Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martes, Hunyo 23, 2026

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36
Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11

Lungsod ng D’yos ay matatag
dahil sa bigay n’yang lakas.

Mateo 7, 6. 12-14

Tuesday of the Twelfth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, nagsugo si Haring Senaquerib ng Asiria kay Ezequias at ipinasabi ang ganito: “Huwag mo nang dayain ang iyong sarili na ang Jerusalem ay maliligtas ng pananalig mo sa iyong Diyos. Hindi lingid sa iyo kung paano nilupig ng mga hari ng Asiria ang ibang lupain. Hindi ka rin makaliligtas sa akin.”

Binasa ni Ezequias ang sulat na ibinigay sa kanya ng mga sugo ni Senaquerib. Pagkatapos, pumasok siya sa Templo, inilatag sa kanyang harapan ang sulat, at nanalangin ng ganito: “Panginoon, Diyos ng Israel na nakaluklok sa trono sa itaas ng kerubin. Kayo lamang ang Diyos ng lahat ng kaharian sa ibabaw ng lupa. Kayo ang lumikha ng langit at ng lupa. Dinggin ninyo ako, Panginoon. Narinig ninyo ang pag-alipusta ni Senaquerib. Totoo nga, Panginoon, na marami nang nalupig na bansa ang mga hari ng Asiria. Nagawa nilang sunugin ang mga diyos ng mga bansang yaon sapagkat hindi naman talagang Diyos ang mga iyon kundi mga kahoy at batong ginawang diyus-diyusan. Kaya nga, Panginoon, iligtas ninyo kami kay Senaquerib para malaman ng buong daigdig na kayo lamang ang tangi at iisang Diyos.”

Si Isaias ay nagpasugo kay Ezequias at ipinasabi ang ganito: “Ipinasasabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, na narinig niya ang panalangin mo. Ito naman ang kanyang sinabi tungkol kay Senaquerib:

“Itinatakwil ka, laging hinahamak
ng anak ng Sion, dalagang marilag.
Sa iyong likuran ay iiling-iling
anak na babae nitong Jerusalem.

May natirang magmumula sa Jerusalem, gayun din sa Sion. Ito’y mangyayari dahil sa pagmamalasakit ng Panginoon.”

Ito naman ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Asiria: “Hindi siya makapapasok sa lungsod na ito ni makatutudla kahit isang palaso. Hindi niya ito lulusubin ni papaligiran. Kung paano siya dumating, ganoon din siya aalis. Hindi niya masasakop ang lungsod na ito, pagkat ito’y ipagtatanggol ko alang-alang sa aking kapakanan at alang-alang kay David na aking lingkod.”

Nang gabing yaon, pinasok ng anghel ng Panginoon ang kampo ng mga taga-Asiria at napatay niya ang sandaa’t dalawampu’t limang libong kawal. Kaya nagmamadaling umuwi sa Ninive si Haring Senaquerib.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11

Lungsod ng D’yos ay matatag
dahil sa bigay n’yang lakas.

Dakila ang Poon, dapat papurihan,
sa lungsod ng Diyos, bundok niyang banal.
Ang Bundok ng Sion, tahanan ng Diyos
ay dakong mataas na nakalulugod.

Lungsod ng D’yos ay matatag
dahil sa bigay n’yang lakas.

Bundok sa hilaga na galak ang dulot,
sa lahat ng bansa nitong sansinukob.
Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,
sa loob ng muog ng banal na bayan.

Lungsod ng D’yos ay matatag
dahil sa bigay n’yang lakas.

Sa banal na lungsod ay aming namasid
ang kanyang ginawa na aming narinig;
Ang Panginoong D’yos, Makapangyarihan,
siyang mag-iingat sa lungsod na banal,
iingatan niya magpakailanman.

Lungsod ng D’yos ay matatag
dahil sa bigay n’yang lakas.

Sa loob ng iyong templo, O Diyos,
aming nagunita pag-ibig mong lubos.
Ika’y pinupuri ng lahat saanman,
sa buong daigdig ang dakila’y ikaw,
at kung mamahala ay makatarungan.

Lungsod ng D’yos ay matatag
dahil sa bigay n’yang lakas.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 7, 6. 12-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong ibigay sa aso ang bagay na banal, sapagkat kayo’y babalingan at lalapain nila pagkatapos. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon.

“Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta.

“Pumasok kayo sa makipot na pintuan; sapagkat maluwag ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at ito ang dinaraan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti lang ang nakasusumpong niyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ipinapangako sa atin ni Kristo na naghahatid sa buhay ang makipot na pintuan. Lumapit tayo sa Amang nasa Langit sa pamamagitan nang may pagtitiwala at pananalig na panalanging itinuro sa atin ng Panginoon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, buksan Mo sa amin ang pinto ng biyaya.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y gabayan ang kawang sumasampalataya sa pintuan na naghahatid sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad, nawa’y ituring natin ang bawat isa nang may paggalang, pang-unawa, at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng mahabaging pakikitungo sa ating kapwa nawa’y maisagawa natin ang kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nagdurusa sa iba’t ibang uri ng karamdaman nawa’y makatagpo ng lakas at kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y buhaying muli ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang nasa Langit, likhain mo sa amin ang tunay na puso upang aming igalang at mahalin ang aming kapwa tulad ng pagtatangi mo sa kanila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 20,745 total views

 20,745 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 37,353 total views

 37,353 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 47,253 total views

 47,253 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Andaming sumasawsaw

 124,693 total views

 124,693 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hunyo 22, 2026

 202 total views

 202 total views Lunes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Paulino ng Nola, obispo o kaya Paggunita kay San Juan Fisher, obispo,

Read More »

Linggo, Hunyo 21, 2026

 202 total views

 202 total views Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Jeremias 20, 10-13 Salmo 68, 8-10. 14 at 17. 33-35 Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw. Roma

Read More »

Sabado, Hunyo 20, 2026

 134 total views

 134 total views Sabado ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 2 Cronica 24, 17-25 Salmo 88,

Read More »

Biyernes, Hunyo 19, 2026

 134 total views

 134 total views Biyernes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Romualdo, abad 2 Hari 11, 1-4. 9-18. 20 Salmo 131, 11.

Read More »

Huwebes, Hunyo 18, 2026

 7,852 total views

 7,852 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Sirak 48, 1-15 Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7 Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top