Martes, Setyembre 22, 2026

SHARE THE TRUTH

 79 total reads

Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Kawikaan 21, 1-6. 10-13
Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Lucas 8, 19-21

Tuesday of the Twenty-fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Kawikaan 21, 1-6. 10-13

Pagbasa mula sa aklat ng mga Kawikaan

Hawak ng Panginoon ang isip ng isang hari
at naibabaling niya ito kung saan igawi.
Ang akala ng tao lahat ng kilos niya ay wasto
ngunit ang Panginoon lang ang nakasasaliksik ng puso.
Ang paggawa ng matuwid at kalugud-lugod
ay higit na kasiya-siya sa Panginoon kaysa mga handog.
Ang masama ay alipin ng kapalaluan,
ang ganitong ugali ay kasalanan.
Ang mabuting pagbabalak ay pinakikinabangan
ngunit ang dalus-dalos na paggawa’y walang kahihinatnan.
Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan
ay maghahatid sa maagang kamatayan.
Ang isip ng masama’y lagi sa kalikuan
kahit na kanino’y walang pakundangan.
Parusahan mo ang manlilibak at matututo ang mangmang,
pagsabihan mo ang matino, lalong lalawak ang kaalaman.
Alam ng Diyos ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama
kaya siya’y gumagawa ng paraan upang sila’y mapariwara.
Ang hindi pumapansin sa hibik ng mahirap
daraing din balang araw ngunit walang lilingap.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,
ayon sa utos ng Poon ang gawain araw-araw.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Ang lingkod mo ay turuang masunod ang kautusan,
sa utos mong mapang-akit, ako nama’y mag-aaral.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Ang pasiya ko sa sarili, ako’y maging masunurin,
sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Ituro mo ang batas mo’t sisikapin kong masunod,
buong pusong iingata’t susundin nang buong lugod.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Sa pagsunod sa utos mo, ako’y iyong pangunahan,
sa utos mo’y naroroon ang ligayang inaasam.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Lagi akong tatalima sa bigay mong kautusan,
susundin ko ang utos mo habang ako’y nabubuhay.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

ALELUYA
Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 8, 19-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus, ngunit hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ang pangaral ni Jesus sa Ebanghelyo at ang kanyang sariling buhay ang ating panuntunan sa pagnanais nating malaman ang kalooban ng Diyos. Manalangin tayo sa Diyos Ama upang makasunod tayo sa kanyan at maisabuhay ang kanyang pangaral.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maging ganap nawa sa aming buhay ang Iyong kalooban, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y isabuhay ang espiritu ng Ebanghelyo at tuwinang hanapin ang kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapalalim ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa mga dukha, may kapansanan, at yaong mga kapuspalad, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging mga tunay na bahagi ng pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kalooban ng Diyos Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang isabuhay sa araw-araw na pangyayari at kagapan ng ating buhay ang Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamo ng walang hanggang liwanag at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, gawin mo kaming karapat-dapat na maging bahagi ng iyong pamilya sa pamamagitan ng aming pananampalatayang ipinahahayag sa mabubuting gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Sense of entitlement!

 24,374 total reads

Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob ng simbahang katolika. Ito ang nagiging balakid sa pag-unlad ng bayan., pagkakaisa ng mamamayan.

Kapag naluklok na sa kapangyarihan, akala mo siya na ang hari., siya na ang masusunod., wala silang pakialam sa kapwa at mahalaga sa kanya ang sariling interes at interes ng pamilya at kaibigan.

Kapag entitled ang isang tao tulad ni Vice President Sara Duterte, huwag kang umasang igagalang at uunahin niya ang karapatan at interes ng iba. Kahit ikalawa pa lamang sa pinakamataas na poder ang okupado nito, umaasta na itong Reyna. Kahit lantaran na ang mga katibayan ng pagiging bayolente.., pandarambong sa pera ng taumbayan, taas-noo pa rin, umaasta pa ring walang kasalanan.

Para siyang lead actress sa isang pelikula, tele-novela at soap-opera., pinaglalaruan niya sa kanyang palad tayong mga Pilipino. Ang masakit, ginagawa niya tayong mangmang.

Dahil entitled, tumugon siya sa warrant of arrest na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court at personal na pumunta sa korte upang magpiyansa sa kasong 3-counts of grave threats laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,asawang si Liza at dating House Speaker Martin Romualdez.

Pero ipinakita ni VP Sara sa madla ang kanyang totoong kulay, hindi sumusunod sa alituntunin at protocol. Ipinipilit niyang bigyan siya ng special treatment.. OO nga naman, bise-presidente siya ng Pilipinas.
Ethical duty….. ayaw niyang dumaan sa hagdanan papuntang korte, dahil natatakot., hindi siya ligtas, wala din siyang tiwala sa kanyang 302 security detail, puwede daw daw siyang itulak at patayin sa hagdanan. Ayaw din niyang dumaan sa elevator, takot siyang makasama ang kanyang police escorts.

Kapanalig, ito ba ang klase ng bise-presidente na ating iniluklok sa puwesto, sa sarili lang may tiwala?Wala siyang tiwala sa mga pulis, wala siyang tiwala sa korte.

Ang solusyon ni VP Sara sa sariling problema ay inanyayahan niya ang mga mamamahayag na samahan siyang umakyat ng hagdan para matiyak daw ang kanyang kaligtasan. Ang motibo lang pala niya ay magkaroon ng media mileage?

Sa kabila ng pagiging bise-presidente at pagiging abogado., ethical duty ni VP Sara na i-uphold ang integridad at dignidad ng legal system ng bansa sa halip na ipairal ang kanyang sense of entitlement! Ang drama ni Inday Sara sa QC-RTC ay pagpapakita na wala siyang paggalang sa posisyong kanyang kinaluklukan at sa taumbayan na dapat niyang pagsilbihan. Ang lugmok nang justice system at batas ng bansa ay nilalapastangan lamang ng bise-presidente na ang lahat ng rules at institutional restraints ay para lamang sa kanya. God save the Philippines, kapag na-acquit ito sa kinakaharap na impeachment trial for violation of public trust at paglabag sa graft and corrupt practices act. Lalu na kapag ibinoto pa itong president.

Harinawa Kapanalig, makarating sa kinauukulan ang payo ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect for the Dicastery for Evangelization sa mga nag-aastang hari o reyna “Drop ‘holier than thou’ attitude”.

Sinasabi naman ng Philippians 2:3–4 “tells believers not to act from selfish ambition or empty pride. Instead, we are called to value others and care about their interests as well as our own.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BAKIT LALAYO PA?

 13,798 total reads

May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang.

Minsan, nasa paligid lamang natin.

Nasa mga lugar na inaasahan nating may tiwala, malasakit at pananagutan. Nasa mga taong pinagkatiwalaan ng responsibilidad. At higit sa lahat, nasa mga pagkakataong ang isang bagay na dapat gamitin para sa kapakanan ng marami ay unti-unting napupunta sa pansariling interes.

Bakit lalayo pa?

Kung may gustong manglamang, hindi na kailangang humanap ng malayong pagkakataon. Sapat nang samantalahin ang tiwala ng iba.

May perang ipinagkatiwala ngunit hindi maipaliwanag kung saan napunta. May mga bagay na para sana sa lahat ngunit may iilang nakikinabang. May mga pangakong maganda pakinggan ngunit iba ang nangyayari sa likod ng mga salita.

At ang mas masakit—minsan, hindi agad napapansin dahil ang gumagawa ay taong pinagkakatiwalaan.

Kapag ang tiwala ay naging pagkakataon para manloko

Ang pagnanakaw ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng pera o bagay na hindi naman sa iyo.

Maaari rin itong maging pagnanakaw sa tiwala.

Kapag may ipinagkatiwala sa iyo at ginamit mo ito para sa sarili mong kapakinabangan, hindi lamang pera ang nawawala. Nawawala rin ang tiwala ng mga taong naniniwalang iingatan mo ang kanilang ipinagkatiwala.

Ganito rin ang problema kapag nangyayari sa isang mas malaking sistema—sa isang tanggapan, organisasyon o maging sa pamahalaan.

Ang pondo ng bayan ay hindi personal na pera ng sinumang humahawak nito. Ang kapangyarihan ay hindi pribadong pag-aari. Ang posisyon ay hindi lisensiya upang unahin ang sarili.

Kapag ang pampublikong tiwala ay ginamit sa pansariling interes, ang epekto ay hindi lamang sa isang tao. Maaaring maapektuhan ang serbisyong dapat matanggap ng marami, ang mga proyektong dapat makinabang ang komunidad, at higit sa lahat, ang tiwala ng mamamayan sa mga institusyong dapat naglilingkod sa kanila.

Pareho ang prinsipyo, maliit man o malaki

Maaaring maliit lamang ang isang bagay sa paningin ng iba.

Pero ang prinsipyo ay pareho.

Kung mali ang pagkuha ng hindi sa iyo sa maliit na halaga, hindi nagiging tama ang parehong gawain kapag mas malaki na ang halaga.

Kung mali ang pagsisinungaling sa maliit na bagay, hindi ito nagiging tama kapag mas malaki na ang nakasalalay.

At kung mali ang paggamit ng tiwala ng isang tao, lalo itong nagiging mabigat kapag tiwala ng isang buong komunidad o ng bayan ang ipinagkatiwala sa iyo.

Hindi nasusukat sa laki ng halagang nakuha ang bigat ng pagkakamali. Nasusukat din ito sa tiwalang sinira.

Ang turo tungkol sa katapatan

Sa pananaw ng pananampalataya, ang katapatan ay hindi lamang isang magandang asal na ipinapakita kapag may nakakakita.

Ito ay isang paninindigan.

Itinuturo ng Simbahan na ang tao ay tinatawag na maging tapat, makatarungan at responsable sa anumang ipinagkatiwala sa kanya. Ang mga materyal na bagay, pera, posisyon at kapangyarihan ay hindi dapat gamitin lamang para sa pansariling kapakanan, kundi may pananagutan sa kapwa at sa kabutihang panlahat.

Maging ang simpleng aral na “Huwag kang magnanakaw” ay hindi lamang tungkol sa literal na pagkuha ng pag-aari ng iba. Kaugnay nito ang paggalang sa karapatan ng kapwa, pagiging makatarungan, at tamang paggamit ng mga bagay na ipinagkatiwala sa atin.

Dahil sa huli, hindi naman talaga tayo ang tunay na may-ari ng lahat ng bagay na hawak natin.

May mga bagay na ipinagkakatiwala lamang.

Kaya bakit lalayo pa?

Baka ang tunay na tanong ay hindi kung saan nangyayari ang pandaraya.

Ang mas mahalagang tanong ay:

Ano ang ginagawa natin kapag alam nating may mali?

Mananahimik ba tayo dahil kakilala natin ang gumagawa?

Pipikit ba tayo dahil may pakinabang tayo?

O pipiliin nating panindigan ang tama kahit hindi ito ang pinakamadaling gawin?

Ang isang lipunan ay hindi lamang nasusukat sa dami ng batas nito. Nasusukat din ito sa mga taong marunong gumalang sa tiwala, tumanggi sa pandaraya at managot sa kanilang mga ginagawa.

Sa maliit na pamayanan man o sa buong pamahalaan, pareho ang hamon:

Ang tiwala ay dapat ingatan.
Ang kapangyarihan ay dapat gamitin nang may pananagutan.
At ang anumang ipinagkatiwala ay hindi dapat gawing daan para sa pansariling pakinabang.

Kaya kung may magtatanong, “Bakit lalayo pa?”

Maaaring ang sagot ay simple:

Dahil ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa mismong lugar kung saan tayo naroroon—sa paraan ng paggamit natin sa tiwala, sa pera, sa kapangyarihan, at sa konsensiya.

Sapagkat kahit walang nakakakita, may pananagutang hindi natin matatakasan.

At para sa taong may pananampalataya, higit sa lahat, may Diyos na nakakakita.

RECIPIENTS

 5,828 total reads

Gospel Reading for September 18, 2026 – Luke 8: 1-3

RECIPIENTS

Jesus journeyed from one town and village to another, preaching and proclaiming the good news of the Kingdom of God. Accompanying him were the Twelve and some women who had been cured of evil spirits and infirmities, Mary, called Magdalene, from whom seven demons had gone out, Joanna, the wife of Herod’s steward Chuza, Susanna, and many others who provided for them out of their resources.

————

The women who had been cured of evil spirits and infirmities were not just RECIPIENTS of God’s mercy and compassion. They responded to God’s call by helping provide for the needs of Jesus and the Twelve through their own resources.

When we become RECIPIENTS of God’s love, mercy, and compassion, we are also called to reciprocate by sharing the love, mercy, and compassion we have received with others in need. This is how we tell the world of His love.

Lord Jesus, teach us to be grateful for all the blessings we receive each day by sharing with those in need what we have received. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 24,375 total reads

 24,375 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 47,828 total reads

 47,828 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 126,214 total reads

 126,214 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 170,525 total reads

 170,525 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 206,806 total reads

 206,806 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Setyembre 21, 2026

 1,615 total reads

 1,615 total reads Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita Efeso 4, 1-7. 11-13 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang

Read More »

Linggo, Setyembre 20, 2026

 3,133 total reads

 3,133 total reads Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 55, 6-9 Salmo 144, 2-3. 8-9. 17-18 D’yos ay tapat at totoo sa dumadalanging tao. Filipos

Read More »

Sabado, Setyembre 19, 2026

 4,525 total reads

 4,525 total reads Sabado ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Januario (Jenaro), obispo at martir o kaya Paggunita sa Mahal na

Read More »

Biyernes, Setyembre 18, 2026

 5,333 total reads

 5,333 total reads Biyernes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 15, 12-20 Salmo 16, 1. 6-7. 8b at 15 Paggising ko, Poong sinta,

Read More »

Huwebes, Setyembre 17, 2026

 6,580 total reads

 6,580 total reads Huwebes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita kay St.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top