taon ng paglaya, at magbibili naman ayon sa dami ng taon ng pamumunga bago dumating ang sunod na taon ng paglaya. Pagdami ng taong natitira pa, mataas ang halaga; kung iilang taon na ang natitira, mas maliit ang halaga sapagkat ang batayan ay ang dami ng pag-aani. Maging tapat kayo sa isa’t isa at matakot sa akin. Ako ang Panginoon, ang inyong Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 2-3. 5. 7-8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nag-aning mabuti ang mga lupain
pinagpala kami ng Poon, Diyos namin!
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayan kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makarating kay Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Hesus, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Siya’y si Juan Bautista na muling nabuhay, kaya siya nakagagawa ng mga himala!”

Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan. Ang dahilan ay si Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. Laging sinasabi ni Juan kay Herodes, “Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng inyong kapatid.” Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan ngunit natatakot siya sa mga Judio, sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan Bautista.

Nang dumating ang kaarawan ni Herodes, sumayaw sa harapan ng mga panauhin ang anak ni Herodias. Labis na nasiyahan si Herodes, kaya’t isinumpa niyang ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito. Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi ng dalaga, “Ibigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista.” Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos niyang ibigay iyon sa dalaga. Kaya’t pinapugutan niya si Juan sa bilangguan. Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga; dinala naman ito ng dalaga sa kanyang ina. Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang kanyang bangkay at inilibing. Pagkatapos, ibinalita nila ito kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Natitipon tayo kay Kristo na nagwagi laban sa lahat ng kasamaan. Lakas-loob tayong lumapit sa Ama kasabay ng ating mga pananalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Ama,
gawin mo kaming mapagwagi sa iyong pamamaraan.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at magbigay saksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na maitindig ang mundong nasadlak sa pagkakasala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdirigmang mga bansa nawa’y matutong mamuhay sa pagkakasundo at pagtutulungan para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang itaguyod nang buong puso ang katotohanan at labanan ang pagtago at pailalim na impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa pangakong walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos at Ama, habang itinataas namin sa iyo ang aming mga panalangin, nagpapasalamat kami sa iyong Anak na siyang lumupig sa kasalanan at kamatayan; siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo. Amen.

BLIND GUIDES

 6,766 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 7,451 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 67,366 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 67,368 total reads

 67,368 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,979 total reads

 102,979 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 138,279 total reads

 138,279 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,549 total reads

 364,549 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 254,155 total reads

 254,155 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 17, 2026

 1,636 total reads

 1,636 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 3,300 total reads

 3,300 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 5,054 total reads

 5,054 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 6,453 total reads

 6,453 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 7,018 total reads

 7,018 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top