Huwebes, Hunyo 18, 2026

SHARE THE TRUTH

 8,109 total reads

Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Sirak 48, 1-15
Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Mateo 6, 7-15

Thursday of the Eleventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 48, 1-15

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Sumunod na lumitaw si Elias na parang apoy,
parang sulong nagliliyab ang kanyang mga salita.
Dahil sa alab ng kanyang galit sa kanilang kasamaan,
pinadalhan niya sila ng taggutom, at marami sa kanila ang nangamatay.
Sa ngalan ng Diyos, pinigil niya ang ulan,
at tatlong ulit siyang nagpaulan ng apoy.
Kagila-gilalas ang iyong mga kababalaghan, Elias!
Sino ang makatutulad sa mga ginawa mo?
Binuhay mong muli ang isang patay;
inagaw mo siya sa kamatayan sa ngalan ng Kataas-taasan.
Ibinagsak mo ang mga hari at pinukaw sa pagtulog ang mga maharlika,
at pinapunta mo sila sa kanilang kamatayan.
Ikaw ang nakarinig ng mga babala ng Diyos doon sa Sinai
at ng mga parusang inihayag niya sa bundok ng Horeb.
Ikaw din ang nagtalaga sa mga haring pinili para maghiganti,
at sa propetang hahalili sa iyo.
Sa wakas, iniakyat ka sa langit ng isang ipu-ipo,
lulan ng isang karwaheng hila ng mga kabayong nag-aapoy.
Nasusulat na ikaw ay babalik sa takdang panahon,
upang paglubagin ang galit ng Diyos bago sumapit ang takdang araw;
para pagsunduin ang mga magulang at mga anak,
at muling tipunin ang mga lipi ng Israel.
Mapapalad ang mga makakakita sa iyo
at yaong mga namatay na umiibig sa Diyos,
sapagkat kami rin ay mabubuhay.
Nang si Elias ay madala ng ipu-ipo,
ang diwa niya’y minana ni Eliseo.
Hindi siya natakot kailanman sa sinumang hari,
at walang sinumang nakapagpasuko sa kanya.
Walang gawaing hindi niya makayang gawin,
at nang mamatay, pati bangkay niya’y nagpakita ng himala.
Nang nabubuhay, gumawa siya ng maraming himala;
ngunit nang mamatay, kapangyarihan niya’y kahanga-hanga.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Ang paligid niya’y ulap na lipos ng kadiliman,
kaharian niya’y tapat at salig sa katarungan.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Sa unahan niya’y apoy, patuloy na nag-aalab,
sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.
Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig,
kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Yaong mga kabunduka’y natutunaw, parang pagkit,
sa harapan ng dakilang Panginoon ng daigdig.
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Lahat silang sumasamba sa kanilang diyus-diyusan,
mahihiya sa kanilang paghahambog na mainam.
Mga diyos nilang ito ay yuyuko sa Maykapal.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

ALELUYA
Roma 8, 15bk

Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng D’yos Anak
ay siyang ating tinanggap
nang D’yos Ama ay matawag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 6, 7-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng napakaraming salita gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng iyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya.

Ganito kayo mananalangin:
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama!
Sapagkat iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.’

Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi kayo patatawarin ng inyong Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Itinuro ni Jesus na maaari nating tawagin ang Diyos na ating Ama. May matatag na pag-asa nating dalhin sa kanya ang ating mga hinaing.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Abba Ama, dinggin Mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y laging ipahayag sa buong sanlibutan ang malalim na pananalig sa pagdating ng paghahari ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa gitna ng mga kahirapan sa buhay nawa’y huwag nating isuko ang pagdarasal at huwag tayong magpadaig sa mga tukso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na pagkain sa ating pang-araw-araw na pangangailangan at kadakilaan ng puso na patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nag-aaruga sa kanila, nawa’y maranasan ang Diyos sa kanilang araw-araw na pagsasakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita nang harapan ang Diyos sa kanyang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa iyong pakikinig sa aming hinaing. Tulungan mo kaming laging manalig sa iyong mapagmahal na pamamaraan at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Ilawan ang katotohanan

 72,013 total reads

Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte. Sa unang session, binalikan ang kuwento ni Raymart Siapo, 19 na taóng gulang mula sa Navotas. Pinatay si Raymart noong 2017 dahil sa pagbebenta umano ng marijuana. 

Binuo ang komisyon noong Mayo para bigyang-espasyo ang paggunita sa buhay ng mga biktimang kagaya ni Raymart. Layunin ng komisyong kilalanin ang kanilang dignidad bilang tao at tulungan ang kanilang mga pamilya na maghilom. Mahalaga ang hangarin ng komisyon “dahil ang katotohanan ay hindi lang para sa kasaysayan, kundi [para din] sa dignidad ng tao at pananagutan ng mga institusyon.”

Adviser ng komisyon si Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David ng Diyosesis ng Kalookan. Panawagan niya sa komisyon: “Bigyan ng boses, ng tinig, ang mga nawalan. Gunitain natin ang kanilang buhay. Ilawan natin ang katotohanan.” Ang chairperson naman na si dating International Criminal Court (o ICC) Judge Raul Pangalangan ay nagsabing itatalâ ng Truth Commission ang mga kuwento ng mga biktima ng war on drugs para maging bahagi sila ng kasaysayan. Ang mga miyembro ng komisyon ay sina Carlos Conde, mamamahayag at senior researcher ng Human Rights Asia; Dr Raquel Fortun, isang forensic pathologist; Al Furtes, eksperto sa usaping pangkapayapaan; at Fr Danny Pilario, pangulo ng Adamson University. Ibibigay ng komisyon ang final report nito sa publiko, sa pamahalaan, at sa mga local at international NGOs.

Para kay Atty Salvador Panelo, legal counsel ni dating Pangulong Duterte, hindi kailangan ng ganitong komisyon. Propoganda lamang daw ito, bagay na pinabulaanan ni Chairperson Pangalangan. Aniya, hindi maling ilabas ang katotohanan. Kung malungkot ang ilalabas na katotohanan, iyon pa rin ang katotohanan. 

Kasalukuyang nakapiit si dating Pangulong Duterte sa ICC sa The Hague. Humaharap siya sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs, na sa tala ng kapulisan ay bumawi sa buhay ng 6,000 na katao. Malayo ito sa 30,000 kasong na-monitor ng mga civil society organizations, kabilang ang Simbahan. Sa ICC, maaari lamang suriin ang mga kaso noong miyembro pa ang Pilipinas ng Rome Statute o mula taóng 2000 hanggang 2019. Matatandaang kumalas ang bansa sa Rome Statute, ang kasunduang nagtatag sa ICC, sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa Truth Commission, pakikinggan ang kuwento ng lahat ng biktima ng war on drugs, kasama ang mga hindi diringgin sa ICC. 

Sinasabi sa Juan 3:21, “ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa liwanag.” Hinahamon tayo ng mga panlipunang turo ng Simbahan na pumanig sa katotohanan. Hindi ito optional sa ating mga Kristiyano. Tungkulin nating laging hanapin ang katotohanan at ang panindigan ito. 

Sa isa niyang libro, sinabi ng yumaong Pope Benedict XVI na “the truth comes to rule, not violence, but rather through its power.” May kapangyarihan ang katotohanan na hindi magagapi ng karahasan. Sa mabuting balita ayon kay San Juan, maaalala nating sinabi ni Hesus kay Pilato sa harap ng nagbabadyang karahasan sa kanyang pagpapakasakit, “Ako ang Katotohanan.” Si Hesus, ang katotohanan, ay humarap sa karahasan nang may buong paninidigan at ganap na pag-ibig para sa atin. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay patunay na laging mananaig ang katotohanan.

Mga Kapanalig, sa gitna ng truth-telling sessions ng Truth Commission, sundan natin ang yapák ni Hesus at dalhin ang katotohanan. Nawa’y mapakinggan natin at maibahagi ang kuwento ng mga biktima ng war on drugs. Sa pakikinig at pagsisiwalat sa katotohanan, nagiging kabahagi tayo sa pagbibigay ng liwanag sa madilim na yugto ng ating kasaysayan, kung saan libu-libo ang pinatay at naulila. Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa liwanag at ilawan ang katotohanan. 

Sumainyo ang katotohanan.  

Dagat ng basura

 132,510 total reads

Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa krisis ng basura.

Noong nakaraang linggo, tone-toneladang basura ang bumará sa Redemptorist Water Channel sa Parañaque City matapos ang sunud-sunod na araw ng pag-ulan dala ng habagat. Umabot ng higit sa 200 trak ng basura ang nahakot mula sa naturang daluyan ng tubig malapit sa simbahan ng Baclaran. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Parañaque, inagos ang basura mula sa mga nakapalibot na lugar sa Manila Bay. Sa ginawang clearing operations, buwis-buhay na lumusong sa dagat ng basura ang mga kawani ng LGU, Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), at Department of Public Works and Highways (o DPWH) para hakutin ang basura gamit ang backhoe.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na kailangan na raw ng “drastic solutions” sa problema sa basura. Binanggit niyang halimbawa ang waste-to-energy technologies na ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa kanyang SONA. Suportado rin ng kalihim pati ni MMDA General Manager Nicolas Torre ang mga panukalang magpataw ng mabigat na multa para sa maling pagtatapon ng basura. Pero para kay PBBM, hindi raw mabisang pagmultahin ang maling pagtatapon ng basura kung walang maayos na basurahan. Anong say ninyo, mga Kapanalig?

Lahat ng mga ibinibidang solusyon ng administrasyon ay nakatuon lang sa maayos na waste management system. Sang-ayon tayong mahalaga ito. Pero paano masosolusyunan ang krisis sa basura kung hindi natin puputulin ang ugat ng sobra-sobrang paglikha ng basura? Kumbaga, nagbibigay lang tayo ng bandaid solution kung saan nireremedyohan lang natin ang mga sintomas ng sakit pero hindi naman natin ginagamot ang pinagmumulan nito.

Ayon sa grupong Oceana, habang nakatuon ang administrasyon sa waste-to-energy at pagsisi sa publiko sa pagkakalát, hindi nabibigyang-pansin ang ugat ng krisis—ang plastic pollution at walang habas na paggamit ng single-use plastics na sinusuplay ng mga dambuhalang korporasyon. Dagdag ng grupo, mayroon na tayong Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na nagsasabing dapat bawasan ang paglikha ng basura sa pinagmumulan nito at ipagbawal ang mga produktong nakapipinsala sa kapaligiran. Gaya ng maraming batas, hindi ito buong ipinatutupad ng gobyerno.

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, sinusuportahan ng Simbahan ang circular o paikot na modelo ng produksyon kung saan nililimitahan ang pagkuha ng mga nauubos na likas-yaman para mapakinabangan ito ng mga susunod na henerasyon. Sa nakasanayang linear o tuwid na sistema natin, kukunin ang likas-yaman, gagawing produkto, panandaliang gagamitin, at itatapon na. Sa circular na sistema, binibigyang-diin ang pag-reduce, reuse, repair, at recycle ng mga produkto. Idinidisenyo ang mga produkto para magamit nang matagal, madaling ayusin kapag nasira, at maaaring i-recycle para mabawasan ang pagkonsumo at paglikha ng basura.

Ilang trahedya sa basura na ang naibalita ngayong taon, kaya alam na dapat natin ito: hindi sapat ang disiplina ng publiko at maayos na waste management system. Nakaugat ang krisis na ito sa modelo ng ekonomiyang kumikita sa paglikha ng basura. Malalim, malawak, at nakabaón sa kultura at mga istruktura ng lipunan ang problemang ito. Pero maaari tayong magsimula sa pagpapatupad ng mga solusyon sa ating tahanan at komunidad, gaya ng pagsusulong at pagsasabuhay ng “sapat lifestyle”. Kasabay nito, ipanawagan natin sa gobyerno ang pagpapatupad ng mga patakarang tinutugunan ang labis na paglikha ng basura. Panagutin din dapat ang mga korporasyong patuloy na yumayaman habang ipinapasa sa publiko ang gastos at epekto ng polusyon.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang wika sa Genesis 2:15: inilagay tayong mga tao sa halamanan ng Eden para pagyamanin at pangalagaan ito, hindi para gawin itong dagat ng basura.

Sumainyo ang katotohanan.

What do I still lack?

 16,742 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twentieth Week in Ordinary Time, Year II, 17 August 2026
Ezekiel 24:15-23     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Matthew 19:16-22
Photo by author, Malagos Garden Resort, Davao City, August 2018.
Your words today,
O Lord are so touching
that reaches deep down my
inmost being;
both readings speak
about losing: Ezekiel's wife
died while the young man
in the gospel asked
"what do I still lack?"
Both readings are 
so timely for us these days
when we have so much of 
every thing except of you,
O Lord; we rarely ask
"what do I still lack" in its
truest sense - of learning to let
go of what we have in order to have
the most essential.

Often, 
we think of having what
we still lack in order to have
more of every thing;
but you teach us today,
Jesus, what we really lack
is you through others;
what we really lack are
the poor and the sick,
those who have less in life;
what we really lack still
is life eternal,
of having you O Lord
as basis and foundation
of our relationships.
In this time when rains
continue to pour 
for the third straight week,
the more we are concerned 
of what material things we still
lack and forget about the warmth
and smiles of others so disadvantaged
due to floods and lack of work;
teach us, Jesus,
to be like Ezekiel in the first
reading to see and realize
that the most painful loss
in this life is not losing a loved one
nor wealth and things
but in losing our souls to
sin and evil.
Amen.
Jesus and the rich young man.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 72,015 total reads

 72,015 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 132,512 total reads

 132,512 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 150,685 total reads

 150,685 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 231,337 total reads

 231,337 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 329,736 total reads

 329,736 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Agosto 23, 2026

 82 total reads

 82 total reads Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 22, 19-23 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk Pag-ibig mo’y di kukupas, gawain mo’y magaganap.

Read More »

Sabado, Agosto 22, 2026

 1,621 total reads

 1,621 total reads Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria Isaias 9, 1-6 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon

Read More »

Biyernes, Agosto 21, 2026

 3,107 total reads

 3,107 total reads Paggunita kay San Pio X, papa Ezekiel 37, 1-14 Salmo 106, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Panginoo’y papurihan sa pag-ibig n’ya kailanman. Mateo 22,

Read More »

Huwebes, Agosto 20, 2026

 4,612 total reads

 4,612 total reads Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan Ezekiel 36, 23-28 Salmo 50, 12-13. 14-15. 18-19 Kayo’y aking wiwisikan upang sala’y mahugasan.

Read More »

Miyerkules, Agosto 19, 2026

 5,426 total reads

 5,426 total reads Paggunita kay San Ezekiel Moreno, obispo Ezekiel 34, 1-11 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top