Linggo, Setyembre 21, 2025

SHARE THE TRUTH

 1,823 total reads

Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Amos 8, 4-7
Salmo 112, 1-2. 4-6. 7-8.

Purihin ang Poong Diyos
na sa dukha’y nagtatampok.

1 Timoteo 2, 1-8
Lucas 16, 1-13
o kaya Lucas 16, 10-13

Twenty-fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Amos 8, 4-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos

Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa nangangailangan at kayong umaapi sa mga dukha. Ang sabi ninyo sa inyong sarili, “Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pamamahinga. Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani. Kailan ba matatapos ang Araw ng Pamamahinga, para mailako namin ang mga trigo? Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng maling takalan at dadayain namin sa timbang ang mga namimili. Sa halaga ng isang pares na sandalyas, aming bibilhin bilang alipin ang taong dukha. Pati tulyapis ng trigo ay ipagbibili namin sa mataas na halaga.”

Sumumpa ang Panginoon, ang Diyos ng Israel: “Hindi ko na maipatatawad ang masasama nilang gawa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 4-6. 7-8.

Purihin ang Poong Diyos
na sa dukha’y nagtatampok.

o kaya: Aleluya.

Ang Poo’y purihin!
Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng Poon ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papurihan,
magmula ngayo’t magpakailanman.

Purihin ang Poong Diyos
na sa dukha’y nagtatampok.

Siya’y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.
Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siya’y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.

Purihin ang Poong Diyos
na sa dukha’y nagtatampok.

Mula sa alabok ang mga mahirap,
sa pagkalugami ay itinataas.
Sa mga prinsipe ay isinasama,
nagiging prinsipe ang mga lingkod n’ya.

Purihin ang Poong Diyos
na sa dukha’y nagtatampok.

IKALAWANG PAGBASA
1 Timoteo 2, 1-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal ko, una sa lahat, ipinakikiusap kong paabutin ninyo sa Diyos ang inyong kahilingan, panalangin, pamanhik, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Gayun din ang gawin ninyo para sa mga hari at mga maykapangyarihan upang makapamuhay tayo nang tahimik at payapa, marangal at may kabanalan. Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan. Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Hesus na naghandog ng kanyang buhay upang tubusin ang lahat. Siya ang katunayan ng banal na layunin ng Diyos at nahayag sa takdang panahon. Dahil dito, ako’y hinirang na mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at ng katotohanang ito sa mga Hentil. Katotohanan ang sinasabi ko, hindi ako nagsisinungaling.

Ibig kong ang mga lalaki sa lahat ng dako’y manalanging may malinis na kalooban, walang hinanakit o galit sa kapwa.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 16, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya at tinanong: ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa inyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.’ Nawika ng katiwala sa sarili, ‘Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.’ Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una, ‘Gaano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito, ‘Sandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Sandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ wika niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.”

At nagpatuloy si Hesus ng pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito’y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

“Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Lucas 16, 10-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

“Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Tungkulin nating gamitin ang mga kaloob ng Diyos at mga pagkakataon sa buhay nang buong husay at nang may malawak na pananaw. Magpakumbaba tayong manalig at idalangin natin ang tulong ng Diyos sa lahat ng ating mga adhikain at gawain:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Santo Papa at ibang mga pinuno ng Simbahan: Nawa’y hindi sila magsawa sa pangangaral ng katapatan sa pangangalakal, katarungan para sa mga dukha, at pangingibabaw ng mga espirituwal na pagpapahalaga sa kasaganaang materiyal. Manalangin tayo.

Para sa ating mga pinunong layko at lahat ng nanunungkulan: Nawa’y gamitin nila ang kanilang
katungkulan sa pagtataguyod ng katarungan at kapakanang pangkalahatan sa halip ng pagsisikap para sa sariling kapakanan. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng pinaghabilinan ng edukasyon ng kabataan: Nawa’y tupdin nila ang kanilang tungkulin na parang isang misyon at hindi para sa materiyal na pakinabang. Manalangin tayo.

Para sa mga tagapag-ingat sa pananalapi ng bayan: Nawa’y magsikap sila nang walang pag-iimbot para sa ikagiginhawa ng mga dukha. Manalangin tayo.

Ama, ipagkaloob Mo sa aming pakinabangang mabuti ang mga pagkakataon sa buhay na ito alang-alang sa “piging na walang maliw” na inihanda Mo sa langit para sa amin. Isinasamo namin ito sa ngalan ng Panginoong si Hesus.

Amen

Mas malusog na Pilipino?

 3,203 total reads

Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang 10 ang overweight o obese. Samantala, 43% ng mga Pilipinong edad 20 hanggang 59 ang overweight o obese. 

Ang naiisip na solusyon ng pamahalaan, taasan ang buwis na ipinapataw sa matatamis na pagkain at inumin. 

Mula anim na piso kada litro, maaaring maging hanggang bente pesos ang buwis sa mga inuming may caloric o non-caloric sweeteners. Para naman sa mga may high-fructose corn syrup, maaaring tumaas ang buwis mula dose hanggang kuwarenta pesos kada litro. Iminumungkahi rin ang pagpapalawak ng saklaw ng buwis sa mga produktong gaya ng 3-in-1 na kape at ice cream

Maging epektibo kaya ito?

Responsabilidad natin ang ating kalusugan, kaya dapat nating bantayan ang mga kinakain natin. Pero ang pagpapataw ng buwis sa pagkain ay parang paglalagay ng sisi sa mamimili. 

Mas pinipili ng mga consumers ang mga pagkaing matamis at kulang sa sustansya dahil mura at madaling bilhin ang mga ito. Samantala, patuloy namang tumataas ang presyo ng mas masustansyang pagkain gaya ng prutas at gulay. Kung tunay na mas malusog na Pilipino ang layunin, hindi ba dapat sabayan ang pagbubuwis sa matatamis na pagkain at inumin ng pagpapababa ng presyo ng masusustansyang pagkain?

Malaki rin ang ambag ng kapaligiran sa kalusugan ng tao. Dito sa mga siyudad, mas naeengganyong gumamit ng sasakyan ang mga tao kaysa maglakad at magbisikleta. Kakaunti rin ang ligtas at madaling puntahang pampublikong lugar para makapag-ehersisyo. Ilan lamang ang mga ito sa mga bagay na dapat ding pagtuunan ng pansin kung gusto nating maging mas malusog ang mga Pilipino, lalo na ang mga bata. 

Hindi maihihiwalay ang planong dagdag-buwis sa matatamis na pagkain sa paghahanap ng gobyerno ng mga paraan para bawiin ang mawawalang kita nito kung matutuloy ang pagtataas ng tinatawag na tax exemption threshold mula ₱250,000 hanggang ₱350,000. Pero may tax relief nga sa mga pamilyang pasók ang taunang kita sa threshold na ito, mabibigatan naman sila sa dagdag na gastos kapag tumaas ang buwis sa mga pagkaing madalas nilang tangkilikin. Kung ang layunin ay pagaanin ang buhay ng mga pamilyang Pilipino, mukhang may problema kung mababawasan nga ang isang uri ng buwis pero may panibagong pasanin namang nasa anyo ng mas mataas na presyo ng mga produktong pagkain.

Kahit pa tinatayang makalilikom ang gobyerno ng 75 bilyong piso mula sa dagdag-buwis sa matatamis na pagkain at inumin mula 2027 hanggang 2030, walang kasiguraduhang mapanghahawakan ang mga mamamayan na mapupunta sa tama ang kanilang ibabayad. Sinasabing kalahati ng malilikom na pera o 34 bilyong piso ay mapupunta sa DOH. Sa dami ng mga kaso ng katiwalian sa pamahalaan, hindi maiiwasang bumaba ang tiwala ng marami na serbisyo ang magiging katumbas ng ibabayad nilang buwis. Kaya mahalagang malinaw kung saan napupunta at kung paano ginagamit ang binabayad na buwis. Dapat ding matiyak na ang makokolektang dagdag-buwis ay tunay na naibabalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng serbisyong pangkalusugan gaya ng ipinapangako ng mga gustong patawan ng mas malaking buwis ang mga pagkaing hindi nakabubuti sa kalusugan.

Mga Kapanalig, sinasabi sa Filipos 2:4 na dapat nating isipin hindi lamang ang sariling kapakanan kundi pati ang kapakanan ng iba. Ipinapaalala rin ng Laudato Si’ ang pananagutan ng pamahalaan na lumikha ng mga kalagayang nagbibigay sa tao ng pagkakataong mamuhay nang maayos. Kaya kung tunay na mas malusog na Pilipino ang layunin, hindi lamang indibidwal na disiplina sa matatamis na pagkain ang kailangan. Kailangan din ng sistema at kapaligirang hindi nagpapahirap sa tao na maging malusog.

Sumainyo ang katotohanan.

UNARMED STRUGGLE AND DISARMING PEACE

 4,030 total reads

What a joy it was to take part in the recently concluded 27th Annual Convention of my colleagues in the Catholic Biblical Association of the Philippines (CBAP), held at the Philippine Bible Society. It was especially heartwarming to have in our company fellow biblical scholars from Protestant and Evangelical churches, sharing in our common love for the Scriptures and our commitment to making the Word of God speak meaningfully to the world today.

The theme of our convention was “Beat Swords into Plowshares. Be Peacemakers.” I delivered a keynote on the topic “Unarmed Struggle and Disarming Peace: Pope Leo XIV’s Biblical Theology of Peace.”

I began by recalling my youthful activist years, when I found the argument for armed struggle morally compelling in societies where the poor suffered violence through oppression, exploitation and systemic injustice. I have never ceased to believe that poverty itself can be a form of violence. But history has also taught me to ask: What happens when the oppressed finally acquire the gun? How do we prevent yesterday’s slaves from becoming tomorrow’s tyrants?

Drawing from Isaiah’s vision of swords being transformed into plowshares, I reflected on the alarming return of the logic of power and rearmament in our world today. Resources that could sustain life through food security, healthcare, education and care for creation are increasingly being redirected toward instruments of destruction.

Pope Leo reminds us that Christian peace is not passive resignation. It calls for an unarmed struggle against injustice—a struggle that refuses to reproduce the very violence it seeks to overcome. Jesus’ command to put away the sword finds its deepest meaning in the Cross, where he takes upon himself the consequences of human sin without returning evil for evil.

The Risen Christ still bears his wounds, but he does not turn them into weapons. He comes to his frightened disciples with the greeting, “Peace be with you” (Jn 20:19).

Perhaps this is the challenge before us, especially as people entrusted with interpreting the Scriptures: to help liberate the struggle for justice from the logic of vengeance, and to ensure that the Word of God is never turned into a weapon against another people.

As St. Paul reminds us, “Do not be overcome by evil, but overcome evil with good” (Rom 12:21).

That is the unarmed struggle. And perhaps only such a struggle can lead us to a truly disarming peace.

THE LORD ROARS OVER GAZA

 4,036 total reads

A Modern Oracle in the Tradition of Amos 1:6–2:16

Thus says the Lord:

For three transgressions of Israel, and for four, I will not revoke my judgment.

Because you have turned the land of Gaza into a wasteland, and made its people wander like strangers in their own homeland.

Because you have brought down the houses of the poor upon their heads, and reduced their dwellings to heaps of rubble.

Because you have commanded entire communities to leave their homes, yet have given them no place where they may dwell in safety.

Because you have driven the widow from her dwelling and the orphan from his inheritance, and have made the little children weep for the homes to which they may never return.

You say, “We have warned them to leave.”

But where shall they go?
To the sea, where there is no land on which to build their tents? To the south, where the displaced already crowd together under the burning sun? To the streets, where there is no shelter from the heat of the day or the cold of the night?

You say, “We have marked their buildings for destruction.”

But have you marked the tears of the mothers who must gather their children and flee? Have you counted the days of the elderly who have nowhere left to go? Have you measured the anguish of those who must abandon the homes in which they have lived all their lives?

You say, “We are defending our people.”

But shall the suffering of your people justify the suffering of another? Shall the blood of your children be avenged by the blood of other children?

Have I not commanded you, O Israel, to remember that you were once strangers in the land of Egypt? Have I not taught you to protect the widow, the orphan, and the stranger who dwells among you?

You have remembered the promise of the land, but have you forgotten the demands of justice?

You have remembered the covenant, but have you forgotten the God who made it with you?

 

Therefore, thus says the Lord:

I will not be silenced by the thunder of your weapons, nor shall the cries of the innocent be drowned out by the proclamations of your rulers.

I will call to account those who command the destruction, those who carry it out, and those who justify the suffering of the innocent.

For no nation shall claim my blessing while trampling upon the dignity of another people.

No army shall invoke my name to excuse the destruction of the defenseless.

And no ruler shall hide behind the security of his own people to escape accountability for the suffering of another.

For I am the Lord who hears the cry of the oppressed, and the blood of the innocent cries out to me from the ground.

 

Thus says the Lord:
For three transgressions of the powerful nations, and for four, I will not revoke my judgment.
Because you have seen the destruction and have turned away your eyes.
Because you have heard the cries of the displaced and have stopped your ears.
Because you have supplied the weapons of war while speaking eloquently of peace.
Because you have weighed the lives of the innocent against your alliances and your interests, and have found the latter more precious.
You gather in your assemblies and speak of human rights. You sign solemn declarations and proclaim the dignity of every human person.
Yet when the children cry out for bread, you offer them resolutions. When the homeless plead for shelter, you offer them expressions of concern. When the wounded cry out for mercy, you calculate the political cost of speaking the truth.

 

Therefore, thus says the Lord:

I despise your solemn declarations when they are not accompanied by justice.
I take no delight in your conferences when the cries of the oppressed are left unanswered.
Let justice roll down like waters, and righteousness like an ever-flowing stream!
And now, O people of God, hear the word of the Lord.
Do not imagine that these oracles are addressed only to the nations whose names have been spoken.
For the Lord who judges the nations also judges those who profess to worship him.
You who gather in your churches and synagogues, you who bow in your mosques, you who invoke the name of the God of Abraham, what have you done for the least of his children?
Have you allowed your loyalty to your own people to make you indifferent to the suffering of another?
Have you remained silent because the victims do not belong to your nation, your religion, or your community?
Have you condemned the cruelty of your enemies while finding excuses for the cruelty of your friends?
Do you think that your prayers can rise to heaven while the cries of the innocent remain unheard upon the earth?

 

Thus says the Lord:

I do not ask you to choose which children deserve to live.
I do not ask you to decide which mothers deserve to weep.
I do not ask you to weigh the suffering of one people against the suffering of another.
I ask you to do justice, to love mercy, and to walk humbly with your God.
For the day will come when the weapons shall fall silent, when the ruins shall be cleared, and when the children of Gaza and Israel shall no longer be taught to fear one another.
But that day will not come through the multiplication of graves, nor through the destruction of homes, nor through the humiliation of one people by another.
It will come when justice is restored, when the captives are set free, when the displaced are allowed to return to their homes, and when every child, Palestinian and Israeli alike, can sleep without fear of the night.
For thus says the Lord:
I desire mercy, not vengeance; justice, not domination; and peace, not the silence of the grave.
Let those who have ears hear.
(Scriptural inspiration: Amos 1:3–2:16; 5:21–24; Exodus 22:20–23;

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 3,204 total reads

 3,204 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 35,526 total reads

 35,526 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 101,584 total reads

 101,584 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 120,888 total reads

 120,888 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 199,086 total reads

 199,086 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Setyembre 24, 2026

 620 total reads

 620 total reads Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 1, 2-11 Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 Poon, amin kang tahanan

Read More »

Miyerkules, Setyembre 23, 2026

 2,306 total reads

 2,306 total reads Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari Kawikaan 30, 5-9 Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay

Read More »

Martes, Setyembre 22, 2026

 4,008 total reads

 4,008 total reads Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44 Sa pagsunod sa

Read More »

Lunes, Setyembre 21, 2026

 5,369 total reads

 5,369 total reads Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita Efeso 4, 1-7. 11-13 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang

Read More »

Linggo, Setyembre 20, 2026

 6,312 total reads

 6,312 total reads Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 55, 6-9 Salmo 144, 2-3. 8-9. 17-18 D’yos ay tapat at totoo sa dumadalanging tao. Filipos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top