PBBM, hinamong maging tapat sa tunay na kalagayan ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,178 total reads

Nanawagan si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Interreligious Dialogue kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging tapat sa tunay na kalagayan ng bansa ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa halip na ituon lamang ang pag-uulat sa bayan sa mga nagawang proyekto ng administrasyon.

Sa kanyang pahayag na may titulong “The SONA Must Begin with the Truth,” iginiit ni Bishop Bagaforo na isa ring Convener ng InterReligious Leaders’ Council for National Transformation, na higit sa mga positibong salaysay ay nararapat marinig ng sambayanan ang mga kongkretong hakbang upang maibalik ang tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan at maisulong ang kabutihang panlahat.

Ayon sa Obispo, ang unang dapat bigyang-diin sa talumpati ng Pangulo ay ang matatag na pangako laban sa katiwalian, na aniya’y nananatiling isa sa pinakamalaking balakid sa tunay na pag-unlad ng bansa.

“Corruption remains one of the greatest obstacles to genuine development. It deprives communities of quality education, health care, social protection, disaster preparedness, and other essential services,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Iginiit din ng Obispo na dapat papanagutin ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na nagkasala sa taumbayan, anuman ang kanilang posisyon o kinabibilangang partido.
“Lahat ng kurakot ay dapat litisin at ikulong. Justice must be impartial and consistent, regardless of political affiliation, influence, or position.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Hinimok din ni Bishop Bagaforo ang pamahalaan na tugunan ang krisis sa kalikasan, paghihirap ng mga magsasaka, mangingisda at manggagawa, at isulong ang mga programang magbibigay ng disenteng kabuhayan at pangangalaga sa kalikasan.

Binigyang-diin din ng Obispo na ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang nasusukat sa pagbaba ng kriminalidad kundi sa pagkakaroon ng katarungan, paggalang sa dignidad ng tao at patas na pagpapatupad ng batas.

“Peace and order cannot be measured solely by crime statistics or security operations. Genuine peace is built when people experience fairness, equal access to opportunities, respect for human dignity, and confidence that the rule of law applies equally to everyone.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Umaasa rin si Bishop Bagaforo na magiging pagkakataon ang SONA upang pagtibayin ang paninindigan ng bansa laban sa katiwalian, pangalagaan ang kalikasan, at isulong ang katarungan at kapayapaan para sa lahat.

Bukod dito umaasa rin ang Obispo na maglalatag ng Pangulo ng malinaw na mga hakbang upang mapangalagaan ang natitirang likas na yaman ng bansa, mapalakas ang climate resilience, at maisulong ang paggamit ng malinis at renewable na enerhiya.

Paalala ng Simbahang Katolika, itinuturo ng Catholic Social Teaching na ang tunay na mabuting pamamahala ay nakaugat sa katotohanan, pananagutan, katarungan at paglilingkod sa kabutihang panlahat, lalo na para sa mga mahihirap at higit na nangangailangan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,945 total reads

 8,945 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,633 total reads

 63,633 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,998 total reads

 148,998 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,735 total reads

 195,735 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,607 total reads

 243,607 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,428 total reads

 344,428 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top