Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas.
Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan ay hinahamon. “Pope Francis boldly challenges us all to take an honest look inside our hearts and question the foundations of a society that has created wealth for some at the expense of others and “our common home” – the planet earth.” Iginigiit ng Santo Papa na, “A true ‘ecological debt’ exists, particularly between the global north and south … In different ways, developing countries, where the most important reserves of the biosphere are found, continue to fuel the development of richer countries at the cost of their own present and future.”
Ang hamong ito ng Santo Papa ay unti-unting umaalingawngaw sa alin mang sulok ng mundo. Ang hinaha-hangad ng Pilipinas na tuldukan ang “climate injustice” ay tila nagkaroon ng himala. Noong ika-23 ng Hunyo 2023, naglabas ang International Court of Justice (ICJ) ng makasaysayang “advisory opinion” na nagbibigay karapatan sa mga bansa na kasuhan ang kapwa bansa kaugnay sa pagbabago ng klima, kasama ang pagbuga ng mga patapong singaw ng hangin na nagpapainit sa mundo.
Sinasabi ng ICJ na ang mga bansa ay mayroong obligasyong legal na hadlangan ang pagsira sa klima, bawasan ang singaw ng pampainit ng hangin at i-ayon sa target 1.5-degree Celsius., at suportahan ang mga mahihinang bansa na karaniwang biktima ng kasiraan ng mga mauunlad na bansa.
Mayroon naman kayang “political will” ang mga namumuno sa Pilipinas upang maisakatuparan ang paninindigan ng ICJ? Di kaya matulad na naman ito sa landmark decision ng United Nations Convention on the Law of the Sea or UNCLOS at ruling ng UN Arbitral Tribunal noong 2016 na nagbabasura sa “nine-dash-line” historic rights sa South China Sea na tinatawag ngayon na West Philippine Sea? Kapanalig dahil sa kawalan ng “political will” at pagyuko ng Pilipinas sa modern power na China ay lumalawak na ang reclamation project ng mga Tsino sa teritoryo ng Pilipinas.
Noong 2023 ay itinatatag ang “Loss and Damage Fund” ng UN upang agapan hindi man mapatigil ang matinding epekto ng climate change. Kapanalig, dito pa mismo sa Pilipinas ang magiging tanggapan ng UN Loss and Damage Fund”. May magagawa kaya ang tanggapan na ito upang mapigilan ang lumalalang epekto ng climate change sa Pilipinas? Sa Pilipinas, dahil sa mga maling polisiya sa pangangalaga sa kalikasan, laganap na katiwalian, konting ulan lang., lubog na tubig baha ang malaking bahagi ng bansa., konting hangin lang, nabubuwal na ang mga ipinapatayong depektibong gusali, kalsada, mga tulay.
Kapanalig, pinatibay ng desisyon ng ICJ na ang mahihirap na bansa ay may karapatan sa hindi mahal, mapagkatiwalaan at madaling maabot na enerhiya. Inoobliga din ang mga nagpaparumi ng kalawakan na pondohan ang kakailanganing pagbabago upang matugunan ang lumalalang epekto ng pagbabagong klima.
Hindi binubura ng ICJ ang karapatan nating magpasingaw ng patapong hangin, ngunit dapat sa maka-sensiya at makatwirang hangganan. Nararapat ding tulungan tayo ng mga mayayamang bansa na makapagpatayo ng naaakmang imprastraktura, teknolohiya at madaling maabot na luntiang merkado.
Sana Kapanalig, hindi ito mahaluan ng pulitika., sa sandaling pinasok ito ng mga pulitiko., 50-percent ng pondo ay sa bulsa na naman mapupunta.
Sumainyo ang Katotohanan.






