Miyerkules, Abril 15, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,826 total views

Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 5, 17-26
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Juan 3, 16-21

Wednesday of the Second Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 5, 17-26

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, inggit na inggit ang pinakapunong saserdote at ang mga kasamahan niya na kaanib na sekta ng mga Saduseo, kaya’t kumilos sila. Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. Ngunit kinagabiha’y binuksan ng anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila, “Pumaroon kayo sa templo at mangaral tungkol sa bagong pamumuhay na ito.”

Sumunod naman ang mga apostol, kaya’t nang magbubukang-liwayway, pumasok sila sa templo at nagturo.

Nang dumating ang pinakapunong saserdote at ang mga kasama niya, tinawag nila ang lahat ng matatanda ng Israel sa pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol. Ngunit pagdating doon ng mga bantay, wala na ang mga iyon. Kaya’t nagbalik sila sa Sanedrin at ganito ang ulat: “Nakita po namin na nakasusing mabuti ang bilangguan at nakatayo ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!” Nabahala ang mga punong saserdote at ang kapitan ng mga bantay sa templo nang marinig ito, at di nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol. Ngunit may dumating at nagbalita sa kanila, “Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa templo’t nagtuturo sa mga tao.” Kaya’t ang kapitan ay pumunta sa templo, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi gumagamit ng dahas dahil sa pangambang sila’y batuhin ng mga tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

o kaya: Aleluya!

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Ang galing ng Poon hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’y naligtas
ay maituturing na taong mapalad.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

ALELUYA
Juan 3, 16

Aleluya! Aleluya!
Kaylaki ng pagmamahal
ng Diyos sa sanlibutan
kaya’t Anak n’ya’y ‘binigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 16-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayun, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa’y pagsunod sa Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Taglay ang pagtitiwala, ilapit natin ang ating mga alalahanin sa Diyos Ama na labis na nagmahal sa mundo kaya’t ibinigay ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang mga naniwala sa kanya, bagkus ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa ngalan ni Jesus, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y laging maging buhay na tanda ng pag-ibig at habag ng Diyos sa mga panahon ng kadiliman at kawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pamumuhay, nawa’y maipadama natin sa kapwa ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga ginagawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pag-ibig ng Diyos nawa’y maghatid ng kapayapaan sa ating mga puso at pagkakasundo ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makaunawa na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga at pagkalinga ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahal natin sa buhay na namayapa nawa’y makabahagi sa kaluwalhatian ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tunghayan mo nang may pag-ibig ang iyong mga anak at patnubayan mo kami sa aming paglalakbay patungo sa kaligtasan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 113,692 total views

 113,692 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 141,984 total views

 141,984 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 187,915 total views

 187,915 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 220,997 total views

 220,997 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 242,430 total views

 242,430 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 331 total views

 331 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 2,155 total views

 2,155 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 3,713 total views

 3,713 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 5,070 total views

 5,070 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 6,159 total views

 6,159 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top