Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Hunyo 28, 2026

SHARE THE TRUTH

 145 total views

Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

2 Hari 4, 8-11. 14-16a
Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Roma 6, 3-4. 8-11
Mateo 10, 37-42

Thirteenth Sunday in Ordinary Time (Green)
St. Peter’s Pence (Obolum Sancti Petri)

UNANG PAGBASA
2 Hari 4, 8-11. 14-16a

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari

Minsan, si Eliseo’y nagpunta sa Sunem. May isang mayamang babae roon at siya’y inanyayahang kumain sa kanila. Mula noon, doon siya kumakain tuwing pupunta sa lugar na yaon. Sinabi ng babae sa kanyang asawa, “Natitiyak kong lingkod ng Diyos ang taong ito. Bakit di natin siya ipagpagawa ng isang silid para matuluyan niya tuwing pupunta rito? Bigyan natin siya ng higaan, mesa, upuan at ilaw.”

Nang magbalik si Eliseo, doon siya nagpahinga sa silid na inihanda sa kanya. Pagkaalis ng babae, tinanong ni Eliseo si Giezi, “Ano kaya ang maitutulong natin sa kanya?” Sumagot si Giezi, “Wala po siyang anak at matanda na ang asawa.” “Tawagin mo uli,” utos ni Eliseo. Nagbalik ang babae at tumayo sa may pintuan. Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Isang taon mula ngayon ikaw ay magkakaanak.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw
ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin,
ang katapatan mo’y laging sasambitin.
Yaong pag-ibig mo’y walang katapusan,
sintatag ng langit ang ‘yong katapatan.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Mapalad ang taong sa ‘yo’y sumasamba,
sa pagsamba nila’y inaawitan ka
at sa pag-ibig mo’y namumuhay sila.
Sa buong maghapon, ika’y pinupuri,
ang katarungan mo’y siyang sinasabi.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Ang tagumpay namin ay iyong kaloob,
dahilan sa iyong kagandahang-loob.
Pagkat pinili mo yaong hari namin,
kaloob mo ito, Banal ng Israel.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 6, 3-4. 8-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan nang siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo’y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa kasalanan datapwa’t buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
1 Pedro 2, 9

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo, ang humirang
upang kami’y maging bayan
ng pari at haring banal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 37-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae na higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya’y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito’y alagad ko – tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Manalangin tayo na makasunod tayo kay Hesus, isuko ang ating mga takot at hangarin, at magtiwala sa Kanya. Buong kababaang-loob tayong manalangin: Panginoon, dinggin Mo kami.

Panginoon, dinggin mo kami.

Para sa Santo Papa, mga obispo, pari, at pinuno ng Simbahan: nawa’y sumunod sila kay Hesus nang may kababaang-loob at maging inspirasyon sa lahat. Manalangin tayo.

Para sa mga pinunong sibil: nawa’y maglingkod sila nang may integridad at malasakit, lalo na sa mahihina at nangangailangan. Manalangin tayo.

Para sa mga inaapi, kabataang sugatan, at mahihirap: nawa’y maranasan nila ang pag-ibig at pag-aaruga ng Diyos sa pamamagitan ng kapwa. Manalangin tayo.

Para sa ating lahat: nawa’y maging lakas ang ating paghihirap, katatagan ang takot, at pagtitiwala ang pag-aalinlangan habang sumusunod kay Hesus. Manalangin tayo.

Ama naming Diyos, tulungan Mo kaming ialay ang aming sarili kay Hesus at mamuhay sa Iyong pag-ibig tungo sa buhay na walang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 45,911 total views

 45,911 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 66,976 total views

 66,976 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 89,998 total views

 89,998 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 128,355 total views

 128,355 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hunyo 27, 2026

 1,479 total views

 1,479 total views Sabado ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Cirilo ng Alejandria, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita sa

Read More »

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 3,027 total views

 3,027 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 4,341 total views

 4,341 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 5,170 total views

 5,170 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 5,455 total views

 5,455 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top