Tantanan na ang mga puno!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 177,934 total views

Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno!

Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol ng mga puno sa Maynila matapos umalma ang marami sa ginagawang Southern Access Link Expressway (o SALEx), isang proyekto ng San Miguel Corporation (o SMC) kasama ang Department of Public Works and Highways. Sa proyektong ito, 600 na puno ang target na putulin o ilipat sa ibang lugar. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (o DENR), boluntaryo raw na itinigil ng SMC ang pag-aalis ng mga puno para mas pag-aralan ang proyekto. 

Pero lumitaw kamakailan ang video ng ‘diumano’y earth-balling o paghugot sa mga puno sa Roxas Boulevard. Gabi pa iyon isinasagawa. Para sa uploader ng video, hindi rin earth-balling ang ginagawa batay sa kondisyon ng mga punong tinatanggal. Hindi na raw mabubuhay ang mga punong sinasabing ire-relocate lamang. Makikita rin sa video ang kinatawan ng SMC, kontraktor ng proyekto, at isang taga-DENR. Tugon ng kagawaran, iimbestigahan daw nito ang insidente at pananagutin ang mapatutunayang lumabag sa batas.

Dumako naman tayo sa labas ng Maynila. 

Noong isang linggo, naglabas ng pahayag si Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa kaugnay ng pag-aalis ng higit 218,000 na puno sa probinsya ng Palawan. Naaalarma ang obispo sa mga special tree-cutting at earth-balling permits na inisyu ng pamahalaan para bigyang-daan ang ilang mining projects sa probinsya. Ilan sa mga apektadong bayan ang Aborlan, Brooke’s Point, at Bataraza, maging ang ilang bahagi ng Mount Bulanjao.

Para kay Bishop Mesiona, nakababahalang ang mga ahensiyang inaasahang poprotekta sa kalikasan ay mahigpit sa mga ordinaryong mamamayan pero maluwag sa malalaking korporasyon. Aniya, taon ang binibilang para lumaki ang mga puno pero sa isang saglit lang, kayang putulin ang mga ito. Binigyang-diin din ng obispo na sa pagkasira ng kalikasan, ang mahihirap ang unang-unang naaapektuhan dahil marami sa kanila ang may mga kabuhayang nakadepende sa kalaikasan. Hindi lamang daw pampaganda ang mga puno; marami ang nakasalalay dito katulad ng iniinom nating tubig, nilalanghap nating hangin, tirahan ng mga hayop, at iba pang suporta sa lahat ng may buhay. 

Nanawagan si Bishop Mesiona sa mga ahensya ng pamahalaan na muling suriin ang mga permits na ibinibigay sa mga negosyong magpuputol ng mga puno. Dapat din daw isapubliko ang mga dokumento at tingnan kung sumusunod ang ito sa mining moratorium ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan. Kailangan ding palakasin ang legal na proteksyon para sa mga puno at kagubatan. Bagamat kinikilala ng obispo na maaari pang magbago ang bilang ng mga punong aalisin, ang mas malaking isyu aniya ay kung responsableng napapamahalaan ang ating likas-yaman, hindi lamang para sa kasalukuyan kundi para sa mga susunod na henerasyon. 

Tandaan natin ang paalala sa Mga Awit 24:1: “Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanlibutan at silang nagsisitahan dito.” Tayo ay mga tagapangalaga ng daigdig at ng lahat ng narito. Ipinaaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan na ang sangnilikha ay dapat nating protektahan, itaguyod, at makatarungang pakinabangan. Walang puwang sa Kristiyanong pananampalataya ang pagiging ganid sa yamang kapalit ay ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos na maylikha. 

Malaki ang inaasahan natin sa mga ahensya ng pamahalaang pangunahan ang tungkulin nating pangalagaan ang kalikasan. Ipaalala natin sa kanila na ang kanilang katapatan ay hindi dapat sa malalaking korporasyon o makapangyarihang mga tao, kundi sa taumbayan at sa ating kapaligiran. 

Mga Kapanalig, kung nakapagsasalita lang ang mga puno, malamang humihiyaw sila: “Tantanan na ninyo na kami!” Nawa’y maging boses nila tayo sa gitna ng walang habas na pagpatay sa kanila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

 

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,736 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 20,083 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 42,906 total views

 42,906 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 115,575 total views

 115,575 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,857 total views

 146,857 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 178,873 total views

 178,873 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 328,968 total views

 328,968 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 42,908 total views

 42,908 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 115,577 total views

 115,577 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,859 total views

 146,859 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 178,875 total views

 178,875 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top