Biyernes, Hulyo 24, 2026

SHARE THE TRUTH

 2,833 total views

Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari

Jeremias 3, 14-17
Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ang Pastol na kumukupkop.

Mateo 13, 18-23

Friday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Sharbel Makhluf, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Jeremias 3, 14-17

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

“Magbalik kayo sa akin, kayong mga nagtaksil, pagkat ako ang inyong Panginoon,” wika ng Panginoon. “Kukuha ako sa inyo ng isa sa bawat bayan at dalawa sa bawat angkan at ibabalik ko kayo sa Bundok ng Sion. Bibigyan ko kayo ng mga pinunong tatalima sa akin, at pamamahalaan nila kayo nang buong katalinuhan at pagkaunawa. At kung dumami na kayo sa lupaing iyon, hindi na pag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa Kaban ng Tipan ng Panginoon. Hindi na nila ito kakailanganin ni iisipin o gugunitain. At hindi na rin sila gagawa ng ibang kaban. Pag sumapit na ang panahong iyon, ang Jerusalem ay tatawaging Luklukan ng Panginoon. Lahat ng bansa’y magkakatipon doon upang parangalan ako. Hindi na nila gagawin ang balang maibigan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ng Poon,
at ipahayag ninyo sa malalayong lupain:
“Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel,
ngunit sila’y muli kong titipunin at aalagaan,
gaya ng pagbabantay ng isang pastol sa kanyang mga tupa.”

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Sapagkat tinubos ng Poon si Jacob, at pinalaya sa kapangyarihan ng kaaway na lubhang makapangyarihan at malakas.
Aakyat silang nagsisigawan sa tuwa patungo sa Bundok ng Sion,
tigib ng kaligayahan dahil sa mga pagpapala ng Poon.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga
makikigalak pati mga binata’t matatanda;
ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa,
papalitan ko ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

ALELUYA
Lucas 8, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang Salitang mula sa D’yos
kapag isinasaloob
ay mamumunga nang lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 18-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Pakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kaya’t hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng naghasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salita’y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kaya’t hindi makapamunga. At inilalarawan ng naghasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Sila’y namumunga: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang makinig ang sangkatauhan sa kanyang makapangyarihang salita at magbunga ito sa ating buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palaguin mo ang iyong salita sa amin.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging bukas sa Salita ng Diyos at maipahayag ito sa pamamaraang mauunawaan ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y gawin ang kanilang tungkulin nang may katapatan at dangal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magsasaka at ang mga nagtatrabaho sa bukirin nawa’y basbasan ng mabuting panahon at mayamang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan at kapayapaan sa mga Salita ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mamayapa sa Kahariang inihanda para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, magsalita kayo sa amin at gawin mo kaming makinig sa iyo. Magbunga nawa ito ng buhay Kristiyano sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 41,452 total views

 41,452 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 74,534 total views

 74,534 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 102,885 total views

 102,885 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 170,617 total views

 170,617 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 190,854 total views

 190,854 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 25, 2026

 518 total views

 518 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 4,366 total views

 4,366 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 5,943 total views

 5,943 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 7,249 total views

 7,249 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 7,995 total views

 7,995 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top