Biyernes, Pebrero 27, 2026

SHARE THE TRUTH

 128 total views

Biyernes sa Unang Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Ezekiel 18, 21-28
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Mateo 5, 20-26

Friday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 18, 21-28

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang taong masama ay tumalikod sa kanyang kasamaan, sumunod sa aking mga tuntunin, at gumawa ng mabuti, siya ay mabubuhay. Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang kasalanan at mabubuhay siya dahil sa kabutihang ginawa niya sa bandang huli. Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan ng masama,” sabi pa ng Panginoon, “Ang ibig ko nga, siya’y magsisi at magbagong buhay. Ngunit kung ang isang taong matuwid ay magpakasama at gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawain, hindi siya mabubuhay. Mamamatay siya dahil sa kanyang pagtataksil at sa kasalanang nagawa. Mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang ginawa niya noong una.

“Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot. Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay. Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi mamamatay.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko’y Panginoon,
Panginoon, ako’y dinggin pagka ako’y tumataghoy,
dinggin mo ang pagtawag ko’t paghingi ng iyong tulong.

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan,
lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan.
Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot,
pinatawad mo nga kami upang sa ‘yo ay matakot.

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Sabik akong naghihintay sa tulong mo, Panginoon,
pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong.
Yaring aking pananabik, Panginoon ay higit pa,
sa serenong naghihintay ng pagsapit ng umaga.

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

Magtiwala ka, Israel, magtiwala sa iyong Diyos,
matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot,
lagi siyang nahahandang sa sinuman ay tumubos.
Ililigtas ang Israel, yaong kanyang mga hirang,
ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.

Hiling nami’y ‘yong limutin
tanang kasalanan namin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Ezekiel 18, 31

Sinabi ng Poong mahal:
“Kasamaan ay layuan,
kasalana’y pagsisihan;
kayo ay magbagong-buhay,
magbalik-loob na tunay.”

MABUTING BALITA
Mateo 5, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.”

“Narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang humamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid ‘ulol ka!’ ay mapapasaapoy ng impiyerno. Kaya’t kung naghahandog ka sa Diyos, at maalaala mo na may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos.

“Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom. At kung hindi’y ibibigay ka niya sa hukom, na magbibigay naman sa iyo ng tanod, at ikaw ay mabibilanggo. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang kusing.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Labis ang pagkabigo at pagkamuhing namamagitan sa mga tao, labis na pagtatalu-talo at pag-aaway. Hilingin natin sa Diyos na pagkalooban tayo ng kapangyarihan na maging mga tagapaghilom at tagapagkasundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, biyayaan Mo kami ng kapayapaan.

Ang Simbahan nawa’y maging kasangkapan ng pagkakasundo, pagpapatawad, pagpapagaling, at pagkakaisa ng mga tao at bansang nakikipagdigmaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magpasimula ng mga proyektong magtataguyod ng katarungan, kapayapaan, at pagkakaisa sa mga tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang iwasan ang paghihiganti, karahasan, at pag-aaway na bunga ng hidwaan, ideolohiya, o pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y matutuong magpatawad mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon..

Ang mga may karamdaman sa isip at katawan nawa’y magtamo ng kagalingan ng espiritu sa pamamagitan ng pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, tulungan mo kaming makita ang bawat isa ayon sa iyong paningin upang tanggapin at itaguyod namin ang isa’t isa alang-alang sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen.

SINCE THE BEGINNING

 4,903 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Intimacy, idolatry

 5,208 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year II, 27 July 2026
Jeremiah 13:1-11     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 13:31-35
Photo by author, Mt. St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, June 2017.
How lovely and so practical,
O God,
is your portrayal to us today
of your intimacy with us
like a "linen loincloth":
the most simple and
ordinary part of our clothing
we take for granted
yet so important and crucial
because it is so close,
so intimate to our skin,
to our private parts;
an intimacy we take
for granted because
it is something hidden,
too personal.

But,
do we really care at all?

For, as close as the loincloth clings to a man’s loins, so had I made the whole house of Israel and the whole house of Judah cling to me, says the Lord; to be my people, my renown, my praise, my beauty. But they did not listen (Jeremiah 13:11).

Like that linen loincloth
you asked Jeremiah to hide
and retrieve later from a river,
ending up as "rotted, good for nothing",
we have betrayed you Lord, 
we have abandoned you
to follow our many idols
and false gods by keeping
you in name,
in rituals and rites
yet compromising your
laws and teachings
with the ways of the world;
we pretend to be close
and intimate with you,
Lord while choosing to be
fence-sitters in situations
demanding we make a stand
for you,
for what is true,
for what is good.
True intimacy with you,
O God is found 
in the most private
moments when we
choose you,
when we abide in you,
when we uphold your teachings
and live in your ways
of justice and love,
kindness and mercy
especially with those
closest to us;
may we realize, 
O Lord,
that to whom we are
most intimate
and closest in 
following and imitating
is found our Lord and God.
Or sadly,
our mammon too
for where our treasure is,
there our heart is.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 37,802 total views

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte sa búhay ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr, may pakiusap si Senator-Judge Robin Padilla: “Sana hindi one-sided ang ating prosecution.”

Nag-ugat ang apelang ito ng senador sa pagkuha daw ng prosekusyon ng mga testigong may kinakaharap na kaso at kuwestiyonableng kredibilidad. Nang araw na iyon, nakaupo sa witness stand si NBI Director Melvin Matibag, kasunod nina NBI Senior Agent Mark Calilung at NBI Regional Director Jeremy Lotoc na tumestigo noong mga nakalipas na linggo. Sabi ng senador, may mga nakabinbing perjury case ang mga taga-NBI; ang perjury ay isang krimen ng sadyang pagsasabi ng kasinungalingan habang nakasumpa (o under oath) sa harap ng opisyal na may awtoridad na tumanggap ng sinumpaang salaysay. Paliwanag naman ng prosekusyon, napatunayan nilang walang nakabinbing mga kaso laban sa mga testigong inimbitahan mula sa NBI. 

Nahirapan lang siguro si Senador Padilla na ipaliwanag ang kanyang punto, pero mabilis na naging usap-usapan ang kanyang pakiusap. Tandaan natin: mandato ng prosekusyon sa isang impeachment trial na patunayang guilty ang akusado. Natural na one-sided sila kasi sila ang tagausig sa taong inirereklamo. Nakatuon sila sa paglalatag ng mga ebidensya, kabilang ang testimonya ng iimbitahan nilang mga testigo. Trabaho naman ng defense na ipagtanggol ang kanilang kliyente, bantayan na napoprotektahan ang karapatan niya, at magpakita ng tinatawag na reasonable doubt. Sabi nga ng House lead prosecutor na si Batangas Representative Gerville Luistro, ang impeachment trial ay “adversarial” o likás na magkakabangga ang magkabilang panig. 

Sino ang dapat hindi one-sided

Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat na nasa gitna. Bilang miyembro ng impeachment court, nanumpa silang maging patas at walang kikilingan. Ang kanilang magiging desisyon ay dapat alinsunod sa Konstitusyon at sa mga batas ng bansa, hindi sa kanilang katapatan sa isang tao o pamilya. Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat hindi one-sided.

Sa itinatakbo ng impeachment trial, marami ang nakapapansing hindi maitago ng ilang senator-judges ang kanilang pagiging biased o pagiging may kinikilingan. Sa halip na busisiin ang mga ebidensyang inihaharap sa kanila at himayin ang mga testimonyang naririnig nila, nagmimistula silang parte ng defense team ni VP Sara. Hinaharang nila ang paglalabas ng desisyong ipa-subpoena ng impeachment court ang financial at tax records ng bise presidente. Inililihis nila ang usapan palayo kay VP Sara tungo kay PBBM. May mga pagkakataon pang pinupuri nila ang defense team. Sa mga ganitong nakikita ng publiko, hindi maiwasang magduda ng ilan kung may saysay pa ba ang impeachment trial. Alam naman na raw natin kung sino ang boboto para ipawalang-sala si VP Sara.

Malayo man sa sikmura, ‘ika nga, ng mga ordinaryong Pilipino ang nagaganap na impeachment trial, may pangmatagalang epekto ito sa ating buhay. Dito nasusubok kung matatag ba ang ating mga sistema para panagutin ang mga lider nating gumagawa ng mali at umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Kung walang impeachment, magpapatuloy ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at malayang makapagbabanta sa buhay ng mga tao ang mga nasa posisyon. Ang mga ito dapat ang laging isinasaisip at isinasapuso ng ating mga senator-judges, hindi ang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga padron sa pulitika o ang pagkapit sa mga maimpluwensyang magpapanalo sa kanila sa eleksyon.

Mga Kapanalig, akmang paalala sa ating mga senador na tumatayong hukom ngayon ang mga salitang ito sa Mga Kawikaan 24:23: “Hindi dapat magtangì sa pagpapairal ng katarungan.” Nakasalalay sa Senado kung paiiralin nila ang katarungan o kung titiklop lang ito sa mga pulitikal na interes at magiging one-sided.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 37,803 total views

 37,803 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 153,785 total views

 153,785 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 182,078 total views

 182,078 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 228,009 total views

 228,009 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 259,377 total views

 259,377 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 30, 2026

 212 total views

 212 total views Huwebes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Crisologo, obispo at pantas ng Simbahan Jeremias 18, 1-6 Salmo

Read More »

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 2,014 total views

 2,014 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 3,838 total views

 3,838 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 5,332 total views

 5,332 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 6,211 total views

 6,211 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top