Lunes, Hulyo 27, 2026

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Jeremias 13, 1-11
Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Mateo 13, 31-35

Monday of the Seventeenth Week in Ordinary Time (II) (Green)

UNANG PAGBASA
Jeremias 13, 1-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Ito ang sinabi sa akin ng Panginoon, “Bumili ka ng mga damit-panloob na lino at iyong isuot ngunit huwag mong babasain.” Kaya’t bumili nga ako ng damit-panloob, ayon sa sinabi ng Panginoon, at isinuot ko. Muling nangusap sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka sa Ilog Eufrates; hubarin mo ang damit-panloob, at iyong itago sa isang guwang sa bato.” Ginawa ko ang iniutos sa akin ng Panginoon at pagkatapos, ako’y umuwi.

Pagkaraan ng ilang araw, pinabalik niya ako sa Eufrates upang kunin ang mga damit-panloob na kanyang ipinatago. Nagbalik naman ako sa Eufrates at kinuha ko ang damit sa aking pinagtaguan. Ngunit sira na ito at di na pakikinabangan.

Muling nagsalita ang Panginoon, “Ganyan ang gagawin ko sa palalong Juda at Jerusalem. Sila’y hindi sumunod sa mga utos ko; lalo silang nagmatigas. Sumasamba pa sila at naglilingkod sa mga diyos-diyosan. Matutulad sila sa sirang damit-panloob na wala nang kabuluhan. Kung paanong kumakapit sa katawan ng tao ang damit-panloob, gayun ang hangad ko sa mga taga-Israel at taga-Juda – na sila’y mahigpit na kumapit sa akin. Ginawa ko ito upang sila’y maging karapat-dapat na bansang hinirang, at sa gayo’y papurihan nila’t parangalan ang aking pangalan. Ngunit ayaw naman nilang tumalima sa akin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Tinalikdan nila ang Diyos na lumikha sa kanila,
ang Diyos na sa kanila’y nagbigay-buhay.
Nasaksihan niya ang pagsamba nila sa diyos-diyosan
kaya’t kanyang itinakwil,
sila na itinuring niyang mga anak.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Sinabi niya, “Tatalikdan ko sila,
tingnan ko lang kung ano ang kanilang sapitin,
pagkat sila’y isang lahing masama, mga anak na suwail.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

“Pinapanibugho nila ako nang sambahin nila yaong hindi Diyos.
Ginalit nila ako dahil sa kanilang diyus-diyusan.
Kaya, paninibughuin ko rin sila at gagalitin,
sa pamamagitan ng bansang di kumikilala sa akin.”

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

ALELUYA
Santiago 1, 18

Aleluya! Aleluya!
Magulang nati’y D’yos Ama,
anak ng salita niya
tayong mga aning una.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 31-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isa na namang talinghaga ang inilahad ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong nagtanim ng isang butil ng mustasa sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa lahat ng binhi, ngunit kapag natanim na at lumago ay nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay. Ito’y nagiging punongkahoy, anupat napamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”

Nagsalaysay pa siya ng ibang talinghaga. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng lebadura na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, at umalsa ang buong masa.”

Sinabi ni Hesus sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinghaga at wala siyang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ng propeta:

“Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga,
ihahayag ko sa kanila ang mga bagay na nalihim mula nang likhain ang sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Tayo ay mga anak ng Diyos, subalit sa mapagpakumbabang-loob na panalangin, lumalapit tayo sa kanya bilang mga lingkod ng Kaharian na naglalayon lamang na gawin ang ating tungkulin. Hilingin natin sa kanya na palalimin pa ang ating pananampalataya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong Diyos, umunlad nawa kami sa iyong biyaya.

Ang mga Kristiyano at lahat ng nagpapahayag ng pananalig kay Kristo nawa’y umunlad sa pananampalataya at pag-ibig sa isa’t isa bilang tanda ng paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating personal na pananampalataya nawa’y umunlad at lubos nating kilalanin ang ating pagsandig sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nanlamig sa pananampalata at nawalan na ng pag-asa at puno ng pag-aagam nawa’y mabiyayaan ng bagong sigla upang panibaguhin ang kanilang pagtatalaga kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y patuloy na manalig sa Diyos sa gitna ng hindi magandang kalusugan at karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na naglingkod sa Panginoon sa kanyang Kaharian dito sa lupa nawa’y tanggapin sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, batid naming wala kaming magagawa kung aasa lamang kami sa aming sarili. Tulungan mo nawa kaming matibay na kumapit sa iyo sa pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong amingg Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 30,025 total views

 30,025 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 58,316 total views

 58,316 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 104,247 total views

 104,247 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 137,329 total views

 137,329 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 163,662 total views

 163,662 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 26, 2026

 1,698 total views

 1,698 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 3,373 total views

 3,373 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 5,621 total views

 5,621 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 6,684 total views

 6,684 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 7,682 total views

 7,682 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top