Administrasyong Marcos, hinimok ng CMSP na pairalin ang katarungan at pananagutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,570 total views

Hinimok ng Conference of Major Religious Superiors in the Philippines, Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pairalin ang katarungan, pananagutan at tunay na malasakit sa mahihirap sa halip na umasa lamang sa mga ulat ng paglago ng ekonomiya at malalaking proyektong pang-imprastraktura bilang sukatan ng kalagayan ng bansa.

Sa isang Prophetic Open Letter na inilabas kasabay ng pagdaraos ng State of the Nation Address (SONA) 2026, iginiit ng CMSP–JPICC kasama ang kanilang mga mission partners na ang tunay na estado ng bansa ay nasusukat sa kalagayan ng mga pinakamahihirap at pinakamahihina sa lipunan.

Ayon sa mga relihiyoso, hindi nagsasalita ang organisasyon bilang mga kalaban o kakampi ng sinumang pulitiko kundi bilang mga lingkod ng Simbahan na may pananagutang ipagtanggol ang dignidad ng tao, pangalagaan ang sangnilikha at isulong ang kabutihang panlahat.

“The State of the Nation is not ultimately measured by economic growth, infrastructure projects, or investment figures. It is measured by whether the poor are lifted up, whether the hungry are fed, whether workers receive just wages, whether farmers and fisherfolk can live with dignity, whether Indigenous Peoples are respected, whether our youth have hope, whether justice reaches the powerless, and whether every Filipino can live in peace, freedom, and dignity,” Ayon sa CMSP-JPICC.

Iginiit ng CMSP na nananatiling mabigat ang pasanin ng maraming pamilyang Pilipino dahil sa mataas na presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan habang patuloy na nararanasan ang kahirapan, kagutuman, hindi pagkakapantay-pantay at kakulangan sa disenteng hanapbuhay.

Binigyang-diin din ng grupo ang patuloy na paghihirap ng mga magsasaka at mangingisda sa kabila ng kanilang mahalagang papel sa seguridad sa pagkain ng bansa, gayundin ang pag-alis ng maraming manggagawa at mga propesyunal sa kalusugan upang maghanap ng mas magandang kabuhayan sa ibang bansa.

Ipinahayag din ng CMSP ang pagkabahala sa patuloy na pagbaba ng tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan dahil sa mga usapin ng katiwalian, kakulangan ng transparency at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.
Dahil dito, nanawagan ang mga relihiyoso ng isang malaya, patas at komprehensibong imbestigasyon sa implementasyon ng flood control projects at iba pang malalaking imprastraktura ng pamahalaan.

“Every peso lost through corruption is a peso taken away from the poor, from disaster-stricken communities, from schools, hospitals, and from the future of our nation. Accountability is not political persecution. It is a constitutional responsibility and a moral imperative.” Dagdag pa ng CMSP-JPICC.

Hinimok din ng CMSP ang pamahalaan na higit pang palakasin ang rule of law at tiyaking walang opisyal ng gobyerno—nakaraan man o kasalukuyan ang dapat manaig sa Saligang Batas.
Kasabay nito, nagpahayag din ng pagkabahala ang grupo sa lumalalim na hidwaang pampulitika, paglaganap ng disinformation at kultura ng pagkakahati-hati na anila’y nagpapahina sa demokrasya at pambansang pagkakaisa.

Sa usapin naman ng West Philippine Sea, hinikayat ng CMSP-JPICC ang administrasyon na ipagpatuloy ang pagtatanggol sa soberanya ng bansa sa pamamagitan ng mapayapang diplomasya, paggalang sa international law at matatag na pagtatanggol sa pambansang interes, lalo na sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.

Nagpahayag din ang mga relihiyoso ng matinding pag-aalala sa lumalalang epekto ng climate change at sa mga proyektong pangkaunlaran tulad ng Pax Silica, na ayon sa kanila ay dapat dumaan sa masusing konsultasyon, transparency at paggalang sa karapatan ng mga katutubo at pangangalaga sa kalikasan.

“There can be no authentic peace without justice, no genuine progress without care for creation, and no sustainable development without protecting the dignity, rights, and cultural heritage of Indigenous Peoples.” Ayon pa sa CMSP-JPICC.

Iginiit ng CMSP-JPICC na ang mga usaping ito ay hindi lamang pampulitika o pang-ekonomiya kundi mga usaping moral na direktang nakaaapekto sa dignidad ng tao at kinabukasan ng sambayanan.

Binigyang-diin ng grupo na ang Catholic Social Teaching ay nagtuturo na ang tunay na pag-unlad ay nakabatay sa paggalang sa dignidad ng bawat tao, preferential option for the poor, pangangalaga sa kalikasan, pagkakaisa, kapayapaang nakaugat sa katarungan, at pamamahalang may katapatan, pananagutan at paglilingkod.

Dahil dito, nanawagan ang CMSP-JPICC kay Pangulong Marcos na unahin ang kapakanan ng mahihirap kaysa sa mga pribilehiyo, pairalin ang transparency kaysa pagtatago, palakasin ang mga institusyon kaysa personalidad, ipagtanggol ang katotohanan laban sa disinformation, tiyakin ang pananagutan ng lahat ng opisyal ng pamahalaan at pamunuan ang bansa nang may kababaang-loob at integridad.

“Mr. President, we respectfully but firmly urge you to place the poor before privilege, to choose transparency over secrecy, to strengthen institutions rather than personalities, to defend truth against misinformation, to uphold justice over political convenience, to safeguard our sovereignty and our common home, to ensure accountability for every public official entrusted with the people’s resources, and above all to govern with humility, integrity, and an unwavering commitment to the common good.” Apela ng CMSP-JPICC.

Samantala, tiniyak din ng CMSP-JPICC na magpapatuloy itong samahan ang mahihirap, ipagtanggol ang dignidad ng tao, pangalagaan ang kalikasan at magsalita laban sa anumang uri ng katiwalian, kawalang-katarungan at paglabag sa katotohanan.

“Silence in the face of injustice is not an option for those who follow Christ,” Giit ng CMSP-JPICC.

Inilabas ng Conference of Major Religious Superiors in the Philippines–Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) kasama ang kanilang mga mission partners ang bukas na liham bilang pagninilay at panawagan sa pamahalaan kasabay ng State of the Nation Address 2026, bilang bahagi ng misyon ng Simbahan na isulong ang katotohanan, katarungan, kapayapaan at pangangalaga sa sangnilikha.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,754 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 20,103 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 42,952 total views

 42,952 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 115,611 total views

 115,611 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,893 total views

 146,893 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 178,909 total views

 178,909 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 329,002 total views

 329,002 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 5,453 total views

 5,453 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top