PBBM, hinamong maging tapat sa tunay na kalagayan ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,760 total reads

Nanawagan si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Interreligious Dialogue kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging tapat sa tunay na kalagayan ng bansa ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa halip na ituon lamang ang pag-uulat sa bayan sa mga nagawang proyekto ng administrasyon.

Sa kanyang pahayag na may titulong “The SONA Must Begin with the Truth,” iginiit ni Bishop Bagaforo na isa ring Convener ng InterReligious Leaders’ Council for National Transformation, na higit sa mga positibong salaysay ay nararapat marinig ng sambayanan ang mga kongkretong hakbang upang maibalik ang tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan at maisulong ang kabutihang panlahat.

Ayon sa Obispo, ang unang dapat bigyang-diin sa talumpati ng Pangulo ay ang matatag na pangako laban sa katiwalian, na aniya’y nananatiling isa sa pinakamalaking balakid sa tunay na pag-unlad ng bansa.

“Corruption remains one of the greatest obstacles to genuine development. It deprives communities of quality education, health care, social protection, disaster preparedness, and other essential services,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Iginiit din ng Obispo na dapat papanagutin ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na nagkasala sa taumbayan, anuman ang kanilang posisyon o kinabibilangang partido.
“Lahat ng kurakot ay dapat litisin at ikulong. Justice must be impartial and consistent, regardless of political affiliation, influence, or position.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Hinimok din ni Bishop Bagaforo ang pamahalaan na tugunan ang krisis sa kalikasan, paghihirap ng mga magsasaka, mangingisda at manggagawa, at isulong ang mga programang magbibigay ng disenteng kabuhayan at pangangalaga sa kalikasan.

Binigyang-diin din ng Obispo na ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang nasusukat sa pagbaba ng kriminalidad kundi sa pagkakaroon ng katarungan, paggalang sa dignidad ng tao at patas na pagpapatupad ng batas.

“Peace and order cannot be measured solely by crime statistics or security operations. Genuine peace is built when people experience fairness, equal access to opportunities, respect for human dignity, and confidence that the rule of law applies equally to everyone.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Umaasa rin si Bishop Bagaforo na magiging pagkakataon ang SONA upang pagtibayin ang paninindigan ng bansa laban sa katiwalian, pangalagaan ang kalikasan, at isulong ang katarungan at kapayapaan para sa lahat.

Bukod dito umaasa rin ang Obispo na maglalatag ng Pangulo ng malinaw na mga hakbang upang mapangalagaan ang natitirang likas na yaman ng bansa, mapalakas ang climate resilience, at maisulong ang paggamit ng malinis at renewable na enerhiya.

Paalala ng Simbahang Katolika, itinuturo ng Catholic Social Teaching na ang tunay na mabuting pamamahala ay nakaugat sa katotohanan, pananagutan, katarungan at paglilingkod sa kabutihang panlahat, lalo na para sa mga mahihirap at higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 3,949 total reads

 3,949 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 41,926 total reads

 41,926 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 95,764 total reads

 95,764 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,235 total reads

 159,235 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,017 total reads

 227,017 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top