Martes, Oktubre 6, 2026

SHARE THE TRUTH

 437 total reads

Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Bruno, pari

Galacia 1, 13-24
Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Lucas 10, 38-42

Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Bruno, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Galacia 1, 13-24

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay bilang masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin. Naging mas masugid ako sa relihiyong ito kaysa maraming Judiong kasinggulang ko, at malaki ang aking malasakit sa mga kaugalian ng aming mga ninuno.

Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tinawag upang maging lingkod niya. At nang ihayag niya sa akin ang kanyang Anak, upang ang Mabuting Balita tungkol sa kanya ay maipangaral ko sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. Ni hindi ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na una kaysa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco. Nakaraan pa ang tatlong taon bago ako umakyat sa Jerusalem upang makipagkita kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang apostol liban kay Santiago na kapatid ng Panginoon.

Totoong lahat ang sinasabi ko sa sulat na ito. Alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling.

Pagkatapos, pumunta ako sa mga lalawigan ng Siria at ng Cilicia. Hindi pa ako nakikita noon ng mga Kristiyano sa Judea. Nabalitaan lamang nila na ang dating umuusig sa kanila ay nangangaral ngayon tungkol sa pananampalataya na kanyang sinikap na wasakin noong una. Kaya’t nagpuri sila sa Diyos dahil sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malaya, batid mo ang aking isip.
Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Lahat ito’y nakikintal, sa puso ko at loobin.
Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,
sa loob ng bahay-bata doo’y iyong napapansin;
lumalaki ako roong sa iyo’y di nalilihim.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

ALELUYA
Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito’y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Hesus at ang wika, “Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.” Ngunit sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Tulad ng napag-alaman nina Maria at Marta, nabunyag kay Jesus ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na nananahan sa ating piling. Manalangin tayo sa Diyos na naririto at nakikinig sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, dalawin Mo kami.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y maging bukas na tahanan para sa lahat ng maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga labis na abala sa mga bagay sa mundong ito na kumukupas nawa’y magkaroon ng pagpapahalaga sa pakikinig sa Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, nawa’y piliin natin ang higit na mahalaga at tanggapin si Jesus sa ating puso at buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at naghihingalo nawa’y tumingin kay Kristo sa oras ng kanilang paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y manahan sa tahanan ng Diyos magpakailanman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak na si Jesus upang ipakita sa amin ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Lagi nawa namin siyang tanggapin sa aming buhay at magkaroon siya ng puwang sa aming puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

GREAT BLESSING

 4,941 total reads

Gospel Reading for October 03, 2026 – Luke 10: 17-24

GREAT BLESSING

The seventy-two disciples returned rejoicing and said to Jesus, “Lord, even the demons are subject to us because of your name.” Jesus said, “I have observed Satan fall like lightning from the sky. Behold, I have given you the power ‘to tread upon serpents’ and scorpions and upon the full force of the enemy and nothing will harm you. Nevertheless, do not rejoice because the spirits are subject to you, but rejoice because your names are written in heaven.

”At that very moment he rejoiced in the Holy Spirit and said, “I give you praise, Father, Lord of heaven and earth, for although you have hidden these things from the wise and the learned you have revealed them to the childlike. Yes, Father, such has been your gracious will. All things have been handed over to me by my Father. No one knows who the Son is except the Father, and who the Father is except the Son and anyone to whom the Son wishes to reveal him.”

Turning to the disciples in private he said, “Blessed are the eyes that see what you see. For I say to you, many prophets and kings desired to see what you see, but did not see it, and to hear what you hear, but did not hear it.”

————

If we are given special gifts that make the devil subject to us, or the power to remain safe in the midst of extreme danger, it is not something to brag about. This is precisely because these gifts are given to us for the propagation of the Kingdom of God and for the continuing work of salvation through Jesus Christ.

Most of the apostles were simple fisherfolk. They were unlike the scribes and Pharisees. Yet, God revealed to them through Jesus truths that were given only to a few chosen ones. But the greatest blessing they ever received as disciples was discovering who Jesus was and having the opportunity to be with Him for three years.

Three years with the Son of God! Three years of hearing nothing but wisdom! Three years of living a life the way the Giver of Life intended it!

What a GREAT BLESSING indeed!

Lord Jesus, help us recognize the gifts You have given us that are meant to be placed in the service of God’s Kingdom, and subsequently offer them to the Church. Amen.

DOUBLE CRISIS

 40,358 total reads

Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag…

Paanong hindi magiging matatag tayong mga Pilipino, 19 hanggang 20-tropical cyclones ang namiminsala sa Pilipinas kada taon. Ginupo at pinadapa tayo ni Super typhoon Yolanda., nang bagyong Ondoy, nang malalakas na lindol., matinding pagbaha., ngunit, mabilis tayong nakakabangon. Maaring dahilan, ang likas na pagiging matulungin sa kapwa at matibay na pananampalataya sa panginoon ang nagbibigay sa atin ng lakas na tumayo at lumaban upang mabuhay.

Ngunit tila bagang, sinusubukan ang pagiging “resilient”, dahil sa lumalalang climate crisis, nahaharap tayong mga Pilipino sa matinding hamon dulot ng tinaguriang 2026-2027 Godzilla super El Niño na sinasabing pinakamatindi sa nakalipas na 1,000-taon.

Sinasabi ng mga weather specialist na ang Pacific ocean ang nagdi-determina kung magiging maulan at tuyot ang lagay ng panahon sa Pilipinas. Sa kabilang banda, ang Indian ocean ang nagdidikta sa lakas at kailan tatama ang 2-weather extremes.

Base sa Philippine rainfall crisis sa sinasabing 2026-2027 super El Niño at Indian Ocean variability, mangyayari ito sa dalawang yugto: Matinding pagbaha sa gitna ng negative Indian Ocean Dipole (IOD) mula Hulyo hanggang September 2026, susundan nang mabilis na yugto ng tagtuyot (drought) mula October 2026 hanggang May 2027.

Ayon sa mga eksperto, ang El Niño-Southern Oscillation (ENSO) ay itinuturing na pangunahing nagtutulak ng rainfall variability., Sinasabi naman sa isang “hydrological research” na ang Philippine rainfall binubuo ng magkasamang ENSO, Indian Ocean Basin Wide (IOBW) warming at Indian Ocean Dipole Mode (IODM).

Sa research ni Dr. Glenn Tabios III ng University of the Philippines, base sa datos mula 1980 at 2022, lumalabas na pinapahina ng IOBW warming ang southwest monsoon, o Habagat, mula Hunyo hanggang Agosto habang ang IODM ay lumalakas mula September hanggang November, isang kritikal na panahon ng anihan at dam replenishment.

Nakakabahala ang delubyong ito Kapanalig, hindi pa tumatama ang super El Niño, 72-milyong Pilipino o 52-percent ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap noong March 2026. Ito ay base sa poverty incidence report ng Philippine Statistic Authority.

Ang tanong, tayo ba ay nakahanda? Nakahanda ba ang pamahalaan sa napipintong trahedya dulot ng super El Nino?
Kapanalig, upang matugunan ang hamon ng tagtuyot, nangangailangan ito ng nagkakaisa., nagtutulungan na mga Pilipino. Buhayin ang diwa ng “bayanihan”. Patatagin ang ating pananampalataya.

Kapanalig, sinasabi ng ISAIAH 41:10- “Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.”

Sumainyo ang Katotohanan.

GREAT TRUST

 10,490 total reads

Gospel Reading for October 02, 2026 – Matthew 18: 1-5, 10

GREAT TRUST

The disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest in the Kingdom of heaven?” He called a child over, placed it in their midst, and said, “Amen, I say to you, unless you turn and become like children, you will not enter the Kingdom of heaven. Whoever humbles himself like this child is the greatest in the Kingdom of heaven. And whoever receives one child such as this in my name receives me. “See that you do not despise one of these little ones, for I say to you that their angels in heaven always look upon the face of my heavenly Father.”

————

Today, the Church celebrates the Memorial of the Holy Guardian Angels.

There are several beliefs regarding guardian angels. There is a traditional belief that for each one of us, an angel is assigned to guide, guard, and protect us throughout our lives. There is also a belief that they collectively protect human lives upon God’s initiative and in His time. Whatever our belief may be, what is important is Jesus’ assurance that there are indeed angels who are meant to protect us from harm, especially from the evil one.

A child will always remind us of how simple life truly should be—free from cares and worries, and ever dependent on the adults in whose care they are. Although we may already be adults, if we have GREAT TRUST in God, then we, too, can be free from cares and worries and remain ever dependent on the grace of God.

Parents and guardians, however, have to take their responsibility seriously—to enhance the qualities that their children already have and to help them grow into responsible and caring individuals. A lot of children lose their childlike qualities even before they become adults because they belong to dysfunctional families. What is worse is the great risk that, because of this, they may become juvenile delinquents.

According to the United Nations, children have basic rights: the right to survival, the right to development, the right to protection, and the right to participation. These little ones have all the rights accorded by God to every living person. We have to treat them with the same respect that we give to adults.

Angel of God, my guardian dear,
to whom God’s love commits me here,
ever this day be at my side,
to light and guard, to rule and guide.
Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 40,359 total reads

 40,359 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 74,852 total reads

 74,852 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 176,676 total reads

 176,676 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 217,234 total reads

 217,234 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 236,179 total reads

 236,179 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 5, 2026

 2,724 total reads

 2,724 total reads Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina ng Kowalska, dalaga Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2.

Read More »

Linggo, Oktubre 4, 2026

 5,098 total reads

 5,098 total reads Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 5, 1-7 Salmo 79, 9 at 12. 13-14. 15-16. 19-20 Panginoon, iyong tanim ang ubasan mong

Read More »

Sabado, Oktubre 3, 2026

 6,614 total reads

 6,614 total reads Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Job 42, 1-3. 5-6. 12-16

Read More »

Biyernes, Oktubre 2, 2026

 7,720 total reads

 7,720 total reads Paggunita sa mga Banal na Anghel na Tagatanod Exodo 23, 20-23 Salmo 90, 1-2. 3-4. 5-6. 10-11 Mga anghel niyang banal sa inyo

Read More »

Huwebes, Oktubre 1, 2026

 8,618 total reads

 8,618 total reads Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga at pantas ng Simbahan Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top