Sabado, Pebrero 28, 2026

SHARE THE TRUTH

 271 total reads

Sabado sa Unang Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Deuteronomio 26, 16-19
Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Mateo 5, 43-48

Saturday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 26, 16-19

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon ay ibinigay nga sa inyo ng Panginoon ang mga tuntuning ito; sundin ninyo ito nang buong puso’t kaluluwa. Ipinahayag ninyo ngayon na ang Panginoon ang inyong Diyos, lalakad kayo ayon sa kanyang daan, susundin ang kanyang mga tuntunin at didinggin ang kanyang tinig. Ipinahayag naman niya sa inyo na kayo ay kanyang bayan, tulad ng kanyang pangako, at dapat ninyong sundin ang kanyang mga tuntunin. Palalakihin niya kayo higit sa ibang bansa upang maging kapurihan niya, karangalan at kadakilaan. At tulad ng sabi niya, kayo ay isang bansa na nakatalaga sa kanya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,
ayon sa utos ng Poon ang gawain araw-araw.
Mapalad ang sumusunod sa kaniyang kautusan,
buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Ibinigay mo sa amin iyang iyong mga utos,
upang aming talimahin at sundin nang buong lugod.
Gayun ako umaasa, umaasang magiging tapat,
susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok,
buong pusong magpupuri, pupurihin kitang lubos.
Ang lahat ng iyong utos ay sisikapin kong sundin,
huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong lilisanin.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA:
2 Corinto 6, 2b

Ngayo’y panahong marapat,
panahon ng pagliligtas,
araw ngayon ng pagtawag
upang makamit ang habag
ng Panginoong matapat.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 43-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Sabado

Taglay ang pagtitiwala, lumapit tayo sa mapagpatawad na Ama na ang habag sa atin ay walang hangganan at walang katapusan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mo kaming ganap sa Iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y maging buhay na halimbawa ng pagpapatawad at habag na ipinakita ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang kaawaan ang mga taong nakasakit, nakapinsala o nagdulot ng mga paghihirap sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ng biyaya ng Diyos, nawa’y mapatawad natin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit, matatanda, at mga pinabayaan nawa’y ating maipadama ang ating pagmamahal at habag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y biyayaan at gantimpalaan ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihan at mahabaging Ama, pinasasalamatan ka namin sa pagpapatawad na inihandog mo sa pamamagitan ng iyong Anak. Tulungan mo kaming ipahayag sa iba ang iyong pagpapatawad. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

NO REGRETS

 36 total reads

Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44

NO REGRETS

As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept over it, saying, “If this day you only knew what makes for peace– but now it is hidden from your eyes. For the days are coming upon you when your enemies will raise a palisade against you; they will encircle you and hem you in on all sides. They will smash you to the ground and your children within you, and they will not leave one stone upon another within you because you did not recognize the time of your visitation.”

————

Due to the Jewish insurgency against the Romans, which started in 66 CE, Jerusalem was besieged by Roman soldiers under the command of Titus in 70 CE. The Second Temple was destroyed, and large numbers of residents died from combat, disease, and starvation. Many survivors were enslaved or executed, while the treasures of the Temple were paraded in Rome.

Biblical scholars believe that this was the event Jesus was referring to. He wept because he knew the suffering and death it would bring to his countrymen. He did not think that the Jews deserved such a fate, even though he himself would also experience suffering and death at their hands. He simply regretted that they had not listened to him and understood the importance of spiritual life above governments and politics.

When we listen and follow God’s Word, there will be NO REGRETS.

Lord Jesus, may godly matters always be the priority in our lives. Amen.

MULTIPLY

 1,044 total reads

Gospel Reading for November 18, 2026 – Luke 19: 11-28

MULTIPLY

While people were listening to Jesus speak, he proceeded to tell a parable because he was near Jerusalem and they thought that the Kingdom of God would appear there immediately. So he said, “A nobleman went off to a distant country to obtain the kingship for himself and then to return. He called ten of his servants and gave them ten gold coins and told them, ‘Engage in trade with these until I return.’ His fellow citizens, however, despised him and sent a delegation after him to announce, ‘We do not want this man to be our king.’ But when he returned after obtaining the kingship, he had the servants called, to whom he had given the money, to learn what they had gained by trading. The first came forward and said, ‘Sir, your gold coin has earned ten additional ones.’ He replied, ‘Well done, good servant! You have been faithful in this very small matter; take charge of ten cities.’ Then the second came and reported, ‘Your gold coin, sir, has earned five more.’ And to this servant too he said, ‘You, take charge of five cities.’ Then the other servant came and said, ‘Sir, here is your gold coin; I kept it stored away in a handkerchief, for I was afraid of you, because you are a demanding man; you take up what you did not lay down and you harvest what you did not plant.’ He said to him, ‘With your own words I shall condemn you, you wicked servant. You knew I was a demanding man, taking up what I did not lay down and harvesting what I did not plant; why did you not put my money in a bank? Then on my return I would have collected it with interest.’ And to those standing by he said, ‘Take the gold coin from him and give it to the servant who has ten.’ But they said to him, ‘Sir, he has ten gold coins.’ He replied, ‘I tell you, to everyone who has, more will be given, but from the one who has not, even what he has will be taken away. Now as for those enemies of mine who did not want me as their king, bring them here and slay them before me.’”

After he had said this, he proceeded on his journey up to Jerusalem.

————

The people thought that he would already establish the Kingdom of God in Jerusalem. So, Jesus told them this parable, likening himself to a man who left for a distant country to obtain kingship. However, before leaving, he entrusted gold coins to his servants so they could engage in trade until his return. Upon becoming king, he asked his servants to account for the coins he had given them. The first two servants dutifully used the coins, earning a hundred percent more, but the third servant simply kept his one and only coin because he was afraid of his master, whom he thought was demanding and who harvested what he did not plant.

When Christ, the King of the Universe, comes back to sit in judgment on how we have used the gifts God has given us, it will not be the number of gifts or talents we were given that matters, but how we used them to MULTIPLY God’s goodness in the world through these gifts and talents. Did we use them to feed the hungry or those who have hardly anything to eat; to give drink to the thirsty, including those thirsty for spiritual life; to welcome strangers or those rejected by others; to clothe the naked or help those who could not afford the basic necessities of life; to care for the sick, especially those who have no one to visit them; and to visit those in prison, including those locked up within themselves?

What is most important is not how much we have, but how we use what we have during our lifetime. God looks at the results.

Lord Jesus, teach us to use our gifts for the building of your Kingdom here on earth!

Special treatment?

 95,074 total reads

Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal na gumimbal sa ating lahat noong isang taon. 

Noong Setyembre lang siya idinetine matapos sampahan ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman. Lampas pitong bilyong piso ang halaga ng kickback na natanggap niya umano mula sa mga maanomalyang flood control at infrastructure projects. Hindi siya maaaring magpiyansa kaya kailangan siyang ilagay sa bilangguan habang dinidinig ang kanyang kaso.

Pero hindi katulad ng mga ordinaryong mamamayan na may kinahaharap na kaso, nagkaroon muna siya ng pagkakataong manatili sa ospital kung saan inihain ang kanyang warrant of arrest. May medical condition daw siya noon na kailangang tutukan ng mga doktor. Sa pamamagitan ng kanyang mga abogado—bagay na wala rin ang mga ordinaryong tao na kinakasuhan—nagawa niyang manatili sa ospital sa loob ng isang linggo. Iniutos ng Sandiganbayan na ilipat siya sa New Quezon City Jail at sumailalim sa medical evaluation sa UP-PGH; idineklara siyang “clinically stable” at kayang manatili sa regular na bilangguan.

Kamakailan, natuklasang may personal assistant ang dating House Speaker. Pinayagan daw ito for humanitarian reasons, partikular ang pangangailangang tutukan ang kanyang “unstable mental condition.” Kulang daw kasi ang mga tauhan ng pasilidad para tutukan ang mga nasa kanilang pangangalaga. Lumabas din sa inspeksyon ng Sandiganbayan na walang CCTV cameras na malapit sa selda ni Congressman Romualdez. Kumalat din ang mga balitang sinasadyang patayin ang kuryente para hindi mahagip ng mga CCTV cameras ang paglabas ni Congressman Romualdez gamit ang ambulansya ng piitan.

Kung bibisita kayo, mga Kapanalig, sa ating mga bilangguan, makikita ninyo kung gaano kalayo ang kalagayan ni Congressman Romualdez at iba pang tinatawag na high-profile inmates sa mga ordinaryong persons deprived of liberty (o PDL). 

Nagsisiksikan ang mga ordinaryong PDLs sa isang dormitoryo na dapat ay para lamang sa 10 hanggang 20 na inmates, pero umaapaw ang mga ito dahil sa kakulangan ng espasyo. 

Wala silang choice kundi ang umasa sa kung anong meron sa kanilang clinic o sa kapwa nila bilanggo para sa pangangalagang medikal. Dahil hindi ganoon kadali ang access sa ambulansya at ospital, marami sa mga maysakit ang lumalala ang kanilang kondisyon sa loob ng kulungan. Iba pa ang kalusugang pangkaisipan o mental health na talaga namang napapabayaan na.  

Hindi sila pinapayagang magkaroon ng personal assistants o dalawin sa mas mahabang panahon. Tila dumadaan sa butas ng karayom ang mga mahal sa buhay na gusto silang bisitahin. Wala rin silang mga legal team na magtitiyak na napangangalagaan ang kanilang mga karapatan at nasusubaybayan ang kanilang kaso.

Bago pa man mapunta sa bilangguan, ang mga ordinaryong PDL ay hinuhuli agad at inilalagay sa mga piitan kahit pa maliit ang krimen na kanilang ginawa o kahit pa may sakit. Walang hospital arrest.

May mga karapatang pantao ang lahat ng mga PDL. Ito ang dahilan kung bakit nararapat pa rin silang tratuhin nang maayos kahit pa humaharap sa proseso ng pagpapanagot sa batas. Pero kung naibibigay sa isang high-profile inmate ang isang maayos na kondisyon sa kulungan, bakit hindi ito magawa sa lahat ng mga bilanggo? Pinahahalagahan sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang katarungan, at hinihingi ng katarungan na ang batas ay dapat ipinatutupad ng pantay sa lahat—walang pinapaboran, walang kinikilingan, walang isinasaalang-alang na yaman, kapangyarihan, at katayuan sa buhay. Ang special treatment sa mga bilangguan, gaya ng pahiwatig sa Deuteronomio 16:19, ay “[pagpilipit sa] katarungan.”

Mga Kapanalig, dahil sa kanilang dignidad, walang bilanggo ang dapat magdusa sa kalunos-lunos na kalagayan sa mga kulungan—dating speaker ka man o ordinaryong bilanggo.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 95,075 total reads

 95,075 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 180,463 total reads

 180,463 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 244,302 total reads

 244,302 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 324,679 total reads

 324,679 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 403,305 total reads

 403,305 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 30,201 total reads

 30,201 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 32,723 total reads

 32,723 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 34,808 total reads

 34,808 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 33,325 total reads

 33,325 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 34,426 total reads

 34,426 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top