Lunes, Agosto 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,481 total views

Paggunita kay San Juan Maria Vianney, pari

Mga Bilang 11, 4b-15
Salmo 80, 12-13. 14-15. 16-17

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

Mateo 14, 13-21

Memorial of St. John Baptiste Marie Vianney, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Mga Bilang 11, 4b-15

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, sinabi ng mga Israelita, “Kailan pa ba tayo makatitikim ng masarap na pagkain? Mabuti pa sa Egipto! Doon, isang hingi lamang namin ay mayroon na agad isda, pipino, pakwan, sibuyas, at bawang. Dito naman, walang makain kundi manna.”

Ang manna ay kamukha ng buto ng kulantro at kakulay ng bedelio. Ito ang laging pinupulot ng mga tao, ginigiling o binabayo. Kung luto, sinsarap ito ng tinapay na niluto sa langis. Ito’y kasama ng hamog na bumabagsak kung gabi.

Hindi kaila kay Moises ang iyakan ng lahat ng sambahayan na nakatayo sa pintuan ng kani-kanilang tolda. Nagalit nang labis ang Diyos, kaya nabalisa si Moises. Itinanong ni Moises sa Panginoon, “Bakit ninyo ako isinuong sa ganito kalaking pasanin? Bakit ninyo ako ginaganito? May nagawa ba akong laban sa inyo? Ako ba ang nagsilang sa kanila? Sila ba’y aalagaan ko tulad ng pag-aalaga ng ina sa kanyang anak, hanggang sa lupang ipinangako ninyo sa aming mga ninuno? Ayaw nila akong tigilan sa kahihingi ng karne. Saan ako kukuha ng karne para sa ganito karaming tao? Hindi ko sila kayang alagaang mag-isa. Napakalaki ng gawaing ito para sa akin! Kung ganito rin lamang ang gagawin ninyo sa akin, mabuti pa’y mamatay na ako ngayon din kaysa maghirap nang matagal.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 80, 12-13. 14-15. 16-17

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

Ngunit ang bayan ko’y hindi ako pansin,
di ako sinunod ng bayang Israel,
sa tigas ng puso, aking binayaan
ang sariling gusto nila’y siyang sundan.

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

Ang tangi kong hangad, sana ako’y sundin,
sundin ang utos ko ng bayang Israel;
ang kaaway nila’y aking lulupigin,
lahat ng kaaway agad lilipulin.

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

Silang namumuhi’t sa aki’y napopoot,
ay magsisiyuko sa laki ng takot,
Ang parusa nila’y walang pagkatapos.
Ang lalong mabuting bunga nitong trigo,
ang siyang sa inyo’y ipapakain ko;
at ang gusto ninyong masarap na pulot,
ang siyang sa inyo’y aking idudulot.

Masigla nating awitan
ang D’yos nating kaligtasan.

ALELUYA
Mateo 4, 4b

Aleluya! Aleluya!
Ang tao ay nabubuhay
sa Salita ng Maykapal
na pagkaing kanyang bigay.
Aleuya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 13-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siya’y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila’y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.

Nang dapit-hapon na’y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, “Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.” “Hindi na sila kailangang umalis pa,” sabi ni Hesus. “Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain.” Sumagot sila, “Lilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.” “Dalhin ninyo rito,” sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limpang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila’y nakapuno ng labindalawang bakol ng pira-pirasong tinapay. May limang libong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natitipon tulad ng napakaraming tao sa Ebanghelyo na nagugutom sa Salita ng Diyos, manalangin tayo nang may pananalig sa ating Amang nasa Langit na hindi nagpapabaya sa kanyang bayan sa kanilang pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ikaw ang aming tinapay, O Panginoon.

Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y sumaksi sa salita at gawa sa pag-ibig at kalinga ng Diyos sa mga nangagugutom at nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lider ng mga bansa na may pinanghahawakang matatayog na posisyon at malawak na kapangyarihan nawa’y tumulong na maipamahagi ang kayamanan ng daigdig upang sa gayon wala ni isang bansa ang malagay sa panganib ng pagkagutom, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad, tayo nawa’y maging mga kapwa na babad sa pananalangin at maging laging handa sa pagbibigay ng ating panahon at karunungan sa pagtulong sa mga naghahanap ng kahulugan sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makaranas ng nananatiling pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan nang walang maliw sa walang hanggang Hapag sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, bigyang-pansin kaming nangangailangan ng iyong habag. Punuin mo ang aming mga puso ng iyong pag-ibig at huwag mo kaming ipahintulot na mawalay sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 7,180 total views

 7,180 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 81,794 total views

 81,794 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 161,873 total views

 161,873 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 205,012 total views

 205,012 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 205,681 total views

 205,681 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 840 total views

 840 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 2,380 total views

 2,380 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 3,832 total views

 3,832 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 4,795 total views

 4,795 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

Lunes, Hulyo 13, 2026

 5,445 total views

 5,445 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top